Maingay na ang mundo
Isip ko'y gulong gulo
Hindi ko na alam ang susundin ko
Tila nais ko ng sumukoMaingay na ang mundo
Wala ng pake ang ibang tao
Ang mahina kong tinig
Ay tila wala ng nakakarinigMayroon lang akong simpleng kahilingan
Sana'y handa parin itong pakinggan
At habang nandito pa sa kinatatayuan
Ay mabigyang katuparanHabang nandito pa ako
Ako sana'y pakinggan niyo
Alamin ang tunay na nararamdaman ko
Maging bukas sa bagay na itoHabang nandito pa ako
Pwede bang iparamdam niyo
Na may natitira pang pagmamahal sa puso
May natitira pang pag-asa sa mga itoHabang nandito pa ako
Pwede bang wag muna kayong sumuko?
Sana'y maniwala kayo,
Na pwede pa akong magbagoHabang nandito pa ako
Habang pareho pa tayo ng ginagalawang mundo
Pwede niyo bang ipaalala sa akin
Na may pag-asa pa akong maaaring tanawinHabang nandito pa ako
Kahilingan ko'y dinggin niyo
Maaari bang buksan ang inyong mga mata
Nang makita na hindi lang ako nag-iisaMaingay na ang mundo
Kayo ay sobra ng naengganyo
Kaya siguro hindi niyo napansin
Kalungkutan ay malapit na kaming patayin
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...