AKO NAMAN

2.2K 11 0
                                    

Matagal tagal na din
Simula ng siya ang pinili mo sa amin
Pero ikaw parin ang nasa damdamin
At di parin kayang alisin

Nagdaan ang mahabang panahon
At ika'y iniwan niya na ngayon
Ngunit wala paring nagbago
Sa nararamdaman ko para sayo

Kaya ngayong wala na siya
Pwede bang ako naman,
Ang sayo ay magpasaya?
At magpagaan ng iyong nararamdaman?

Pwede bang ako naman ang magmahal sayo?
Sana'y bigyan mo ng pagkakataon
Ang puso kong umiibig ng totoo
Na tanging sayo lang nakatuon

Sana ako naman ang iyong makita
Sana'y iyong bigyang pansin ang aking nararamdaman
Wag ka na sanang maghanap ng iba
Ako naman, na kahit kelan hindi ka iniwan

Spoken Poetry (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora