NAKITA MO NA BA?

850 3 0
                                    

Sa tagal na nating magkasama
Sa dami na ng alaalang pinagsaluhang dalawa
Nakita mo na ba?
Kasi di ko alam kung kulang pa

Noong kailangan mo ng kausap
Ako ang tinawag, siguro dahil wala ng ibang mahanap
Pero ayos lang, handa parin naman ako
Kahit hindi ako ang unang naisip mo

Noong luha mo'y walang tigil sa pagbagsak
Nasaksihan ko kung paano ang puso mo'y unti unting nawasak
Dinamayan kita, pinagaan ang iyong kalooban
Kahit ako yung mas mabigat yung pinagdadaanan

Minahal kita ng sobra
Lahat ng pagmamahal ko'y nakuha mo na
Ultimo sa sarili ko'y wala ng natira
Sarili ko'y napabayaan ko na

Nakakatawa nga, sa tuwing aking maaalala
Kung paano ako pinagtatawanan ng iba
Dahil pilit kong sinisiksik ang sarili
Sa taong di naman nakita ang aking halaga, ni sandali

Sa tuwing kailangan mo ako
Dali daling pumupunta sayo
Lagi akong nasa tabi mo
Ganito ko pinaramdam ang pagmamahal ko

Sabi mo malungkot ka,
Kaya ito ginawa ang makakaya para ika'y mapasaya
Sabi mo nasasaktan ka na
Kaya ito ako ngayon, nasa tabi mo, dinadamayan ka

Pero nais ko lamang itanong
Siguro, ito na ang tamang panahon
Baka pwede mo na itong masagot
Baka ramadam mo na ang pagmamahal kong sayo'y binalot

Nakita mo na ba?
O kailangan ko pang pagbutihan pa?
Nagkulang ba talaga ako?
O sadyang higit pa ang hinahanap mo?

Nakita mo na ba?
Ang aking halaga
Ramdam mo na ba, na mahal kita
O hanggang ngayon ay hindi pa?

Hanggang ngayon nandito parin naman ako
Hinihintay ko lang na makita mo
Nakita mo na ba?
O may nakita ka ng iba?

To be continue...

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now