HINDI KA NAG-IISA

2.4K 13 0
                                    

Naaalala mo pa na yung panahong ayaw mo na
Yung lagi mong sinasabing suko ka na
Yung wala kang ibang inisip kundi ang iyong mga problema
At ang mga ito ay nais mong tuluyang wakasan na

Halos araw araw wala kang ginawa kundi umiyak
At puso mo'y patuloy at patuloy na nawawasak
Dahil sa sakit at pait na iyong nadarama
At pakiramdam mo ay wala ka ng halaga

Naaalala mo pa ba yung palagi kang nag-iisa
Wala man lang makasama at laging nagdadrama
Naaalala mo pa ba yung lagi kang nasa isang sulok
At walang ginawa kundi ang magmukmok

Naaalala mo pa ba yung panahong parang walang nakikinig sayo
Yung kahit umiyak man ng dugo ay parang wala ng magbabago
Yung panahong patuloy kang sinasaktan ng mundo
At tuluyan mo ng napabayaan ang sarili mo

Batid kong sobra na ang sakit na iyong dinadala
Sobra na, sobra na ang lungkot na iyong nadarama
Ang bawat ngiti noon ay napalitan na ng luha
At ngayon ay tuluyan ng nagdurusa

Kung sa tingin mo ay ikaw nalang ang nagiisa
Kung sa tingin mo ay ikaw lang ang nagdurusa
At pakiramdam mong wala nang katapusan lahat
Halika at makinig sa aking ilalahad

Meron akong kilala
Na minsan din nasaktan at lumuha
Minsan ding muntikan ng sumuko
Ngunit bumangon at pilit na tumayo

Minsan din siyang nagdusa katulad mo
Minsan din niyang naramdaman ang mga pasakit na ito
Minsan din niyang naramdamang itakwil ng mundo
Lahat ng problema mo ay napagdaanan nito

Minsan din niyang naranasang maiwan
Na parang wala ng masasandalan
Kundi ang krus na pinako sa kanyang likuran
Habang pinapanood ang mga taong nagharap sa kanyang kamatayan

Kaya wag mo sanang isipin na nagiisa ka
Dahil hindi ka nagiisa, meron kang makakasama
Meron handang makinig at iintindi sayo
Meron makapagpapagaan ng loob mo

Nandyan lang siya, sa iyong tabi
Naririnig ang iyong bawat paghikbi
Hindi mo lang napapansin
Dahil sa iba, ang atensyon mo'y nakabaling

Hinihintay niya na siya'y iyong tawagin
Hinihintay niya na siya'y iyong alalahanin
Hinihintay niya ang iyong pagbabalik
Sa puso niya'y may pananabik

Maniwala ka, Hindi ka nagiisa
At hinding hinding ka magiisa
Dahil hindi ka niya iiwanan
Matagal na niya itong napatunayan

Noong nasa krus at inalay ang kanyang buhay
Para sayo pinili niyang mamatay
Para sayo ang desisyong kanyang ginawa
Para patunayan ang iyong halaga

Bukasan ang iyong mga mata
Para iyong tuluyang makita
Buksan ang iyong puso
Para tuluyang maramdaman mo

Hindi ka nagiisa
Ito'y iyong kalimutan na
Si Hesus ay kasama mo
Ang pagibig niya sayo'y totoo

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now