Ilang beses akong lumayo
Isa, dalawa, tatlo?
Pauulit-ulit kong ginawa ito
Hinahanap ang kaligayahan nais ko
Sa kabila ng proteksyon mula sayo
Ang pagkalas parin ang pinili ko
Sa ibang daan ay pinilit lumiko
Daan kung saan malayo sa iyo
Nabulag ako mula sa kototohanan
Naligaw sa tinatahak na daanan
Napagtantong ikaw ay aking kailangan
Sumigaw, umaasang ako'y pakikinggan
Nagkamali ako
Nagsisi sa desisyong nagawa
Pinilit kong bumalik sayo
Sa pagbabakasaling ako'y matatanggap pa
Sa aking pagbalik
Natagpuan ko ang pusong sabik
Walang bakas ng tampo o galit
Bagkus nasaksihan ang malaking ngiting nakaguhit
Ako'y buong puso mong tinanggap
Sa kabila ng lahat ng naganap
Ako'y niyakap ng mahigpit
Tila nakalimutan ang sinapit
Sa aking pagbalik
Unti unting nabunot ang mga tinik
Muling naramdaman ang iyong pagmamahal
Na hinahanaphanap ng kay tagal
Sa aking pagbalik, di na muling aalis
Ang pag-ibig mo ay sadyang labis
Di matutumbasan ng mga bagay sa mundo
Pagkat ikaw ang siyang lumikha rito
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...