INIWASAN KITA

1K 13 0
                                    

Ang mensaheng iyong ipinadala
Ni isa ay wala akong binasa
Hindi dahil ang makausap ka ay nakakabagot
Pero tila dito'y parang wala akong maisasagot

Sa plano nating pagkikita
Hindi ako sumipot at nagpakita
Hindi dahil sa ayaw kitang makasama
Pero ang makita ka ay tila hindi ko na kaya

Sa sinabi mong miss na kita
Ang tanging naisagot lang ay tawa
Hindi dahil hindi tayo pareho ng nadarama
Pero para kasing joke lang, hindi ko alam kung totoo ba

Iniwasan kita
Siguro ito'y nahalata mo na
Ang dami kong alibi na ginawa
Para lang malayuan ka

Iniwasan kita
Hindi ako nagbago o nag-iba
Sarili ko'y aking inilayo
Bagay na sa isip mo'y nagpagulo

Iniwasan kita
Hindi dahil ikaw ay nakakairita
O ang mga kwento mo'y wala ng kwenta
At sa mga joke mo ay napikon na

Iniwasan kita
Hindi para ipakita na wala kang halaga
Hindi dahil naiinis ako sayo
At lalong hindi dahil sa hindi kita gusto

Iniwasan kita
Dahil ako'y napagod na
Napagod ng intindihin ka
Kung ano ba talaga itong nais mong ipakita

Iniwasan kita
Dahil ito ang tingin kong tama
Kahit iba ang sinisigaw ng puso
Dahil ang totoo ay nahuhulog na ako sayo

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now