Ang ikaw at ako
Magkasamang binuo ang tayo
Sa akin at sayo umikot ating mundo
Tayo na kakapit hanggang duloMagkasamang sumumpa sa pangako
Kapwa binuo lahat ng plano
Nilaan ang oras para dito
Minahal ang isa't isa ng totooSa bawat araw na dumadaan
Mas lalo pa nating pinatunayan
Ang tatag ng ating pagmamahalan
Base sa ating matamis na pagtitinginanTila ang daloy ng ating kwento
Ay parang panaginip sa sobrang perpekto
Kung panaginip nga lang lahat ng ito
Parang ayoko nang imulat ang mga mata koPatulot na nga akong napamahal sayo
Tanging pangalan mo ang sinisigaw nitong puso
Laging hinihiling kay Bathala
Na sana ito'y hindi na matapos paAyos na naman diba?
Maganda na ang daloy ng ating istorya?
Nalagpasan na lahat ng ating problema
Pero bakit kailangan mo pang mawala?Iniwan mo ako
Kung kelan hindi ko na kayang mawala ka sa tabi ko
Kung kelan hindi ko na kayang makahanap pa ng tulad mo
At tila sa iba'y di na muling titibok ang pusoIniwan mo ako
Kasama ng naudlot nating plano
At mga planong napako
Iniwan mo akong patuloy na umiibig sayoPero sana iniwan mo nalang ako
Yung tipong sasama ka sa iyong bago
Siguro iyon ay matatanggap ko pa
Hindi tulad nito na kay hirap makayaIniwan mo ako
Hindi man lang lumaban kahit papano
Pero paano ka nga ba makakalaban,
Kung kaharap mo na ang iyong kamatayan?Iniwan mo hindi lang ako
Kundi maging ang mundo
Tuluyang natapos ang ating kwento
Nang tuluyang bawiin ang buhay mo
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...