Buti pa yung mga magulang ni noah
Nagkabalikan na
Tayo, kelan kaya?
May pag-asa pa ba?Doon bumuhos at naligo lang sa ulan
Muli nang nagkabalikan
Pero ako, naligo na sa ulan, napuno na ng luha ang unan
Hanggang ngayon hindi parin kita muling masilayanButi pa siya pinigilang lumusong sa ulan
Inisip ang kanyang kapakanan, binigyan ng masisilungan
Pero ako? Hinayaan mong mabasa, hindi sa ulan, kundi sa sariling luha
Luha na bumuhos noong iniwanang mag-isaUminom ako ng nido
Nang dahil sa patalastas na napanood ko
Umasang magkakabalikan rin tayo
Katulad ng mga tauhan ditoUminom ako ng nido
Sinunod ang nakasulat na panuto
Tatlong takal ng kutsara
Para maging maayos ang timplaAkala ko magiging maayos na ang timpla
Akala ko muli na kitang makakasama
Pero iba ang timpla ng tadhana
Mali na sa patalastas na to ay umasaUminom ako ng nido
Pero hindi ka bumalik sa piling ko
Oo uto-uto ako, naniwala sa patalastas na ito
Pero mas nauto ako, sa lahat ng pangako moUminom ako ng nido
Hindi man natupad ang nais ko
Pero lumakas naman ang aking mga buto
Sa pagkadapa ay nakabangon ako
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...