ULAN

3.4K 25 1
                                    

Ako'y muling susugod sa ulan
Na walang pagaalinlangan
Kung ito ba'y may wakas o hangganan
O kung ako ba'y muling masasaktan

Mga mata'y aking imumulat
Isasantabi ang takot sa kidlat
O kung ano pa mang kapahamakan
Na pwedeng dala ng ulan

Sa panahong ito,
Malakas na ang loob ko
Handa na ako
Sa desisyon kong ito

Ako'y muling susugod sa ulan
Isasantabi ang mga katanungan
Sa panahong ito, ika'y kasama ko
Kaya panatag ang pusong ito

Bawat oras ay aking susulitin
Ika'y buong pusong mamahalin
Sa ulan ay sabay tayong magtatampisaw
Kasabay ng ating kaligayahang umaapaw

Nagdadasal na sana'y wala ng katapusan
Ang ulan na ating pinagsasaluhan
Sana'y wala na itong hangganan
Sana walang dulong masulyapan

Sasabay sa agos ng ulan
Tatanggapin kung merong katapusan
Ngunit umaasang hindi ang ating pagmamahalan
Na ito'y mananatili kahit mawala man ang ulan

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon