MALIWANAG NA MADILIM

1.2K 11 0
                                    

Ang paligid ay puno ng makukulay na liwanag
Pero ako'y mistulang naglalakad na bulag
Dahil sa likod ng lahat ng liwanag na ito
Tila malawak na kadiliman parin ang naaaninag ko

Ang paligid ay maliwanag naman
Pero bakit ramdam kong ako'y nasa kadiliman
Sa gitna ng kadiliman, nakagapos
Gulong gulo ang isipan kung kelan ito matatapos

Ramdam ng puso ko'y may kulang
Sa bawat araw, tila parang ako nalang
Ang nakadadama ng pag-iisa
Kalungkutan ang bumabalot na siyang dahilan ng pagluha

Maliwanag na madilim ang aking buhay
Sa bawat araw ninanais na sa liwanag ay humimlay
Buhay ko'y tuluyan nang nawalay
Paano pa makakabalik kung nabuwag na ang tulay

Maliwanag na madilim ang akin pang haharapin
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin
Ako'y naging alipin na ng kadiliman
At ito na ang siyang nakasanayan

Maliwanag na madilim lahat ng aking naging karanasan
Karahasan, kasinungalingan, kalungkutan at kahihiyan
Binalot nito ang aking pagkatao
Nawalan ng lakas at tuluyang nagpatalo

Maliwanag na madilim ang aking magiging kinabukasan
Kaya buong puso kong sasabihing "Hesus ika'y aking kailangan"
Ang totoong liwanag na galing sayo
At hindi ang akala ko'y totoo na mula lang pala sa mundo

Bigyan mo ng liwanag ang madilim kong mundo
Liwanag para ako'y maliwanagan sa lahat ng ito
Liwanag na siyang gagabay pabalik sayo
At liwanag na maghahari sa madilim na nakaraan ko

Madilim ang aking buhay
At maliwanag na sa aking na ikaw ang siyang tulay
Ikaw ang sa akin ay gagabay
Upang sa kadilimang ito'y tuluyan ng makahiwalay

Maliwanag na kadilim ang babalot sa aking buhay
Kapag sa piling niya ako'y nawalay
At maliwanag na aking malalabanan ang kadiliman
Kapag si Hesus ang siyang kakapitan

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now