SA LIKOD NG KANYANG NGITI

1.2K 7 0
                                    

Maganda siya
Maamo ang kanyang mukha
Lalo na kapag namumutawi
Ang kanyang matatamis na ngiti

Masaya siya
Yan ang lagi niyang ipinapakita
Ngunit ang kanyang mga mata
Tila may tinatago malungkot na istorya

Sa likod ng kanyang ngiti
Masasakit na karansan, kanyang ikinukubli
Sa likod ng kanyang ngiti
Sinusubukang lokohin ang sarili

Sa simpleng paraan ng pag ngiti
Pinapakitang masaya kahit sandali
Ngunit ang totoo ay ito'y pagkukunwari
Daan lamang para problema'y mainsantabi

Sa likod ng kanyang ngiti
Walang nakakaalam ng pag-iyak niya gabi gabi
Ang pagmumukmok sa isang tabi
Sa buhay, paubos na ang kanyang pisi

Sa likod ng kanyang ngiti
Mga tao'y naniwala ng kay dali
Na siya'y nasa mabuting kalagayan
Maayos ang kanyang nararamdaman

Sa likod ng kanyang ngiti
Nakatago ang kanyang wasak na sarili
Sa likod ng kanyang ngiti
May buhay, na maglalaho na ng unti unti

Spoken Poetry (Tagalog)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن