Sinubukan kong gayahin yung nasa social media
Yung sikat na challenge na ganda ka?
Anong sabi mo pangit ako?
Ito oh!Ngunit ng pinost ito
Puro panghuhusga ang natamo
Wala naman daw nagbago
Pangit parin naman daw akoMay mali ba sa nagawa ko?
Paulit ulit na tinatanong ito
Hindi naman yun ginawa para hindi mahuli
Gusto ko lang namang patunayan ang sariliMabilis na kumalat ang aking litrato
Ang shares, reacts at comments ay umabot na sa libo
Ito ay naging sentro ng tukso
Puro mga salitang negatiboWala namang nagbago?
Oo na, tanggap ko
Mali, mali na ginawa ang bagay na ito
Mali na inisip na kalalabasan ay positiboWala namang nagbago?
Pangit parin naman ako?
Oo na, kayo na ang maganda
Hindi na naman kailangang ipamukhaNapasaya ko ba kayo?
Masaya ba kayo na nanakit ng damdamin ng ibang tao?
Masaya na ba kayo?
Na iparamdam na ang pangit ay walang lugar sa mundo?Nung kumalat ang aking litrato
May nagbago ba sa inyo?
Napatunayan ba na talagang maganda kayo?
O lumabas lang ang tunay na ugali niyo?Ikaw, na nagpakalat sa aking litrato
May nagbago ba sa iyo?
Tumaas ba ang tingin sa iyong sarili?
Ah, maaaring oo, dahil nakatagpo ng mas mababang uriPero nung kumalat ang aking litrato
Wala namang nagbago
Pinatunayan niyo lang na mapanghusga kayong tao
Sumasaya pag nalamang may mas mababa sa inyo
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...