IKAW

3.4K 26 3
                                    

Kelan ba ko magkakaroon ng ikaw?
Kelan ba ang ikaw at ako ay magiging tayo?
Kelan magbibigay ng liwanag ang iyong ilaw?
Para sa aking madilim na mundo

Asan na ba si ikaw?
Kelan ka ba lilitaw?
Kelan ba si ikaw ay akin ng makakatagpo
Kelan ba titibok ang puso mo para sa puso ko?

Gaano pa ba katagal kita hihintayin?
Pagkainip ay akin paring titiisin
Matagpuan lamang si ikaw
Na sa akin ay pupukaw

Ikaw nalang ang kulang
Kaya sana magpakita ka naman
Si ikaw nalang ang kulang sa ako
Para mabuo ang salitang tayo

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon