TAYO

1.2K 4 0
                                    

Tayo
Salitang nakakaenganyo
Masaya kung kumpleto
Lalo na kung ito'y totoo

Tayo, isang salita
May apat na letra
Tumutukoy sa hindi lamang iisa
Kundi sa mga taong nagkakaisa

Sinulat ang tulang ito
Hindi para ipakita ang pagiging romantiko
Sa halip ay imulat ang mga mata niyo
Sa totoong papel natin sa mundo

Tayo
Ikaw at ako
May mahalaga tayong gampanin
Nararapat lamang na ito'y alamin

Kung nais natin ng pagbabago
Kung nais umunlad ang mundo
Tayo
Ang magiging sagot sa mga ito

Tigilan na ang mga nakagawian
Ang kakaasa kay batman
Ang paulit ulit na mamaya na
O ang nakagawiang bahala na nga

Lahat tayo ay may natatanging kakayahan
Kababaihan man o kalalakihan
Mahirap man o mayaman
Kung lahat tayo'y kikilos, lahat ay maisasakatuparan

Katulad ng kawayang walis
Mga gawain ay magagawa ng maayos at malinis
Kung lahat ay tulong tulong at nagkakaisa
Tagumpay ay makakamit ng sama-sama

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now