MALINAW NA MALABO

2.8K 16 0
                                    

Masaya ako sa tuwing nakikita kita
Mas lalo na sa tuwing nakakasama ka
Na tila sa mundo ay tayo lamang dalawa
At mga oras na yun ay ayaw ng matapos pa

Ngunit ang gumuguhit na ngiti
Mula sa aking labi
Ay unti unting nawawala
Sa tuwing papalapit na siya

Ang iyong mata'y nagniningning sa tuwa
Kapag nasisilayan na ang kanyang mukha
Iba ang hatid niyang kaligayahan
Na nagpapagaan sa iyong kalooban

Ang makuha ang iyong attensyon
Ay sadyang nakakapagod
Na nagigising sakin mula sa aking illusyon
At hinaharap ang realidad ng may lungkot

Malinaw na sakin na malabo
Malabo na magustuhan din ako
Na magkaroon ng pagasa sayo
Ay hindi na magkakatotooo

Malinaw na sakin na malabo
Malabong maging tayo
Dahil meron ng kayo
At wala na akong lugar sayo

Malinaw na sakin na malabo
Malabo ang lahat ng pangarap ko
Dahil siya ang mahal mo
At hindi magiging ako

Kaya malinaw na sakin
Na kailangan ko ng tanggapin
Kahit masakit sa dammdamin
Ito ay aking haharapin

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now