PARA SA TAONG AKING MAMAHALIN

5.1K 19 0
                                    

Ano kayang pinagkakaabalahan mo?
Iniisip mo rin kaya ako?
Iniisip mo ba kung kelan tayo magtatagpo?
O kung kelan magkukrus ang ating mundo?

Alam kong matagal tagal pa
Pero handa akong hintayin ka
Hihintayin ko ang pagdating mo
Sa buhay kong ito

Para sa taong aking mamahalin
Sana'y iyong tanggapin
Kung sino man ako
Kung merong magiging pagkukulang sayo

Dahil hindi ako perpekto
Pero pangako ko sayo
Mamahalin kita ng buong puso
Mamahalin kita sa paraang alam ko

Para sa taong aking mamahalin
Sana'y huwag kang agad susuko
Sa mga problemang ating haharapin
Magkasama nating aayusin ang mga ito

Sana'y hindi magbago
Ang nararamdaman mo
Sa pagtagal ng relasyon nating dalawa
Ito sana'y mananatili katulad noong simula

Sa paglipas ng taon,
Sa pagdating ng tamang panahon
Sana'y pareho na tayong handa
Na makilala ang isa't isa.

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now