TAMA NA

2.2K 13 1
                                    


Gaano karaming luha pa ba?
Ang kailangang tumulo mula sa aking mata
Ilang kirot pa ba sa damdamin?
Ang kailangan kong tiisin

Ilang tula pa ba?
Ang kailangan kong ilaan
Upang tuluyang mawala
Ang sakit na nararamdaman

Ilang araw pa ba?
Ang kailangan kong matamasa
At harapin ng magisa
Ngayong wala ka na

Ilang lubak na kalsada pa ba?
Ang kailangan kong daanan
Ako ay nahihirapan na
Kung paano ito malalagpasan

Sa bawat titik ng aking tula
Ay naglalaman ng lungkot at luha
Na aking patuloy na nadarama
At pinipilit na tuluyan ng mawala

Ang lahat ng paghihirap ay hindi pa ba sapat?
Nais ko ng makausad
Nais ko ng tuluyang talikuran
Ang lahat ng di magandang pinagdaanan

Sa pagkakataong ito
Ipapaintindi sa aking sarili
Na kailangan ka ng pakawalan ng puso
Dahil hindi ka na babalik pang muli

Tama na, sapat na ang lahat ng paghihirap
Tama na, pupunasan na ang lahat ng luha
Hindi na ako muling magpapanggap
Na masaya sa kabila ng lungkot na nadarama

Tama na, hindi na muling lolokohin ang sarili
Hindi na ako iiyayak sa gabi
Bibitiwan na ang lahat ng alaala
Kakalimutan na kita

Tama na, tama na ang desisyon ko
Ako ay tuluyan ng magiging masaya
Tanggap na ng aking puso
Na wala ka na talaga

Sa kabila ng aking pagkabigo
At mga luhang tumulo
Ako ay mananatiling nakatayo
At patuloy na lalaban para sa buhay kong ito

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon