Wala ka na nga bang pagpipilian?
Kaya mas pinili mong ako nalang?
Sarili ko'y hindi naman ipagpipilitan
Para makasama ka lang
Ito na, at sumapit na ang araw
Oras at sandali ay tila nakaw
Ako nalang ang gumagawa ng paraan
Upang magtagal itong ating nasimulan
Sa lubid na sa atin ay nagbubuklod
Ako nalang ang naiwang kumakapit
Sumpaan at plano tila iyo ng nilimot
Sa puso mo'y may iba na bang pumapalit?
Hindi na kita maintindihan
Mga bagay ay ayaw pag-usapan
Bakit hindi mo lubusang linawin?
Nang hindi ko na uulit ulitin
Pero nakakapagod ng mag-abang
Ayoko ng laging ako nalang
Ayoko na ng ganito
Siguro hindi nga ako para sayo
Kaya ako nalang ang lilisan
Sarili ko'y hindi ko na ipagsisiksikan
Upang hindi ka na mahirapan
Na gumawa ng kung ano anong dahilan
Ako nalang ang magpapaintindi sa sarili
Kung paano ang bagay na ito ay nangyari
Kung bakit ka bumitaw sa tali
Kung bakit siya ang iyong pinili
Ako nalang ang magpapaubaya
Titiisin ang sakit na nadarama
Sasanayin ang sarili ng mag-isa
Susubukang kalimutan ang ating alaala
Kayo'y hahayaan ng dalawa
Dahil tila sa piling niya ika'y masaya
Ang kinang ngayon sa iyong mga mata
Ay hindi ko nakita noong ako ang kasama
Tila sa pag-ibig niyong dalawa
Ako nalang ang walang ideya
At tila ako nalang ang kontra
Hindi na ako ang dating bida sa ating istorya
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...