Innocence 1

148K 1.9K 32
                                    

"Katarina?"

Dali-daling pumanaog siya sa hagdan nang marinig niya ang malakas na sigaw ng Papa niya. Ipinusod lang niya ang nagulong buhok dahil sa paglilinis sa kanyang kwarto. Ayaw na ayaw kasi ng Papa niya na pinaghihintay ito.

"Po?" Aniya nang makalapit siya sa pwesto nito. Nakadekwatro ito habang nagbabasa ng newspaper sa kanilang lanai. Bumaba ang tingin nito sa kanyang kabuuan at agad na bumakas ang pagkadisgusto doon.

"Bakit ganyan ang hitsura mo, Katarina?"

"Naglinis po ako ng kwarto, Papa." Kagat ang pang-ibabang labi na sagot niya.

"May katulong tayo na gumagawa niyan, Katarina. Ilang beses ko bang dapat sabihin na dapat maayos palagi ang hitsura mo kapag nasa loob ka at lalong-lalo na sa labas ng bahay?" Ibinaba na nito ang binabasang newspaper na napailing-iling na tumitig sa kanya.

"Pasensya na po, Papa. Hindi na po mauulit." Aniya sa mahinang boses.

"Umalis kana at ayusin mo ang sarili mo, Katarina. Huwag mong pinasasakit ang ulo ko ng ganito kaaga." He said dismissing her already. Dali-daling tumalikod siya at lakad-takbo ang ginawa para makabalik siya agad ng kwarto niya. Agad niyang isinara iyon at malungkot na napaupo sa kanyang kama.

His Papa, Gaston Bermudez is a city mayor. Kaya masyado itong strikto sa kanya dahil nag-iisa pa siyang anak. Masyado siyang bantay -sarado kaya kahit kailan man ay hindi niya gaanong naenjoy ang buhay sa labas ng kanilang bahay. Isa naring dahilan ng paghihigpit nito sa kanya ay sa dahilang baka puntiryahin siya ng mga kalaban nito sa pulitika. Gaya nalang ng nangyari sa mama niya. She was shot during his father's campaign. Ngunit hindi man lang nakulong ang maysala sa kadahilanang hindi sapat ang ebisensya na hawak nila.





Nakangiting humarap siya sa malaking salamin habang nakatitig sa kanyang mukha. She possessed this innocent beauty that she got from her late mother. Hindi siya kaputian ngunit matangkad siya at papasang isang modelo. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya ngunit walang naglakas na loob na ligawan siya dahil sa kanyang Papa. And it turned her off because they doesn't have enough balls to face his father.

Inayos niya pataas ang kanyang mahabang buhok at naglagay lang ng konting pulbo sa kanyang mukha. Agad din siyang bumaba at nadatnan niya ang kanyang Papa na nakaupo na sa hapag.

"Bilisan mo at umupo kana dito, Katarina." Dali-daling naglakad siya at umupo sa pwesto niya na nasa harapan nito. Tahimik na nagsimula na silang kumain nang bigla siyang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi nito.

"Po?"

"May dadaluhan tayong party mamayang gabi,Katarina. Birthday ng asawa ni Gobernador at kailangan na nandoon tayo. May darating mamaya na mag-aayos sayo."

"Okay po, Papa." Aniya sa mahinang boses. Kung siya ang papipiliin ay hindi na siya dadalo sa pagtitipon. Wala siyang hilig sa mga ganun at siguradong mabobored lang siya dahil pulos matatanda at pulitiko ang naroroon. Maiinis lang siya sa maririnig niyang pagyayabang ng mga ito.

"May pupuntahan ako pagkatapos nito. Huwag na huwag kang lalabas na wala kang kasamang bodyguard. Naiintindihan mo, Katarina?" Tahimik na tumango lang siya sa mga ibinilin ng ama at nagpatuloy na sa kanyang pagkain. Agad din naman itong umalis at naiwan siyang mag-isa na naman. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at walang ginawa buong maghapon kundi magmukmok lang doon.


Napapitlag siya mula sa pagkakatalungko nang marinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Sinundan iyon ng boses ng kanilang isang katulong.

"Andito na po ang mag-aayos sayo, Ma'am Katarina."

"Papasukin mo. Salamat." Sigaw niya pabalik at dahan-dahang bumaba sa kanyang magulong kama. Napatingin siya sa nakabukas na pinto at magkasunod na pumasok ang dalawang baklang mag-aayos sa kanya. Nginitian niya ang mga ito at inayang umupo.

"Maraming salamat, Katarina." Anang mas matangkad na bakla. Ang isa ay busy naman sa pag-aayos sa mga dala nitong gamit. "Ako nga pala si Frances at ang kasama ko naman ay si Ali." Pagpapakilala nito sabay abot ng kanyang kamay. Malugod na tinanggap niya iyon bago naupo sa bakanteng sofa.

"Do you want anything? Coffee or juice?" Aniya na tinanggihan lang ng dalawa. Agad din siyang inayusan ng mga ito nang makitang alas kwatro na ng hapon. Alas-siyete ng gabi kasi magsisimula ang party at ayaw ng Papa niya na malate silang dalawa.

Nakangusong tinitigan niya ang mukha sa salamin. Hindi parin talaga siya sanay na puno ng make-up ang kanyang mukha. Feeling niya ang bigat-bigat ng mukha niya kapag ganun.

"Ang ganda-ganda mo,Katarina!" Puno ng kasiyahan na saad ni Frances sa kanya.

"Salamat!" Kiming-ngiti niya na pinasadahan narin ng tingin ang gown na suot niya. It's a black long gown. It's not too sexy and revealing but her curves are perfectly shown in the gown that she's wearing. Lalo din siyang tumangkad sa suot niyang three-inched stilleto shoes.

"Sigurado ka bang wala kang boyfriend,Katarina? Hindi naman iyon kapani-paniwala." Anang Ali na kasalukuyang inaayos ang bandang ibaba ng kanyang suot na gown.

"Wala talaga. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas gaya ng ibang kababaihan dito sa atin."

"Sabagay,delikado naman kasing lumabas lalo na at anak ka ng mayor." Kibit-balikat na saad ni Frances habang pinakatitigan siya. Inabot niya ang cellphone dito at pinakiusapan itong kuhanan siya ng picture. She also took a selfie with them na pinaunlakan naman ng mga ito. Mag aalas-sais na ng gabi nang magpaalam ang mga itong aalis dahil may pupuntahan pa daw na raket. Naiwan siyang mag-isa at agad naring bumaba ng ipinatawag siya ng isang katulong na aalis na sila.

Seryosong mukha ng kanyang Papa ang nabungaran niya pagbaba niya ng hagdan. Ang gwapo at tikas parin nito kahit may edad na. Hindi na nga siya nagtaka kung bakit may mga babae paring nahuhumaling dito.

"You looked like your Mama,Katarina. So beautiful." Saglit na dumaan ang kalungkutan sa mga mata nito bago nauna ng lumabas sa bahay nila.

Napangiti siya ng mapait. Alam niyang namimiss parin nito ang kanyang mama kahit ilang taon na ang lumipas ng mawala ito sa buhay nila. Her death is so painful and sudden. Nahirapan din siyang tanggapin ang pagkawala nito lalo na at graduating na siya sa kursong Business Management. She struggled her way out of college. Kahit mahirap at masakit ay kinaya niya dahil gustong-gusto ng mama niya ang makatapos siya sa kolehiyo at makapagtrabaho sa malalaking kompanya na siyang pinapangarap niya. She finished college but her Papa became indifferent. Ni ayaw siya nitong pagtrabahuhin at paalisin sa kanilang bahay. Naiintindihan naman niya dahil siguro natatakot itong mangyari sa kanya ang nangyari sa mama niya. But years had passed and he's still the same. Lalo lang itong naghigpit sa kanya. Wala siyang social life kaya wala din siyang kaibigan. In short, her life was pretty boring and lifeless.









~~
A/N: I hope you'll support this story too.

XoXo 😘😘

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ