Innocence 10

68.2K 1.5K 34
                                    

"Ate Kat!"

Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya.Kunot-noong lumingon siya.A small smile curved on her lips when she saw Annie together with her friend Rose.Nakasuot na ang mga ito ng uniporme at mukhang paalis na papuntang paaralan ng mga ito.

"Bakit,Annie?Papasok na ba kayo?"

"Hindi na po tayo halos magpang-abot kasi,Ate.Namiss ka po namin." Nakangusong saad nito pabalik.

"Mukhang busy po talaga kayo sa trabaho,ate.Namiss naming makipagkwentuhan sayo."Anang Rose habang inaayos ang suot nitong salamin.

"Pasensya na talaga mga be ha?Kailangan ko lang talagang magtrabaho ng mabuti."Aniya habang kiming nakangiti sa mga ito.Kahit kasi hindi na nakafreeze ang accounts niya ay hindi parin pwedeng magpapetiks petiks siya.Ang pera kahit anong gawin mo ay kusang nauubos ng hindi mo napapansin.

Nakakaunawang tumango ang dalawa at kumaway na sa kanya paalis.Naiwan siyang mag-isa bago tinungo narin ang labasan.Pupunta kasi siyang mall.Kailangan na niyang bumili ng stocks niya ng pagkain at ilang personal na gamit. Agad niyang pinara ang dumaang sasakyan at nakipagsiksikan sa ibang mga pasahero.Hinawakan niya ng mahigpit ang dalang maliit na bag nang makaupo.Pinahid niya ang pawisang noo.Napatingin siya sa babaeng nakaupo sa harapan niya.Titig na titig kasi ito sa kanya.Kiming nginitian niya ito bago ibinaling ang tingin sa pwesto ng driver.

"Ate!Ate!"

Napabaling ang tingin niya nang may kumulbit sa kanya.Isang batang babae na kalong-kalong ng nanay nito ang nakatitig sa kanya.

"Bakit?"Nakangiting saad niya habang nakatitig sa cute na batang babae.She's on her pigtails and she couldn't help but remember her young self.Palagi din kasi siyang nakapigtails noong bata pa siya.Her mama always made sure that she looked neat when she's still young.

"Artista po kayo?Ang ganda niyo po!"Namimilog ang matang hinawakan pa nito ang pisngi niya na ikinangiti niya. Humingi naman ng paumanhin ang nanay ng bata nang makita ang ginawa ng anak nito sa kanya.

"Huwag ka ngang makulit,Ana!"Saway ng nanay nito dahil gusto pa ata siyang abutin ng batang babae.

"Nanay!Artista po siya!Dapat magpapicture tayo!"Nakasimangot ang mukha nito habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ng nanay nito. "Diba ate artista po kayo?"

Nakangiting umiling siya at nahihiyang umiwas ng tingin mula sa ibang pasahero ng dyip.Malakas na pumara siya nang marating ang pakay niya.Dali-daling bumaba siya kipkip parin ang maliit na bag na dala niya.Tinungo niya ang entrance ng mall at agad na dumiretso sa department store.Kailangan na kasi niyang bumili ng bagong damit dahil konti lang ang nadala niyang damit nang maglayas siya.Nawiwili siya sa kapipili ng bibilhing damit nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Kunot-noong tiningnan niya lang iyon at ibinalik din agad sa kanyang bag nang makita ang pangalan ng kanyang boss sa screen ng kanyang cellphone.



Dalawang bestida, dalawang pares ng shorts at blusa at dalawang pantalon ang binili niya.Pagkatapos magbayad ay agad naman niyang ibilin ang kanyang mga nabili sa baggage counter bago dumiretso sa supermarket.Medyo marami ng tao nang makatapos siya sa pamimili kaya nahirapan siyang makahanap ng sasakyan pauwi.Nakasimangot na nagtawag siya ng taxi nang biglang may humintong isang black BMW sa harapan niya.Natatakot na napaatras siya sa pag-aakalang masamang tao ang sakay nun.Bumukas ang bintana nun at iniluwa ang mukha ng boss niya.Hindi maipinta ang hilatsa ng mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Get in."

"Po?Huwag na po,boss!"Aniya habang umiiling.

"Don't fucking try my patience,Katarina.Huwag mong dagdagan ang galit na nararamdaman ko."Igting bagang na bumaba ito at hinablot ang bitbit niyang mga plastik at inilagay sa likod na bahagi ng sasakyan nito.Awang ang bibig na nakatitig lang siya dito nang itulak siya nito papasok sa upuan katabi nito at pabagsak na isinara iyon.Agad nito iyong pinaharurot at hindi niya maiwasang matakot dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho nito. Mabuti nalang at traffic.Galit na pinaghahampas nito ang manibela habang siya ay hindi alam kung anong gagawin sa galit na nababanaag niya sa mukha nito.

"You went out alone,Katarina?!Gusto mo bang mapahamak?"

Napakurap siya nang balingan siya nito ng nagbabaga nitong mga tingin.

"Bakit ka nagagalit,boss?Hindi naman ako mapapahamak."

"I called you,right?Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?!"

"Hindi ko po narinig."Pagsisinungaling niya habang umiiwas ng tingin dito.Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kanyang bag at tahimik na ipinalangin na sana ay makalabas na sila sa trapiko. She doesn't want him near her.Nakakasuffocate ang presensya nito.

"Really?!"He hissed while grinning.

Tumango lang siya at ibinaling ang tingin sa gilid niya nang biglang manlaki ang mga mata niya nang masulyapan niya sa kabilang sasakyan ang lalaking isa sa naging dahilan ng paglayas niya.Agad siyang napaupo patagilid habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi niya dahil sa sobrang takot.

Nahanap na ba siya nito?

Paano ang Papa niya?

Anong gagawin niya?

Naiiyak na napatitig siya kay Tristan na kunot na kunot ang noong nakatitig din pala sa kanya.

"You looked pale,Katarina.Are you sick?"

Napailing siya habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili.Pasimpleng sinilip niya ang kabilang sasakyan at hindi niya maiwasang mapasinghap nang bumaling ang tingin nito sa kanya.

"Oh my God!Oh my God!" Namumutlang anas niya habang naiiyak.

"What the fvck,Katarina?!What is happening to you?"Galit na bulalas nito at sinubukang tingnan ang nasa bandang likod niya nang wala sa sariling hinarangan niya ito.Baka mas lalo lang siyang mahuli ni Brandon sa ginagawa nito.

"What are you doing?!Huwag mong harangan. Sino ang tinitingnan mo sa kabila?"

"Wala-wala!"Aniya at halos mapasigaw siya sa tuwa nang biglang lumuwag ang trapiko.Napailing ito at agad na binilisan ang pagmamaneho.

Akmang bababa na siya nang hawakan siya nito ng mahigpit sa braso at hinarap dito. Wala parin itong kangiti-ngiti habang nakatitig sa kanya.

"Don't lie to me, Katarina.Sino ang tinitingnan mo kanina?"

"Wala nga sabi, boss.Akala ko kasi kakilala ko."Aniya habang pilit na hinihiklas ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso niya.His expression hardened.Dahan-dahan nitong binitawan ang braso niya na namumula na dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

"Huwag ko lang malalaman na lalaki mo ang pinagtataguan mo,Katarina.Masama akong magalit. At ayaw na ayaw ko sa sinungaling." Anito bago bumaba.Naiwan siyang hindi mapakali dahil sa binitiwan nitong mga salita.Dahan-dahan siyang bumaba at inabot ang plastik na ibinigay nito.

"Pumasok kana,Katarina."

"Maraming salamat,boss!"Aniya sa mahinang boses.

Isang naiinis na tingin lang ang ibinato nito sa kanya bago siya itinulak paalis sa harapan nito. Nakangusong tumalikod siya at mabilis na tinungo ang looban papasok ng apartment niya.Ang bastos talaga ng boss niya. Parang hindi lalaki. Ang lakas manulak.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now