Innocence 9

66.6K 1.6K 52
                                    

Dali-daling sinagot niya ang tawag nang makitang ang Papa niya ang nasa kabilang linya.Hindi niya maiwasang kabahan dahil ang huling pag-uusap nila ay hindi naging maganda.

"Pa?"

"Katarina?"

"Bakit po?May sakit po ba kayo?"Aniya nang mapansin niya ang pamamalat sa boses nito.

"Makinig ka sa akin,okay?"Naririnig niya ang takot sa boses nito kaya hindi niya maiwasang manginig at kabahan sa maaaring sabihin nito.

"May nangyari po bang masama,Papa?Gusto niyo pong umuwi na ako?"

"Huwag,anak." Agad na sansala nito sa sinabi niya."Yan ang huwag na huwag mong gagawin,Katarina!Naiintindihan mo ako?!"

"Bakit po,Papa?Sabihin niyo po sa akin ang dahilan."

"Listen to me this time,Katarina!Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang sasama kay Brandon!Aayusin ko ang lahat, anak.Huwag kang mag-alala. Magiging okay din ang lahat."

Napahikbi siya nang marinig ang pangalang binanggit ng kanyang Papa.Alam niyang walang mabuting maidudulot ang gagawin niyang pagpapakasal sa lalaking iyon. He was a monster,a rapist and a drug user. Dahil mismong siya ang nakakita kung paano ito gumamit ng ipinagbabawal na gamot noong nasa kolehiyo palang sila. Maybe that's the reason why he tried to rape her.Wala ito sa katinuan nang tangkain nitong halayin siya.

"Mag-iingat po kayo,Papa."

"I will,anak.Patawarin mo narin ako dahil sa mga ginawa ko."

"Pinapatawad ko na po kayo,Papa.Tatawag po ako palagi.Mahal na mahal ko po kayo."

"Mahal na mahal din kita,anak." Anito sa malungkot na boses bago ibinaba ang tawag.Tulalang napahikbi siya sa sobrang takot na baka may mangyaring masama sa Papa niya.Brandon came from a very powerful and rich family of politicians.Nakakatakot itong kalabanin.




"Ha?"Wala sa sariling napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.Isang nakangiting mukha ni Sadie ang bumungad sa kanya.Agad siya nitong niyakap na ikinabigla niya.

"Hi there,Katarina!Namiss kita!"Anito at ikinawit pa talaga ang braso sa kanya.

"Hello,Sadie!Ngayon kalang nakadalaw.Busy?"Nakangiting inginuso nito ang direksyon ng isang matangkad na lalaking kasalukuyang nakatingin sa kanila habang nakasimangot.

"Siya na ba ang sinasabi mong forever mo?"Nakangiting saad niya.Tumango-tango ito at hinila siya patungo sa lalaki. Dinampian nito ng halik sa labi ang lalaki na ikinaiwas niya ng tingin. Hindi talaga siya kumportableng makakita ng naghahalikan sa harapan niya.

"Babe,this is Katarina.Katarina,meet my soon-to-be boyfriend,Alessandro."

"Hindi mo pa siya boyfriend?Bakit mo siya hinalikan sa labi?"Aniya habang puno ng pagtatakang nakatingin dito.Nahihiyang napakamot ito sa pisngi at inilayo siya sa lalaki kuno nito.

"Magiging boyfriend ko naman siya,Katarina."

"Okay lang talaga iyon?Ang makipaghalikan kahit hindi mo pa boyfriend?"

"That's so common nowadays,Katarina.But of course, huwag mong gagayahin.Dapat boyfriend mo yung lalaki bago ka makipaghalikan o bago mo isuko ang bataan mo."Humahagikgik na saad nito sa medyo malakas na boses dahil nagsisimulang lumakas na ang musika sa loob ng club.

"Talaga?"

"Yep."Anito habang sumasayaw-sayaw na sa gilid niya."Why?May lalaki na bang umaaligid sayo?"

"Ha?"Napailing siya at umiwas ng tingin dito.Sasabihin ba niya na ilang beses na siyang hinalikan ng kuya nito?Paano kung hindi naman talaga niya boyfriend ito?Magiging isa na ba siya sa mga babaeng nakikipaghalikan sa lalaking hindi naman niya boyfriend?

"Come on, Katarina!Let's dance!"Anito sabay higit sa kanya papuntang gitna ng dance floor.

"Sadie,nagtatrabaho pa ako.Baka pagalitan ako ni Boss."Aniya sa malakas na boses habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.

"Don't worry,okay?Akong bahala."

Napangiwi siya habang nagpalinga-linga sa kanyang paligid.Hindi pa siya nakakapagsayaw sa isang club at natatakot siyang mapahiya lalo't hindi siya ganoon kagaling sumayaw.Halos lahat ng tingin ay nasa kanila lalo na at nagsimula ng humataw sa sayaw ang katabi niyang si Sadie.

"Come on,girl! Move that sexy body!"Humihiyaw na tumalon-talon pa ito habang siya naman ay hindi na mapakali sa kakatayo sa gitna ng dance floor. She felt out of place wearing the club's uniform. Narinig niya ang paghiyaw ng kaibigan nang bigla itong kaladkarin ng lalaking boyfriend daw nito.Naiwan siya sa gitna at saktong tumama ang kanyang mga mata sa isang lalaki na kasalukuyang madilim ang mukha na nakatitig sa kanya. Katabi nito ang isang mestisang babae na nakayapos sa beywang nito.She felt a sudden pain on her chest as they looked at them exchanging kisses. Dagling nag-iwas siya ng tingin at agad na umalis sa dagat ng mga nagsasayawan.Dumiretso siya sa comfort room at doon pinakatitigan ang kanyang sarili.And she doesn't know why a single tear fell from her eye.Kagat-labing pinalis niya iyon bago inayos ang nagulong buhok.Malungkot lang siya kaya siya naiiyak.It really doesn't mean a thing.




Napahinto siya sa paglalakad nang biglang may humigit sa kanyang braso.Napaangat siya ng tingin at napatitig sa madilim nitong mukha.

"Saan ka pupunta?"

"Magtatrabaho na po,boss."Aniya at yumuko sa harap nito para umalis ngunit agad naman siyang hinigit nito pabalik at kinaladkad patungong cr ng mga babae.Tarantang nagsilabasan ang mga nasa loob nang makita ang galit na galit nitong mukha.

"Magtatrabaho ka?Really?" Nakangising saad nito at isinadlak siya malapit sa salamin ng comfort room."O magsasayaw at hayaan ang mga lalaking makalapit sayo?"

"Hindi po,boss.Nahihiya lang naman akong tumanggi kay Sadie kaya nandun ako sa gitna.Wala akong planong sumayaw dahil may trabaho po ako." Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na iniwas niya ang tingin dahil lalong nagalit ata ito sa isinagot niya.

"How did you know Sadie,huh?Ginamit mo ba ang kapatid ko para makapasok ka sa club ko ha?!"

"Hindi ko po alam kung ano ang sinasabi niyo,boss.At huwag niyo akong sigawan dahil hindi po ako bingi."Naiiyak na sambit niya sa harapan nito.

"Fvck! Stop with the po,Katarina.Dinadagdagan mo lang ang galit na nararamdaman ko!"

"Nirerespeto ko po kayo dahil boss ko kayo at mas matanda kayo sa akin.Walang masama sa paggamit ng po at opo."

Inisang-hakbang nito ang paglapit sa kanya at akmang hahalikan siya nang buong-lakas na pinigilan niya ang mukha nito.Gulat ang nakabakas sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Huwag niyo po akong hahalikan,boss.Hindi ko po kayo boyfriend at lalong ayaw kong makipaghalikan sa lalaking nakipaghalikan na sa iba."

"What the fuck,Katarina?!Seryoso ka?"Hindi makapaniwalang bulalas nito habang natatawa.

"Huwag na po ako ang halikan niyo,boss.Halikan niyo nalang ang girlfriend niyo."Aniya at agad itong iniwan na nakanganga.May pagka inosente man siya pero hindi siya isang tanga.Mas kailangan niyang unahin ang kapakanan ng kanyang pamilya kaysa sa puso niyang nagsisimula ng tumibok para sa lalaking nagnakaw ng unang halik niya.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon