Innocence 44

57.6K 1.2K 42
                                    

Nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdamang may gumagalaw sa tabi niya. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata. She met his innocent eyes. He smiled at her.

"You're here?"

Tumango ito at dinampian ng masuyong halik ang labi niya.

"Three days. Three agonizing days, Love. I miss you so much!"

Pinatakan nito ng halik ang labi niya patungong itaas ng dibdib niya. She stifled a moan when his tongue touched the sensitive tip of her breast. Hinila niya ito pataas at akmang hahalikan na sa labi nang makarinig siya ng ilang malalakas na katok mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Bakit?" Anas niya sa medyo paos na boses. Nasa tabi lang naman niya si Tristan at nagsimula na namang maglumikot ang mga kamay nito.

"Senyorita! Pinapatawag po kayo ng inyong Papa. Bumaba na daw po kayo ngayon din."

"Sige. Pakisabi bababa na ako. Salamat!" Sigaw niya pabalik.

Bumangon siya at inayos ang kanyang nagulong damit. She gave him a warning stare. Ngumisi ito bago bumangon at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi.

"Tristan!" Nandidilat ang matang saad niya.

"Sorry, Love. I just can't help it. You look so delectable early in the morning. So beautiful."

Uminit ang pisngi niya dahil sa binitiwan nitong mga salita. Inaamin niyang naging maharot narin talaga siya nang makilala ito. Konting panlalandi lang nito bumibigay na siya agad. Is she being a maniac also? Mahilig kasi ito. Sobrang hilig nito sa makamundong pagnanasa.

"Tumahimik kana, Tristan. Alis na diyan!" Sabay tapon dito ng masamang tingin. "Baka mamaya pagalitan na naman tayo ni Papa."

Kakamot-kamot sa ulong bumaba ito ng kama at sumunod sa kanya palabas ng kanyang kwarto. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo nang mamataan ang kanyang Papa na nakaupo na at mukhang naiinip na sa paghintay sa kanila.

"Magandang umaga po, Papa!" Aniya sabay halik sa pisngi nito at pumwesto ng upo malapit dito.

"Magandang umaga, mayor!" Tristan greeted with a wicked smile on his face. Agad niya itong hinila paupo sa tabi niya dahil nakita niya ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ng kanyang Papa. Ilang beses na niya itong pinagsabihan na huwag ng inisin ang kanyang Papa. Pero ang kulit lang talaga. Ayaw tumigil.

"Bakit andito kana agad, Tristan?"

"Namiss ko ang anak niyo, mayor. Bakit? Ayaw niyo po bang nandito ako?"

"May sinabi ba akong ganyan? Diba wala?"

"Pa! Tristan! Nasa harap po tayo ng pagkain." Sabat niya para matigil ang mga ito sa bangayan. Hayst! Palagi nalang siyang umaawat sa mga ito. Nakakasawa narin.

Kapwa natahimik ang mga ito dahil sa pagtaas niya ng boses. Nagsikuha na ito ng pagkain habang siya ay pabalik-balik lang ang tingin sa kanilang dalawa. They both have these hard expressions in their faces. She heaved a deep sigh before dropping the spoon and fork creating a loud thud. Sabay na nag-angat ng tingin ang mga ito sa kanya.

"I can't take this anymore. You're both acting immature. A mayor and a businessman. Seriously? Are you going to keep bickering until forever?" Her voice dripped with sarcasm and anger. Pumipintig din ang sentido niya dahil puyat at gutom na siya.

"Anak."

"Love."

Sabay na bigkas ng mga ito sa pangalan niya. Padabog na tumayo siya at iniwan ang mga itong nakanganga at natitigilan. Paakyat na siya nang makasalubong niya ang isang katulong.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon