Innocence 23

66.1K 1.4K 77
                                    

Nakangusong napatitig siya sa kanyang suot na puti at mahabang dress. She felt out of place when she got to see the clothes of his friends. Especially his girl friends. Halos labas ang katawan ng mga ito sa suot na mga damit. Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito nang magsimula ng magsilapitan ang mga kaibigan nito at batiin ito. She felt her cheeks reddened with the way they stare at her. Napapailing ang mga lalaki habang natatawa at pailalim naman ang tingin ng mga babae.

"Care to introduce your girl with us, Tris?" A guy with a playful smirk on his lips asked.

"Shut up, Saavedra!" He hissed as he walked towards the private room where they will be celebrating his birthday. Natatawang sumunod naman ang lalaki habang nakaakbay kay Corpuz na mas matangkad pa dito.

Nagpalinga-linga siya habang nakaupo sa tabi nito. Halos dalawampung katao lang ang imbitado sa kaarawan nito. Natanawan niya ang pagdating ni Sadie kasunod ang nobyo nito. Agad siya nitong nginitian at niyakap nang makalapit sa pwesto niya. Taas-kilay at nakangising pinasadahan nito ng tingin ang suot niya.

"Saan ang misa, Kat?"

"Ha?" Naguguluhang saad niya.

"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka ba nainform na sa bar ang pagdadausan ng birthday ni kuya?" Anito habang humahagikgik sa tabi niya.

She bit her lower lip out of embarrassment.

"Sabi ni Tristan ay mahabang damit daw dapat ang isuot ko. At saka ito lang ang mahabang damit na mayroon ako."

"And white at that huh? Mukha kang naligaw na diwata sa dagat ng mahaharot na tao." Natatawang komento nito na ikinatingin ni Tristan sa gawi nila. Kunot na kunot ang noo nito
bago siya hinapit palapit sa katawan nito.

"Anong pinag-uusapan niyo, Katarina?"

"Just some girly stuffs, kuya." Sadie butted in smiling.

He glared at Sadie before facing her non-smiling.

"I'm asking you, Katarina." Walang kangiti-ngiti na saad nito.

"Nagtatanong lang naman siya kung bakit ganito ang suot ko, Tristan. Bakit kasi sabi mo mahaba ang dapat isuot ko?" Nakangusong saad niya habang pinaglalaruan ang daliri niya na nakapatong sa kandungan niya. Kinakabahan siya sa sobrang pagkakalapit ng mga katawan nila at sa dilim ng mukha nito na nakatitig sa kanya.

"Why? Does it matter? You look good with what you're wearing anyway." Kibit-balikat na saad nito bago tumayo at sinalubong ang kakarating lang na pareha. Napakurap siya nang akmang hahalikan nito sa pisngi ang babae kung hindi lang ito hinila ng kasama nito. Napangiti siya nang mapagmasdan ang hitsura ng babae. Napakaganda nito at napakatangkad din. Mukha lang itong maldita habang taas-kilay na kinakausap si Tristan.

"Oh! Finally, Nate is here! Paimportante pa ang lalaking iyan. Binitbit pa talaga ang malditang girlfriend nito." Natatawang pakli ni Sadie. Kunot-noong binaling niya ang pansin niya dito.

"Kilala mo din sila?"

"Of course. Nate, together with Saavedra and Corpuz.. Sabay turo sa dalawang lalaki na magkapanabay na tumayo at sinalubong din ang dalawa. " are my brother's best buddies. They were inseparable lalo na nung college days palang nila."

Malungkot na napangiti siya habang nakatitig sa mga ito na masayang nagtatawanan. Her heart ached not because she's seeing their happy faces. Her heart ached because of the fact that she can never be that close to Tristan. She just realized that she's not that important to him. Ni hindi man lang nga siya nito ipinakilala sa mga kaibigan nito. Palihim na pinunasan niya ang isang patak ng luha na tumulo sa pisngi niya. Kahit nga ng umupo na ang mga ito ay hindi parin ito nag-abalang ipakilala siya. At ang mas masakit pa ay hindi na ito bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya. Napabuntong-hininga siya ng malalim nang aksidenteng magtama ang mga mata nila ng magandang babae. Nakataas ang kilay nito nang pasadahan ng tingin ang mukha at suot niya. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin at inayos ang kanyang nalukot na damit.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now