Innocence 31

67.5K 1.6K 90
                                    

Ilang mura ang pinakawalan niya nang madaplisan siya ng bala sa kanyang balikat.

"Fuck this sh*t!" Kinasa niya ang hawak na baril at pinatamaan ang kalaban sa tiyan. Tinakbo niya ang distansya niyon at tinutukan ito sa sentido.

"Sino ang nag-utos sa inyo na pasukin ang mga Bermudez?! Ha? Sino?! Si Tsiu ba?!" Sa inis niya ay tinapakan niya ang sugatan nitong tiyan. Napaigik ito sa sakit.

"Ayaw mong magsalita?!"

Napailing ito bago hinabol ang hininga at nawalan ng buhay. Pawisan at puno ng dugo ang damit ay dahan-dahang tinungo niya ang labasan kung saan nakikipagbarilan ang iba niyang kasamahan. Masyadong marami ang kalaban nila at siguradong mauubos sila kapag hindi pa dumating sina Corpuz.

Where are the fucking cops anyway? Maaaring tama ang sapantaha niyang may kapit sa mga pulisya ang putang-inang intsik na iyon!

"Boss! Nasa labas na sila Corpuz!" Sigaw ng isa niyang tauhan. He's covering him up as he fired shots towards their enemies.

"Fvck! That bastard! Mapapatay ko talaga yun!" Habol-habol niya ang kanyang hininga habang nakasandal sa pader at nagtatago. Napangiwi siya nang kumirot ang tama niya sa bandang balikat. Pota! Akala niya daplis lang. Bumaon pala. He's now sweating hard as the pain intensified. Napamura siya ng ilang beses.

Sunod-sunod na putukan ang narinig niya kasabay ng malakas na pintig ng kanyang puso. Bullshit! Ayaw niya pang mamatay! Ni hindi pa siya napapatawad ni Katarina. He just needed another chance to prove to her that he's serious this time. That he's also in love with her!
Aanakan niya pa ito. Ng maraming-marami kaya hindi siya pwedeng mawala sa mundong ibabaw.

"I'm here!" Aniya sabay sigaw ng malakas nang marinig ang pagtawag ng kanyang kaibigan. "Shit! I'm here!" Ulit niya sa malakas na boses.

Narinig niya ang ilang nagmamadaling mga yabag patungo sa pwesto niya. Kinasa niya ang baril at hinanda ang sarili sa posibilidad na kalaban ang mga iyon.

Halos panawan na siya ng ulirat dahil sa sugat na natamo niya nang lumitaw sa harapan niya si Corpuz kasunod ang ilan nitong mga tauhan. Bumadha ang pag-aalala sa mukha nito nang madatnan ang sitwasyon niya.

"Tang-ina Salvatierra! Bakit hinayaan mo ang sarili mong mabaril?"

"Gago! Sa tingin mo ginusto kong mabaril?"

Inalalayan siya nitong tumayo habang nakikipagbarilan parin ang ilan nilang mga tauhan.

"Si Katarina? Kailangan kong puntahan si Katarina!" Aniya nang maalalang nasa loob pa ng bahay ang babaeng mahal niya. Kumawala siya mula sa pagkakahawak ni Corpuz at dali-daling tumakbo papasok ng bahay. Hindi niya ininda ang kirot na halos kumalat na sa buo niyang katawan. Naririnig pa niya ang malulutong na pagmumura ng kaibigan niya habang nakasunod sa kanya.






Umiiyak na humigpit ang pagkakayakap niya kay Nana Sela nang hindi na bumalik si Tristan makalipas ang isang oras. Kung anu-ano ng senaryo ang pumapasok sa isip niya at lalo lamang siyang nakakaramdam ng takot.

"Tahan na, hija." Alo ng matandang mayordoma sa kanya. Siksikan sila sa bandang gilid at naghihintay na matapos ang pagpapalitan ng putok sa labas ng kanilang bahay.

"Si Tristan? Paano si Tristan, Nana? Bakit hindi pa ito bumabalik?" Napahawak siya sa kanyang tiyan nang makaramdam siya ng konting pagkirot doon. Napailing siya at napaiyak. No! Hindi siya dapat magpanic! She tried to calm herself. She think of happy things. Kumanta siya para pakalmahin ang kanyang sarili.

Mga ilang segundo din ang lumipas nang mawala ang nararamdaman niyang kirot sa kanyang tiyan. Nakahinga siya ng maluwag habang hinahaplos ang maliit pa niyang tiyan. Stay strong, baby. Babalik si daddy. Hindi niya tayo pababayaan.

Agad na umangat ang tingin niya nang pabiglang bumukas ang pinto ng masters bedroom. Her eyes widened as she saw Tristan emerged from the door. Dagling namuo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang duguan nitong balikat. Dahan-dahang tumayo siya at nilapitan ito. Pinakatitigan niya ito. Maputla na ang hitsura nito at may namumuong pawis pa sa noo.
Napahikbi siya at niyakap ito ng mahigpit. Oh God! Mahal na mahal niya talaga ang lalaking ito.






Fvck! Ilang mura ang pinakawalan niya sa kanyang isipan nang maramdaman ang init ng yakap nito. Hindi niya ininda ang kumikirot niyang balikat. Napakagago niya para saktan ang pinakamabait na babaeng nakilala niya buong buhay niya. Sana, sana lang tanggapin na siya nito.

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinahid ang luhang naglandas doon. Pinaiyak niya na naman ito. Napakalaki niya talagang gago. He doesn't deserve such sweet and innocent lady. Pero wala eh! He's now deeply and madly in love with her. He will do whatever it takes and whatever it costs to protect Katarina.

"Na-nasaktan kaba, Love?" Aniya sa medyo nanghihinang boses.

Umiling ito bago tinapunan ng tingin ang sugatan niyang balikat. He wanted to assure her that he's fine but he's starting to feel dizzy already. Napahigpit ang pagkakahawak niya dito. Dagling nanlaki ang mga mata nito at umiiyak na paulit-ulit na tinawag ang pangalan niya. He tried to smile at her as he mouthed I love you. Damn! Mukhang hindi lahat ng masamang damo matagal mamatay. Pumikit siya at hinayaan ang sariling tangayin ng karimlan.




Walang tigil ang kakaiyak niya magmula ng bumagsak ito sa paanan niya hanggang sa dalhin nila sa ospital si Tristan. Akala talaga niya mamamatay na ito. He lost a lot of blood according to the doctor. He could have died kung hindi lang nila naisugod agad ito sa ospital. Mabuti nalang at sumusunod pala dito ang kaibigan nitong si Corpuz at ang mga tauhan nito kaya hindi sila nahirapang mailabas ito ng bahay nila. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa maputla nitong kamay. Mapait na napangiti siya. Muntikan na naman siyang mawalan ng minamahal sa buhay. Pero kahit ganun, naniniwala parin siyang hindi siya pababayaan ng Poong Maykapal. Everything happens for a reason. Be it a lesson for her or for Tristan. For him, to not take life for granted. For the second chance of life that God has given him and to live that life according to God's will. And for her, to be able to forgive the person despite how many tears she has shed and how deep the pain has inflicted on her. She won't let the pride and anger take that opportunity for her to have the life she deserved. A family that she wanted to have. Her, Tristan and their baby.

Umangat ang kanyang tingin nang marinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. She saw Corpuz standing a meter away from where she is. He has that grim expression on his face but his eyes held otherwise. May pag-aalalang nakaguhit doon habang nakatitig ito sa nakahigang si Tristan.

"Alam mo bang sa aming magkakaibigan siya talaga ang pinakamatigas ang ulo? Kahit pagsabihan mo yan, susundin talaga niya kung ano ang gusto niya. He will risks his life to protect someone dear to his heart. At alam kong alam mo na kung ano ang halaga mo sa kaibigan ko Katarina." Mahabang litanya nito habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang wala paring malay na si Tristan. Binalingan siya nito ng tingin at nginitian.

"Masaya akong nakatagpo na ng babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo ang kaibigan ko. Pagpasensyahan mo nalang ang ugali niya, Katarina. He's the worst bestfriend but I know he will be the sweetest husband. Alagaan mo ang kaibigan ko."

Gusto niyang maiyak dahil sa binitiwan nitong mga salita. Parang hindi pa siya makapaniwala na marinig ang mga salitang iyon sa isang gaya nito. He's just so manly. At nakakatakot ang ibinabadya ng mga mata nito. She saw something in him. Parang ang hirap basahin ng iniisip nito. He looked dangerous too. More dangerous than Tristan or Brandon.

"Maraming salamat sa pagliligtas mo kay Tristan, Corpuz! Huwag kang mag-alala. Aalagaan ko siya at mamahalin."

Tumango ito sa kanya bago binalik ang tingin kay Tristan at nagpaalam na.

Naiwan siyang may malaking ngiti sa kanyang labi. Dinampian niya ng masuyong halik ang labi ni Tristan.
Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay sa ibabaw ng kanyang tiyan.

"Gising na Daddy Tristan. Maghihintay kami sayo ni baby. Mahal na mahal ka naming dalawa."







~~

I'm so hyped-up. Congratulations to my little sissy for passing the LET 2017! You did great. I'm so proud of you! 😊😘😘

**

PS: One Last Shot ( Billionaire Bachelor Series 5) has been posted!

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now