Innocence 27

66.8K 1.5K 49
                                    

Nagising siya nang may marinig na kalabog at mahinang pag-uusap mula sa labas ng kanyang kwarto. Idinikit niya ng maigi ang kanyang tenga para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakilala niya ang boses ng babae na nasa tanggapan kagabi at ang lalaking naghatid sa kanya sa kwartong ito. Kinabahan siya nang marinig ang sinabi ng mga ito.

No!

She panicked. Agad niyang dinampot ang kanyang bag at lumabas ng kwarto nang marinig ang yabag ng mga ito na paalis. Inayos niya lang ang pagkakalagay ng sumbrero sa kanyang ulo at tinalunton ang daan pababa ngunit nahagip ng tingin niya ang fire exit. Dali-daling tinungo niya iyon. Nasa ikalawang palapag lang naman siya kaya hindi siya gaanong mahihirapan sa pagbaba. Maingat na bumaba siya. Napabuga siya ng hangin nang makatapak na ang paa niya sa lupa. Agad nanlaki ang mga mata niya nang mamataan si Brandon na may kasamang dalawang lalaki na palapit sa Inn na tinuluyan niya. Nagkubli siya at pilit pinagkasya ang kanyang sarili sa nakatabing na pader. Pumikit siya at nanalangin na gabayan siya ng Diyos sa gagawin niya.

Nang makita ang pagpasok ng mga ito sa loob ng Inn ay agad siyang naglakad ng mabilis. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang baka mapano ang dinadala niya. Matagumpay na nakalabas siya ngunit halos panawan siya ng ulirat nang may humablot sa braso niya. Nanlalaki ang matang nagpumiglas siya ngunit mas malakas ang nakahawak sa kanya.

"Bitawan mo ako! Tulong!" She shouted while crying for help. Ngunit wala pang masyadong tao dahil sadyang maaga pa. Lalo lang siyang napaiyak nang mamataan ang paglapit ng nakangising si Brandon. Pinasadahan siya nito ng tingin bago ito napailing. Alam niyang hindi kaaya-aya ang hitsura niya ngayon. She just went out straight from bed. Nakapantulog pa nga siya.

"Sa tingin mo matatakasan mo pa ako, Katarina?" Umigting ang panga nito at piniga ang pisngi niya. Napaiyak siya sa sakit na dulot ng ginawa nito.

"Bi-bitawan mo ako, Brandon! You're not my fiance anymore! Wala kang karapatan sa akin!"

Natawa ito sa sinabi niya. Inilapit nito ang mukha at dinilaan ang pisngi niya. She screamed horrified with what he's done. Oh God!

"Huwag kang matakot, Katarina. Paliligayahin naman kita."

Napailing-iling siya habang tinatampal ang dibdib nito.

"Isusumbong kita sa Papa ko, Brandon! Hayop ka!" Singhal niya na lalong ikinagalit nito. Sinampal siya nito na halos ikatumba niya kung hindi lang sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya. She paled. Ang baby niya!

"Ang Papa mo?" Parang demonyo pa itong tumawa sa harapan niya. "Ewan ko lang kung maabutan mo pa siyang buhay mahal kong Katarina."

Napasinghap siya. Tears started to fall from her eyes.

"A-anong ginawa mo sa Papa ko? A-anong ginawa mo sa kanya?" Nanghihinang saad niya bago napasalampak sa semento. Ang sakit-sakit ng pagkakasampal nito sa kanya ngunit mas masakit ang narinig niyang sinabi nito ukol sa Papa niya.

"Kung naging mabuting anak kalang sana at hindi na tumakas pa. Siguro ay kasal na tayo, napagsawaan na kita at siguradong nabuntis pa." Nanlilisik ang matang singhal nito sa kanya. She cringed upon hearing what he said. She touched her tummy. Hindi siya makakapayag sa gagawin nito sa kanya. Pasimpleng inilibot niya ang paningin sa paligid nang magtama ang paningin nila ng lalaking humatid sa kanya sa kwarto niya kagabi. Katabi nito ang babae ngunit wala namang ginawa ang mga ito kundi tumitig lang sa kanya. Napangiti siya ng mapait. Ayaw lang siguro ng mga itong madamay.

She was almost helpless when she heard a commotion just near them. Saglit na nalingat si Brandon kaya nagkaroon siya ng tsansang makatayo at makatakbo. Dire-diretso lang siya sa pagtakbo habang hawak -hawak ang tiyan niya. She's crying while running. Sana lang walang mangyaring masama sa anak niya. Hinihingal na siya at halos panawan na siya ng ulirat kaya wala siyang nagawa kundi tumigil sa pagtakbo. She saw Brandon and his men from a distance. She tried to lift her feet but she just can't. Namanhid na ata ang mga binti niya kaya wala siyang nagawa kundi hintayin ang mga itong makalapit sa kanya. Pumikit siya nang maramdamang umangat ang katawan niya. Dagling nagmulat siya ng mga mata at napatitig sa mukha ng lalaking may napakainosenteng mga mata. Napahikbi siya bago itinago ang mukha sa dibdib nito. She heard him cursed out loud as he felt him walked faster. He carefully deposited her in the backseat of the car before he took the seat beside her. Sinenyasan nito ang lalaking mukhang driver nito kaya agad silang nakaalis. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now