Innocence 25

64.6K 1.5K 96
                                    

Dali-daling tinungo niya ang banyo nang makaramdam siya ng pagbaligtad ng kanyang sikmura. Napaupo siya sa lapag ng banyo nang halos mailuwa na niya ang lahat na laman ng tiyan niya. Naghilamos siya at nagsepilyo.  Pinakatitigan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Namumula ang buong mukha niya habang may namumuong pawis sa noo niya. Napakapit siya sa pinto nang makaramdam na naman siya ng pagkahilo.

Is she sick?

Siguro. She's been crying for two straight days. Kumakain din siya ng wala sa oras. She's sleeping late too. She might be stressed. Saglit na nagpahinga lang siya at nang medyo umayos ang pakiramdam niya ay gumawa siya ng sulat. Her resignation letter. Mas mabuti pang umuwi nalang siya sa Papa niya. At least doon maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya.






Inayos niya ang nagusot na bestida. Kipkip ang sobre na may lamang resignation letter niya, she heaved a deep sigh as she entered Tris Place. Hindi pa gaanong matao dahil maaga palang naman. Kiming nginitian niya ang mga taong pamilyar sa kanya. Agad siyang dumiretso sa opisina ng manager ng club. She wanted to give it to him directly. Kaya lang hindi ito pumapasok ng maaga. And besides, ayaw narin naman niya itong makita. Sumasakit lang ang puso niya.

Kumatok siya ng dalawang beses bago pinihit ang pinto pabukas.

"Magandang umaga po!" Aniya at lumapit sa pwesto nito.

"Katarina!" Mrs. Santos beamed at her. "Umupo ka. May kailangan ka?"

Inilapit niya dito ang bitbit na sobre.

"What's this?" Kunot ang noo na binuksan nito iyon at binasa. "You're resigning? Bakit?"

"Gusto ko lang pong magpahinga muna."

"Is this about the big boss? Pwede kitang ilagay sa pang-umagang trabaho para hindi kayo magkita,Kat. Sayang naman kung aalis ka." Anito sa malungkot na boses.

"Hindi na po, ma'am. Maraming salamat po sa inyo!" Kahit ilang buwan lang siyang nagtrabaho doon ay alam niyang mabait na tao ang manager niya. Maaalahanin din ito sa kanila. Nakikita nga niya ang mama niya rito. Halos magkaugali kasi ang dalawa.

"May papasukan kana bang ibang trabaho?"

Napailing lang siya. Wala na naman kasi siyang planong magtrabaho.

Saglit na binasa na naman ito ang resignation letter niya bago inangat ang tingin sa kanya.

"Effective today?"

"Opo sana."

"Okay. Ipapasa ko to sa Big boss."

"Andito po ba siya ngayon?"

"Mamaya pa siya dadating, Kat. Makakahintay kaba?"

Napangiti lang siya at napailing. Dahan-dahang napatayo siya nang makaramdam na naman ng pagkahilo. Napahawak siya sa upuan at napapikit.

"Are you okay, Kat? Namumutla ka!" Puno ng pag-aalala ang boses nito at lumapit pa sa kanya. Sinalat nito ang kanyang noo.

"Hindi ka naman mainit. Nahihilo kaba?" Inalalayan siya nitong maupo. Taas-babang huminga siya ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili.

"Kulang lang po ako sa tulog, ma'am." Aniya at nagpasalamat dito.

"You should go home now, Katarina. Magpahinga ka. Magpacheck-up kana rin. Mabuti na ang sigurado."

"Salamat po!" Aniya bago dinampot ang kanyang bag at umalis na. Malungkot na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng resto-club. Mamimiss niya ang lugar na ito na nagsilbing kanlungan niya ng ilang buwan. Too bad. She just can't stay longer. Akmang hahakbang na siya palabas nang magtama ang tingin nila ng kapapasok lang na si Tristan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakasunod sa likod nito ang isang babae na mukhang maiiyak na. Assistant o baka sekretarya nito. Mukhang napagalitan ata.

"What are you doing here?" Anito habang nakatitig sa kanya.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Malay ba niya kung sino ang kausap nito. Ayaw niyang masabihan ng assuming.

"I'm asking you, Katarina. What are you doing here?"

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pangalan niyang sinambit nito. Nilingon niya ito at binigyan ng pilit na ngiti.

"Nagpasa ng resignation letter. Pakipirma nalang. Salamat." Aniya at hindi na pinansin ang pagkabigla na gumuhit sa mukha nito. Tuloy-tuloy siyang lumabas at agad pinara ang dumaang taxi. She bit her lower lip as she wiped the tears in her eyes. Masakit parin talaga. Sobrang sakit.

How can falling in love be this hard and painful, huh?




Napatingala siya sa dumidilim na kalangitan. Napahigpit ang hawak niya sa papel na ibinigay ng doktor. A single tear fell from her left eye. A small smile curved on her lips. How can she be sad and happy at the same time? Is that even possible?

Positive? Seven weeks?

Napahawak siya sa kanyang impis pang tiyan. Hindi siya makapaniwalang may isang buhay na sa loob niyon. Napahikbi siya nang maalala ang kapabayaang nagawa niya. She's so disappointed at herself. Muntik ng mapahamak ang baby niya sa kapabayaang nagawa niya sa sarili niya. But she promised herself, she'll be the best mother in the world. Bubusugin niya ng pagmamahal ng isang ina at ama ang magiging anak niya.




Dagling nawala ang ngiti na nakaguhit sa kanyang labi nang salubungin siya nina Annie at Rose na umiiyak.

"Bakit kayo umiiyak? Anong problema?" Hinawakan niya ang kamay ng dalawang dalagita. Iyak lang ng iyak ang mga ito na ikinabahala niya.

Anong nangyayari?

"May-may pumunta ditong mga lalaki, Ate. Hinalughog niya ang kwarto mo. Hin-hindi namin siya napigilan, Ate." Humihikbing paliwanag ni Annie.

Nanlalaki ang matang tinahak niya ang daan patungong boarding house niya. Nadatnan niya ang may-ari niyon na umiiyak habang kausap ang dalawang pulis.

"Katarina! Sino ang mga iyon?! May -may mga baril sila!" Humahagulgol na salubong sa kanya ng may-ari. Napailing siya bago tinungo ang kwarto niya. Awang ang labi at naiiyak na napatitig nalang siya sa magulong kwarto niya. Basag ang ilang gamit at nakabaligtad pa ang kama niya. Isa-isang pinulot niya ang mahahalaga niyang gamit at isinilid sa isang hindi kalakihang bag. Kailangan na niyang umalis. Brandon already found her. Delikado siya. Delikado sila ng baby niya.

"Ate! Ate! Ba-bakit ka nila hinahanap? Bakit sila may mga dalang baril?"

"You'll be okay here, Annie. Kayo ni Rose. Ako lang naman ang kailangan nila."

"Pa-paano po kayo? Saan kayo pupunta?" Humihikbi paring sabat ni Rose. Nanginginig pa nga ito. She can almost imagine the trauma it will give them. She's so sorry for them. Kasalanan niya.

"I-I'll be fine. Babalikan ko kayo kapag naging okay na ang lahat." Her voice suddenly cracked as she hugged the two girls. Parang nakababatang kapatid na ang turing niya sa mga ito. Kailangan lang talaga niyang umalis. For their own safety, her's and her baby.

Humingi siya ng paumanhin sa may-ari pagkatapos siyang kausapin ng mga pulis. Nagbigay narin siya ng ilang danyos dahil sa perwisyong nangyari. Bitbit ang bag ay dali-daling tinungo niya ang labasan. Kinuha niya ang cellphone at planong tawagan ang kanyang Papa nang tumunog na iyon. Agad niya iyong sinagot nang makita ang pangalan nito sa screen ng kanyang cellphone.

"Papa!" She cried for his father's name. Natatakot siya. Sobrang takot na takot siya.

"Anak! Kailangan mong magtago! Brandon is livid. He has too many men. Gusto ka na niyang makuha." Anito na may pagmamadali sa boses.

"Papa! Natatakot ako! Paano kapag nakuha niya ako? Ayaw ko po! Ayaw ko po sa kanya!" Humahagulgol na saad niya.

"Kasalanan ko, anak. Patawarin mo si Papa."

Narinig niya ang pagsinghot nito mula sa kabilang linya. Lalo lang siyang napaiyak. Umiiyak ang Papa niya. Ang Papa niya ang pinakamatapang na lalaking kilala niya. At ang pag-iyak nito ang palatandaan na hindi na biro ang kinakaharap nila. She might die. Her Papa might die. And her baby too.

Paano na siya?

Saan siya pupunta?


Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now