Innocence 49

58.3K 1.2K 39
                                    

She's already on the last month of her pregnancy. Kaya palaging bantay-sarado siya sa kanyang asawa. Minsan nalang nga itong pumapasok at palagi nalang nakasunod sa pwet niya. Pinagtatawanan na nga ito ng mga kaibigan nito ngunit wala naman daw itong pakialam. Mas importante daw na nasa tabi lang siya nito kapag biglaang manganganak na siya.

"Ano kaba naman, Tristan? Dito lang ako noh! Hindi ako lalabas ng bahay. Promise!" Natatawang nagtaas pa siya ng kanang kamay sa harapan nito.

"Dito lang din ako sa tabi mo. Hindi ako manlalandi, Love. Babantayan lang talaga kita. Promise!" Sabay gaya din nito ng ginagawa niya.

"Sigurado ka, Love?" Masaydo kasi itong maharot. Palagi nalang naglulumikot ang kamay kapag magkatabi silang dalawa.

"Hindi." Nakangusong sagot nito at humarap sa kanya. He cupped her face and dropped a soft kiss on her lips. "Hindi kita kayang tiisin, Love. Sobrang ganda at sexy mo parin sa paningin ko. Palagi akong tinitigasan eh!"

Nanlalaki ang matang tinampal niya ang bunganga nito nang mapansin ang kanyang Papa na papalapit sa pwesto nila. Sinenyasan niya itong tumahimik. Nakakaintinding tumango-tango ito.

"Hi, Papa! Napadalaw kayo?" Ngiti niya sabay halik sa pisngi nito.

"Ayaw mong dumadalaw ako?"

"Ay, hindi po! Gustong-gusto ko nga po na nandito kayo. Lalo na nitong asawa ko. Diba, Love? Gustong-gusto mong nandito si Papa?"

"Oo naman!" Agad nitong sagot. "Kahit dito na po muna kayo tumira, mayor. Walang problema."

"Talaga, hijo?"

"Opo!"

"Kahit panghabambuhay? Sigurado ka?"

Saglit na natigilan ang kanyang asawa. Namutla ito at bumaling sa kanya. Parang alam na niya kung ano ang pumapasok sa isip nito.

Malambing na ikinawit niya ang kamay sa braso ng kanyang Papa. Humilig pa siya sa balikat nito.

"Ano pong gusto niyong pananghalian, Papa? Ipagluluto ko po kayo."

"Si Tristan nalang ang palutuin mo, hija. Gusto kitang makausap. Namiss kita. Sobra. Okay lang ba yun sayo, hijo? Sosolohin ko muna ang prinsesa ko."

Napipilitang tumango naman ang kanyang pobreng asawa. Siguradong nagpaplano na ito kung paano mapapalayas ang Papa niya sa pamamamahay nilang dalawa. May sarili na kasi silang bahay. Katabi lang nito ang mansyon ng mga magulang ni Tristan. Kaya nga kalimitan ay nangangapitbahay sa kanila si Sadie.

"Ang bait mo talagang manugang. Ang swerte ng anak ko sayo. Pero siyempre, mas swerte ka sa kanya."

Napatitig nalang siya sa kanyang Papa. Akala mo nagsasabi ng totoo. Pinaparinggan lang naman nito ang kanyang asawa.

"I know that already, mayor. Maswerte din nga ako dahil kayo ang ama ni Katarina. Sobrang bait po ninyo eh! Di po ba?" Anang Tristan na may nakapaskil na malaking ngiti sa labi.

"That's right, Tristan. Sa sobrang bait ko, maswerte ka ng nakatayo pa diyan sa harapan ko."

Nandidilat ang matang sinenyasan niya ang asawang tumalilis na. Nakangusong tumango ito at tumalikod na pagkatapos magpaalam sa kanila. She smiled at her Papa. Walang kangiti-ngiti ito habang sinusundan ng tingin ang papalayong likod ni Tristan. Tumikhim siya para mapansin nito.

"Ano nga po pala ang pag-uusapan natin, Papa?"

"Ah, yun ba? Wala naman. Mangangamusta lang naman ako sayo, anak. Mukhang nahiyang ka sa pag-aasawa. Lalo kang gumaganda." Anito na may totoo ng ngiti na nakapaskil sa labi nito.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now