Innocence 29

67.8K 1.5K 39
                                    

Natigilan siya sa paghakbang palabas ng kanilang bahay nang mamataan niyang may kausap na ilang kalalakihan si Tristan. They all looked like they are ready to kill. Sino ang mga ito? Bodyguard niya? Bakit ang dami?

Napatikhim siya para kunin ang atensyon nito. Binalingan siya nito ng tingin pagkatapos nitong sumenyas sa ilang kalalakihan.

"Sino sila? Tauhan mo?" Aniya nang makalapit dito.

"They are your bodyguards, Love."

"Akin? Bakit? May bodyguards naman kami, Tristan. Hindi mo na kailangan na magdagdag pa."

"I know what I'm doing, Katarina. Just trust me on this one."

Tumango nalang siya at hindi na hinayaang lumago ang usapan nilang dalawa. Galit parin siya dito. At naiinis narin sa pagmumukha nito.





Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na binuksan niya ang pinto ng ICU kung saan nakaconfine ang kanyang Papa.  Nabungaran niya doon ang kanyang Tita Precy na may kausap na isang doktor. Napalingon ang dalawa dahil sa ingay na gawa ng pagsara niya ng pinto.

"Katarina!"

Dinaluhong siya nito ng yakap at doon umiyak sa balikat niya. Napahagulgol siya ng iyak habang nakatitig sa Papa niyang nakahiga at mayroong maraming tubong nakakabit sa katawan nito. Pumayat ito at tumanda. He doesn't look like the powerful mayor anymore.

"Kamusta po ang Papa ko, doc?" Aniya nang hinarap ang doktor. Napansin niya ang pagtingin ng Tita niya sa kanyang bandang likuran ngunit hinayaan niya lang iyon.

"He's okay now, Katarina. Kailangan lang niya ng maiging pahinga dahil masyado pang sariwa ang mga sugat niya. He lost a lot of blood too. Good thing we had enough supply for him."

Tumango-tango siya at nagpasalamat pagkatapos marinig ang sinabi at payo ng doktor. Agad din itong lumabas kaya naiwan silang tatlo sa loob ng room. Lumapit siya sa kanyang Papa at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. She smiled as she felt the warmth of his hands. She's happy that he's okay now. Alam niyang malalampasan din nila ito.

"Papa." Pumiyok siya at hinayaang lumandas ang luha sa kanyang pisngi. "I'm so sorry po. Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung pumayag lang sana akong magpakasal kay Brandon ay hindi sana ito mangyayari."

She heard someone grunted. At hindi na niya kailangan na lumingon para malaman kung sino iyon.

"I miss you so much,Papa! I love you!" Hinagkan niya ang pisngi nito bago binalingan ang kanyang Tita na nakataas ang kilay na nakatingin kay Tristan na nakatingin naman sa kanya. Nakasimangot ito habang nakahalukipkip.

"Care to introduce me to this guy, Katarina? Hindi ko alam na may kaibigan kang lalaki."

Tristan hissed as he held out his hand for a handshake. Inabot naman iyon ng kanyang Tita.

"I'm Tristan. Tristan Salvatierra. I'm Katarina's boyfriend."

Napasinghap siya dahil sa pakilala nito sa kanyang Tita.

"Boyfriend?" Kunot ang noong tanong ni Tita Precy habang nakatingin sa kanya. Napatikhim siya nang kumalat ang pula sa kanyang pisngi. Aalma na sana siya nang hinapit siya ni Tristan palapit sa katawan nito.

"I am her boyfriend." He said with conviction.

Tumango lang ang kanyang Tita at ibinaling na ang tingin sa kanyang Papa. Hinarap niya ang nakasimangot na si Tristan. Nagpaalam siyang may titingnan lang ngunit ayaw siya nitong payagan.

"Sandali lang ako, Tristan. Ano ba? Masyado kang mahigpit." Pinalis niya ang kamay nito na nasa beywang niya at pinandilatan ito ng mga mata. Paano siya makakapagpacheck-up kung dikit ito ng dikit sa kanya? He's just so clingy these past few days. Nakakairita na.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now