Innocence 35

63.5K 1.3K 37
                                    

Pabalik na sila sa condo ni Tristan nang biglang harangan sila ng dalawang sasakyan at pagbabarilin. Fear started to consume her being. Napasiksik siya kay Tristan sa sobrang takot na kanyang nararamdaman. The car is bulletproof all right but still natatakot parin siya.

"Fuck! Fuck this shit!" He grunted. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa baril habang tinatawagan ang kaibigan nito mula sa kabilang linya.

Iniliko ng driver ang sasakyan ngunit may nakabantay rin sa likurang bahagi nila. Napahikbi siya.

"Damn Corpuz! Mamamatay kami kung hindi kapa makakarating dito!" Asik nito habang nakaigting ang panga na nakatingin sa labas kung saan nakikipagbarilan ang ilang tauhan nila. They are outnumbered and they are really going to be killed if they can't get out of here this instant.

"Tristan, natatakot ako."

Ibinaba nito ang tawag. Hinapit siya palapit at masuyong hinalikan sa labi.

"Don't be, Love. I'm here. I won't let that asshole get you. Dadaan muna siya sa bangkay ko bago magawa yun." Seryosong saad nito bago kinausap ang driver at tauhan nila na nasa frontseat. He barked instructions and she just listened to him. Nakakatakot ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nababasa niya ang pag-aalala at takot sa mga mata nito. He's not afraid to die but he's afraid of losing her and their baby.

Napapitlag siya nang tumunog ng malakas ang cellphone niya na nasa loob ng kanyang bag. Kinuha niya iyon at dagling namutla siya nang mabasa ang pangalan ng demonyo sa screen ng cellphone niya.

"Who's that?"

Inabot niya ang cellphone dito. He gritted his teeth as he answered the phone.

"Fuck you asshole! Go to hell!" Anito at ibinaba din ang tawag. Halos durugin pa nito ang kanyang kawawang cellphone.

"A-anong sinabi niya, Tristan?"

"Nothing,Love. Nang-iinis lang ito."

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa unahang bahagi ng kanilang sasakyan. Muling nabuhay ang takot sa kanyang puso nang makita ang ilan nilang tauhan na duguan. Mayroon ding nakahiga sa mainit na semento at wala ng buhay.

"You know how to hold a gun right, Love?"

Napailing siya na ikinaputla nito.

"Hindi ako pinayagan ni Papa na humawak ng baril, Tristan. Ayaw niya. He doesn't want to taint my hands with blood."

Malalim na napabuntong-hininga ito habang nagpalinga-linga sa paligid bago ibinalik din ang tingin sa kanya. His eyes are full of love as he stared at her.

"Lalabas ako, Katarina. Tutulong ako. Stay here and don't ever get out, okay? Babalik din ako agad."

Napailing siya habang pigil-pigil ang braso nito. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Ayaw ko. Please, Tristan. Ayaw ko. Kagagaling mo lang sa ospital. You're not okay. Huwag mo akong iiwan. Huwag mo kaming iiwan ni baby. Pakiusap."

He claimed her lips in a sensual way. Napaiyak siya lalo. She closed her eyes as she prayed. She prayed for help. She prayed for their safety. Pagod na siyang matakot. Pagod na siyang umiyak.

Nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang nagagalak na tinig ni Tristan sa kanyang tabi. Akala niya umalis na ito. Sinunod niya ang hinayon ng tingin nito. She heaved a sigh of relief as she saw Corpuz with his men. Puno ng dugo ang mga damit ng mga ito habang lumalapit sa kanila. Hawak ng ilang tauhan nito ang mga tauhan ni Brandon na duguan rin.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant