Innocence 8

71K 1.6K 29
                                    

Pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya ang isang hindi pamilyar na silid. Agad siyang napabangon at inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. It looked dark and so manly. Kinapa niya ang sarili nang mapansing nakasuot na siya ng ibang damit. Hinigpitan niya ang pagkakabuhol ng kumot sa kanyang katawan nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nun ang halos hubo't hubad na boss niya. She gasped out loud at the sight of his almost naked body. Nakaboxer shorts lang ito at bakat na bakat ang gitnang bahagi ng katawan nito.Ngayon lang talaga siya nakakita ng katawan ng lalaki. And it's scaring the hell out of her!

"So, you're already awake, Love? Good for you but not for me." Nakangising saad nito." Gusto pa sana kitang gisingin sa paraang alam ko." Anito at lumapit pa talaga sa kanya. Napaatras siya at tumama sa headboard ng kama. She took a deep breath as he inched closer.

"You're really beautiful, Love. No wonder I always see you with guys around you." He hissed near the base of her ear.

"Lumayo ka nga, Boss!" Aniya sabay tulak ng mukha nito palayo sa kanya. She felt uncomfortable being near him. At kabilin-bilinan ng kanyang Papa na hindi niya dapat hayaan ang isang lalaki na dumikit sa kanya. They'll only bring danger. And maybe, her Papa is right. Dahil ngayon palang ay sobra na ang takot na nararamdaman niya sa simpleng pagkakadaiti ng katawan nila. She's just wearing a flimsy clothes and he's almost naked. And it's a bad situation for her.

"Don't you like me, Love?"

"Hindi po." Aniya bago dali-daling umalis sa ibabaw ng kama nito. Kipkip niya parin ang kumot kahit hawak-hawak pa nito ang laylayan niyon. Taas-kilay na ngumisi ito bago malakas na hinila ang kumot na nagpasigaw ng malakas sa kanya. Her eyes widened in embarrassment when she saw him feasted on her almost naked body. Tarantang tumakbo siya palabas nang bigla siyang hablutin nito at ipinid sa gilid ng pintuan. Nakataas ang dalawang kamay niya sa kanyang ulunan habang magkadikit ang kanilang katawan.

"Do you think you can escape me this time, Love?"

Puno ng takot at pangamba na napatitig siya sa mukha nitong unti-unting bumababa sa kanya. Her breath hitched when his lips landed on her neck. Nakapikit at naiiyak na kinagat niya ang pang-ibabang labi nang bigla niyang marinig ang halakhak nito. She abruptly opened her eyes just enough to see him laughing his ass off.

"You looked so funny, Love. If you have just seen your face."

"Ha?" Naguguluhang napatitig lamang siya sa mukha nitong kababakasan parin ng tawa.

"Nothing, Love." Pailing-iling na saad nito habang nakangisi. "Fix yourself and I'll wait for you outside. Hurry up coz I've got no patience." Anito at agad ding tumalikod at lumabas ng kwarto. Naiwan siyang kunot na kunot ang noo. Kagat-labing dinampot niya ang nakatuping damit sa gilid at agad na pumasok sa banyo.


Nakangiwing pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa harap ng malaking salamin. The dress looked too short on her. Masyado ring nakalabas ang kanyang dibdib kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkaasiwa. It was too sexy and revealing for her taste. Tahimik na lumabas siya ng kwarto ng kanyang boss at tinungo ang pwesto nito. Nakatagilid ito sa kanya kaya malaya niyang natatanaw ang kabuuan nito. He's really a tall man. Sa tangkad niyang ito ay halos umabot lang siya sa baba nito. She stood 5'10 and he must be over 6'. Nakakaintimidate rin ang aura nito kaya mas natatakot siyang mapalapit dito.

Napakurap siya nang bigla itong lumingon sa pwesto niya. Napaayos siya ng tayo at nahihiyang nag-iwas ng tingin dito. He cleared his throat to catch her attention as he motioned the chair in front of him. Mabilis na tinungo niya iyon at agad din siyang naupo.

"I prepared something for you. Hindi lang ako sigurado kung kumakain ka niyan." Anito habang inaayos ang pagkain sa mesa. Mayroong bacon at itlog na nakahain at isang malamig na inumin.

"Maraming salamat." Aniya at nagsimula ng kumain. Panaka-nakang napapatingin siya dito dahil hindi ata siya nito nilulubayan ng tingin.

"Bakit?" Aniya ng hindi na makatiis sa paninitig na ginagawa nito.

"Nothing.Just continue eating, Love."

Tahimik na ibinaba niya ang kutsara at tinidor at kunot-noo itong tinitigan.

"Bakit niyo po ako tinatawag ng ganyan?"

"Why?You don't like it?"

"Hindi po ako kumportable, Boss. Katarina po ang pangalan ko. Huwag niyo na po akong tawagin ng ganun." Aniya at ipinagpatuloy na ang kanyang pagkain. Binilisan niya nalang ang kanyang paggalaw dahil nakakahiya namang tumagal pa siya doon. Isa lang siyang empleyado nito. Hindi nararapat tingnan na ang isang babaeng gaya niya ay nasa loob ng pribadong lugar nito.

"Maraming salamat po talaga, boss. Sa tulong ninyo at sa pagkaing inihanda niyo. Hindi na po ako magtatagal." Aniya maya-maya bago tumayo. Tahimik na tumayo rin ito at tinanguan siya. Nauna siyang maglakad palabas habang nakasunod lang ito sa likuran niya. Kiming nginitian niya ito at lumabas na siya sa condo nito.

"Do you have your money with you?"

Pagkarinig sa sinabi nito ay automatic na bumalik siya sa kinatatayuan nito. Nahihiyang nagyuko siya ng tingin sa harap nito.

"Pasensya na po boss. Pwede po bang makahiram ng pamasahe? Promise! Babayaran ko din naman. Naiwan ko kasi ang bag ko sa club." Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na tinitigan niya ang kanyang boss na nakakuros lang ang dalawang braso sa harapang bahagi ng katawan nito. His browse raised as he stared at her.

"Do you know where you are now, Katarina?"

"Hindi po. Magpapahatid nalang po ako sa taxi."

"Saan kaba nakatira?"

"Malapit lang naman po sa club, boss."

"And it's more than an hour drive from here. And besides, it's traffic this early morning. Aabutin ka ng siyam-siyam bago ka makarating sa bahay mo. Wait for me here." Anito at saglit na bumalik sa loob. She's fidgeting on her toes when he got back with his keys on his hand.

"Let's go?"

"Ihahatid niyo po ako, boss?" Aniya habang nakasunod sa paglalakad nito. He's walking too fast and she can't keep up with his speed. Binilisan niya nalang tuloy ang paglalakad.

"Yes, Love. And no argument. Okay?" Anito kaya napatango nalang siya at walang-kibo na tumayo ng may kalayuan sa pwesto nito. Dalawa lang sila ang nasa loob ng elevator at hindi siya mapakali sa kaalamang iyon. Kunot na kunot ang noo nito nang lumingon sa kanya.

"Bakit nakatayo ka diyan? Ang layo mo. Stand here beside me."

"Hindi. Dito nalang po ako, boss."

"Would you stop calling me boss, Katarina?It's fucking irritating!"

Lalo lang nga siyang napaatras dahil sa galit na nababanaag niya sa pagmumukha nito. He heaved a deep sigh as he stared at her. Ilang mura pa ang pinakawalan nito bago sinandal ang katawan sa gilid na bahagi ng elevator.


Naging tahimik ang biyahe nila patungong apartment niya. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya at nagpasalamat na dito bago tahimik na bumaba sa kotse nito. Kakaapak niya palang sa lupa nang bigla siyang mapalingon nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse nito. Dire-diretsong lumapit ito sa kanya at inisang-hila siya bago niya naramdaman ang labi nitong dumampi sa kanya. Napatunganga lang siya habang nakatingin sa nakapikit nitong mga mata. Namumulang napakagat-labi siya nang bitawan na nito ang labi niya. Seryoso lang itong nakatitig sa kanya lalo na sa labi niya.

"From now on, don't call me boss anymore,Katarina. Call me Tristan. And don't you dare let another man kiss that delectable lips of yours. You don't want me angry, right?" He hissed before leaving her dumbfounded.

Why is he telling her that?

Is he her boyfriend?

Siguro naman dahil dalawang beses na siya nitong hinalikan. Only those who are in a relationship should kiss like that. Ngunit hindi naman siya nito niligawan.

Seryoso ba ito?

May saltik ata ang boss niyang manyak na may inosenteng mga mata.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora