Innocence 43

61K 1.2K 29
                                    

Nakangusong napatitig siya sa catalogue. Binuklat-buklat niya iyon. Naghahanap siya ng gown para sa kanyang kasal. Sa susunod na buwan na kasi iyon. Tristan's mom and Sadie are the ones who prepared for their upcoming wedding. Gown nalang naman niya ang kulang. They will be having a beach wedding. Her choice. Wala namang tutol si Tristan sa naging gusto niya.

"Nakapili kana?" Anito nang makalapit sa kanya.

Umiling lang siya at ipinagpatuloy ang pagbuklat-buklat ng catalogue. Ang gaganda ng mga gown pero wala siyang nagustuhan sa mga ito. Nasa kalagitnaan na siya nang may makita siyang siguradong babagay sa kanya. Itinuro niya iyon kay Tristan.

"I want this one, Love." Aniya sa masayang boses.

Tiningnan nito iyon. Tumango-tango ito at ngumiti sa kanya.

"Great choice, Love. I'm sure you'll look ethereal in that gown."

Inilabas ang gown at halos mapanganga siya nang makita iyon. It's so beautiful! Hindi siya nagkamali ng pinili. Sinukat niya iyon. Masikip lang talaga sa bandang tiyan. Ipapaadjust nalang niya sa mananahi.

"Are you done, Kat?"

"Yes. May pupuntahan pa ba tayo?"

"I'm just gonna buy something in the mall. Are you coming with me? Hindi kapa pagod?"

Umiling siya.

"Hindi pa naman. Mabilis kalang naman diba?"

Tumango ito at inalalayan siya palabas ng boutique. Todo-kaway naman ang may-ari ng boutique nang ihatid sila sa labas. Nginitian niya ito at kinawayan pabalik.





Todo kapit siya sa braso nito nang makapasok na sila sa mall. Halos nakatingin na kasi sa kanila ang lahat ng nakakasalubong at nadadaanan nila. They must have known Tristan or his face just demanded attention. Oh! His eyes too. Nakakahalina kasing tingnan iyon.

"I hate it when they look at you, Love." Nakasimangot na saad nito nang makapasok na sila sa supermarket.

"Ikaw kaya ang tinitingnan."

"Tss. You're very much pregnant but they still gave you that look."

Kumunot ang kanyang noo.

"What look?"

"Full of lust. I'm fine if they just stare at you with admiration. Hindi naman kasi iyon maiiwasan. You're too gorgeous not to be admired by guys. But lust? That's another thing."

"Hindi naman siguro ganun."

"I'm a guy. Kilala ko ang mga ganoong tinginan."

"So, you're giving me that stare also?"

"Of course! Most of the time." Mabilis nitong sagot na ikinapula ng pisngi niya. He's just too blunt. Siya pa tuloy ang nahiya.

"Ok. I get it." Aniya at hinila ito sa estante ng mga chocolates. Kumuha siya ng ilang piraso ng Hershey's at isang box ng Ferrero.

"You ate too much sweets, Love."

"Konti lang no. Minsan lang naman."

Umiling lang ito at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Mayamaya lang ay naramdaman niya ang pagkatigil nito sa tabi niya. Umangat ang tingin niya dito. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa papalapit na babae. Her brows arched. It's the same girl who approached her a couple of days ago. The ex-girlfriend, as she said.

"Hi, Tris!"

Napaismid siya. Boses palang ang landi na.

"Yeah."

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora