Innocence 22

67.9K 1.3K 19
                                    

Pabagsak na inilapag niya ang dokumentong naglalaman ng impormasyon ukol kay Katarina. Ilang hithit-buga ang ginawa niya upang pakalmahin ang kanyang sarili. But how can he fucking calm down?

P*tang-ina! Katarina has a fvcking fiance! A fvcking fiance!

"Bullshit!" He muttered in a loud voice.

"Satisfied?" Nakangising saad ni Corpuz. "O gusto mong basahin ko pa ang impormasyong nakalap ko tungkol sa babae mo?"

"Shut the fvck up, Corpuz! Wala akong ganang makipagbiruan sayo." He hissed.

"Bakit ka galit? You want info about her, I give it to you. Bayaran mo ako, Salvatierra. Walang kai-kaibigan sa pera."

"Tss. I have lots of that. Mukhang pera ka talaga."

"At saka bakit ka nagagalit kung may fiance si Katarina? Fiance lang yan, Tris. Madaling maagaw." Napailing pa ito at hindi pinansin ang sinabi niya bago hinithit rin ang sigarilyong hawak-hawak.

Napaisip siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Napangisi siya. He already claimed her in any ways possible, sa kanya lang dapat si Katarina.

"But what about the fiance? He seemed quite familiar." Kunot-noong nilagok niya ang alak habang nakatitig sa kaibigan na dagling dumilim ang buong mukha pagkarinig sa sinabi niya.

"Diyan ka mamomroblema, Tris. He's a member of a drug syndicate. Delikado kung hindi mo titigilan si Katarina."

His face darkened upon hearing what Corpuz has said. Pinakatitigan niya ang larawan ng lalaki. Brandon Tsiu. Ito ang lalaking nakita niyang humahabol kay Katarina noong makita niya itong tumatakbo palabas ng mall.

"Tss. Sa tingin mo matatakot ako sa kanya?"

"Hindi." Kibit-balikat na sagot naman nito.

Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng maliit na mesa kung saan nakalapag ang ilang bote ng inumin at isang pack ng sigarilyo. Napatitig siya sa kawalan bago nakaigting ang panga na nilamukos ang hawak-hawak na larawan.





Nakangusong tinitigan niya ang kanyang suot na uniporme. Hanggang ibaba na ng tuhod niya ito at masyadong nakasara ang bandang dibdib. Pinaypayan niya ang sarili dahil nagsimula na siyang pagpawisan. Dumadami pa naman ang tao kaya masyado ng siksikan. Tumayo siya sa bandang gilid ng bar habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayawan na sa gitna ng dance floor. She cringed when someone pulled her towards the dark side of the bar and kissed her thoroughly. Wide-eyed, she struggled just enough to see Tristan's face in front of her. He's now holding her tight as his kiss deepened. Napakapit siya ng mahigpit sa leeg nito habang pilit pinapantayan ang intensidad ng halik nito. They kissed for about a minute or two before he finally let her go. Kagat-labi at namumula ang mukhang napatitig siya dito.

"Did you like your new uniform, Love?" Anito bago siya hinapit palapit sa katawan nito. Napatitig siya sa kanyang uniporme.

"Masyado atang mahaba, Tristan. At saka ang sikip sa bandang dibdib." Aniya habang inaayos ang pagkakahapit niyon sa kanyang katawan.

Nakangising pinasadahan naman nito ang kanyang suot. A satisfied grin curved on his mouth.

"You still look gorgeous though, Love. Bagay sayo ang suot mo."

"Talaga?" Kunot-noong saad niya. "Sabi kasi nila mukha daw akong manang."

His browse suddenly creased.

"Who told you that?"

"Lahat silang kasama ko dito na nagtatrabaho." Nakangusong sagot niya.

"Don't mind them. Basta magmula ngayon, huwag mo nang isusuot ang mga uniporme mo noon. Naiintindihan mo ako, Katarina? Just wear the new ones. It suit you more." Walang kangiti-ngiting saad nito bago siya hinila paakyat ng second floor. Kinakabahang napasunod nalang siya dito dahil sa sobrang higpit ng pagkakakapit nito sa kanya. Iginiya siya nito paupo bago ito humiga sa hita niya at pumikit.

"Inaantok kana?" Aniya sa mahinang boses. Pinaglaruan niya ang ilang hibla ng buhok nitong nalaglag sa pisngi nito.
Tinanguan lang siya nito bago ginagap ang kamay niya patungo sa dibdib nito. She stared at his handsome face. Aminado naman siyang ito talaga ang pinakagwapong lalaki na nakilala niya. Not that she knew many guys. But still, he screamed perfection to her.

"Are you gonna sleep with me tonight, Love?" Anito maya-maya na pumukaw sa pag-iisip niya.

"Ha? Sleep with you?" Wala sa sariling tanong niya.

Dahan-dahang nagmulat ito ng mga mata at pinakatitigan siya na ikinapula ng pisngi niya. She was almost lost on his stare. Napakurap siya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"I want to sleep with you, Love."

"Just sleep?"

His side lips quirked up at her question. Dagling nanlaki naman ang mga mata niya nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Napaayos siya sa kanyang pagkakaupo at nahihiyang nginitian nalang ito.

"You want to do something than sleeping, Katarina?" Nanunudyo ang mga matang saad nito bago naupo at inakbayan siya. Dagling nag-init naman ang pisngi niya nang maramdaman ang init na nagmumula sa dibdib nitong nakalapat sa likod niya.

Mabilis na napailing siya sabay wagayway ng kamay sa hangin. Natatawang dinampian siya nito ng halik sa noo at niyakap mula sa likod.

"I know you're tired, Love. Maybe in the morning I can do something about it." Nakangising saad nito bago siya pinatayo at hinila palabas ng opisina nito. Isinara muna nito iyon bago sabay nilang tinungo ang hagdan.

"Uuwi kana?"

"Tayo.It's late already, Katarina. And you looked sleepy. You need some rest." Anito at hinila siya palabas ng restobar. Kinawayan niya ang isang kasamahan niya sa trabaho na nakangiting kumaway pabalik sa kanya. Baka kasi may maghanap sa kanya. Kahit sanay na ang mga ito na umaalis siyang mas maaga kaysa sa uwian niya.





Nakangiting niyakap niya pabalik si Sadie bago naupo sa katapat na upuan nito. Himala ata na hindi nito kasama ang nobyo nito. He must be busy. Mukha kasi itong businessman.

"Thank you for your time, Katarina." Anito pagkatapos umorder.

"Wala naman akong ginagawa. Ano ba ang pag-uusapan natin?" Aniya bago kunot -noong pinatay ang kanyang cellphone nang makitang may tumatawag na isang hindi nakarehistrong numero.

"Tristan's birthday is on Friday. May regalo kana ba para sa kanya?"

"Birthday ng kuya mo?" Nanlalaki ang matang saad niya.

"You don't know?"

Napailing siya at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. Paano naman niya malalaman? They're not even talking about their personal lives. He seemed uninterested anyway. Kapag magkasama silang dalawa, wala na itong ginawa kundi ang pumatong sa kanya. Or kung minsan naman siya ang pumapatong dito. And after that,she'll be dead tired. Paano naman sila makakapag-usap?Nakakapagod naman kasi ng ginagawa nilang dalawa. He's insatiable when it comes to sex. Nahihirapan nga siyang makasabay dito. Maybe, she just needs some extra effort. Oh! And extra research too.

"Oh! That's bad. You need to find him a gift, Kat. May dalawang araw ka pa naman."

"Ahm.. A-ano ba ang hilig ng kuya mo?" Nakangiwing tanong niya dito.

"Anything will do, Kat. I'm sure he will like whatever you give him. He's not into material things anyway."

Tumango lang siya at hinayaan itong magkwento ng mga nangyari sa mga nakaraang birthday ng kuya nito. Marami din siyang nalaman. About his best friends and his girl flings. Sa sobrang dami ng pangalang binanggit nito, wala tuloy siyang matandaan kahit isa. Biglang sumama tuloy ang pakiramdam niya dahil sa mga pinagsasabi nito at sa buong pag-uusap nila ay nakasimangot lang siya.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now