Innocence 5

72.1K 1.5K 24
                                    

Mahigit isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho ngunit hindi siya matanggap-tanggap. Wala nga siyang experience but her grades are good. Imposible naman na kahit assistant ay hindi siya matanggap. Her father might have done something  for her not to have a job.She heaved a deep breath as she stared at the dark clouds. Mukhang uulan pa ata. At halos mapapikit siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang tumakbo sa isang tabi at doon tumayo para makasilong.

She badly needed a job. Her money won't last for another month. Baka mamatay nalang siya bigla na dilat ang  mga mata dahil sa gutom.

Oh God! That must be horrible!

Her eyes are busy scanning the environment when she saw something interesting. Dahan-dahang naglakad siya kipkip ang folder na naglalaman ng resume at ilang posibleng kakailanganin niya sa pag-aaply.

"Excuse me! Excuse me po!" Aniya sa malakas na boses. Nagtataka at naiinis na tingin ang ipinukol ng ibang nadaanan niya dahil nababasa ang mga ito kapag dumadaan siya. Umuulan ng malakas ngunit pawis na pawis siya nang makarating sa pakay niya. Pinunasan niya ang nabasang bahagi ng katawan at inayos ang sarili bago kumatok ng malakas sa mataas na pinto. Ilang ulit siyang kumatok bago iniluwa ng pinto ang isang matangkad at malaking lalaki.

"Anong kailangan mo, miss?" Anito sa nakakatakot na boses. She stood up straight and smiled at the big muscled man.

"May nabasa po kasi ako sa labas. Naghahanap daw kayo ng waitress? May bakante pa po ba?" Aniya habang nakakuros ang dalawang daliri sa likod.
Saglit na pinasadahan naman siya nito ng tingin.

"Ilang taon kana ba, Miss?"

"I'm twenty-two,mister. I'm more than qualified." Ngiti niya at halos mapatalon siya sa tuwa nang tumango ito at iginiya siya papasok sa club. Her mouth gaped in awe as she stared at the club's interior.

Grabe! Ang sosyal! Halatang mamahalin ang mga ginamit na muwebles sa bawat sulok nito. Siguradong ang mahal ng bayad bago makapasok dito. Maybe it's her first time to be in a club but she's not that naive. Mahilig naman kasi siyang manood ng movies at magbasa ng mga libro. Iginiya siya nito sa isang silid kung saan may babaeng nakaupo habang may binabasang magazine sa harap nito.

"Madam, may aplikante po tayo." Agad namang nag-angat ng tingin ang babae. She stifled her gasps as their eyes met. Ang ganda nito! Nainsecure tuloy siya bigla.

The lady smiled as she stared at her. Nginitian niya ito pabalik kahit gusto ng lumabas ng puso niya sa sobrang kaba.

"You don't look like an applicant."

"Po?" Gulat na saad niya. "Aplikante po talaga ako, ma'am." Agad naman niyang dugtong nang makabawi sa sobrang pagkabigla.

"Really?" Anito habang taas-kilay na pinasadahan ang kabuuan niya. Napatayo siya ng tuwid at pasimpleng inayos ang kanyang sarili. "Or you just want to have fun that's why you applied? You know, rich daughters of a businessman."

Napailing-iling siya dahil sa binitiwan nitong mga salita. Seryosong tinitigan niya ito habang pisil-pisil ang kanyang kamay.

"Kailangan ko po talaga ng trabaho, ma'am." Aniya sa mahinahong tinig. "Ang natira ko pong pera ay hindi na po aabot para sa susunod na buwan. You can check my resume po. Qualified po ako,ma'am." Kung kailangang magpakababa siya ay gagawin niya. Hindi siya dapat nagsasayang ng oras. Kailangan na talaga niya ng trabaho.

Kibit-balikat na dinampot nito ang kanyang resume at binasa. Samantalang siya ay hindi naman mapakali sa kakatayo niya sa harapan nito. Hindi rin nakatulong ang presensya ng malaking lalaki na kanina pa nakatitig sa kanya. Hindi naman nambabastos ang tingin nito. Natatakot lang talaga siya sa maskulado nitong katawan.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now