Innocence 40

64.1K 1.4K 46
                                    

"Anong sabi mo, Katarina? Nagpropose na siya?"

"Opo, Papa." Aniya habang nakangiti.

"Bakit wala kang suot na singsing kung ganun?"

"It was an abrupt proposal, Papa. Kagigising niya lang po noon."

"Anong araw na? Martes diba? It's been four days since he proposed, bakit hindi ka parin niya binigyan ng singsing?"

Napanguso siya.

"Bukas pa po siya lalabas ng ospital, Papa. Maybe, he wanted to choose the ring himself. Are you mad?"

Umiling ito bago siya nilapitan at niyakap. Mahigit isang buwan narin kasi itong nakakalakad.

"Hindi, anak. Nagtataka lang."

"Papakasalan naman po niya ako,diba?"

"Sa tingin mo? Do you believe him when he proposed to you?"

Tumango siya at pasandal na naupo sa sofa. Medyo malaki narin kasi ang tiyan niya kaya hindi siya masyadong gumagalaw-galaw. Minsan kasi nakakaramdam pa siya ng pagkahilo.

"Yun ang mas importante,anak. Yung buo ang paniniwala mo na papakasalan ka niya. Mahal ka niya. He won't do such  heroic act if he's not in love with you."

She smiled at her Papa. He has a point. Ang dami na nilang pinagdaanang dalawa ni Tristan. Ilang beses na itong nabaril. He almost died because of her. If he's not in love with her. What could be his reason, right?





Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Tristan nang palabas na sila ng ospital. Nasa unahan naman nila ang mag-asawang Salvatierra at si Sadie. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang salubungin sila ng iilang reporters. Todo-alalay naman si Tristan sa kanya lalo na nang magsiksikan na.

Tristan! Tristan! Sino po ang mastermind ng pagbaril sa inyo? Kalaban sa negosyo?

Totoo po ba ang kumakalat na balita na magkakaanak po kayo?

Magpapakasal na po ba kayo?

Sino po ang babaeng papakasalan niyo? Siya po ba? Ano pong pangalan niya?

"Damn! Are you okay, Love?" Pagalit na sinenyasan nito ang mga bantay na higpitan ang seguridad.

Napangiwi siya nang muntikan na siyang matulak kung hindi lamang sa mahigpit na pagkakahawak ni Tristan. Kinakabahan siya dahil baka mapano ang dinadala niya kung hindi pa sila makaalis sa dagat ng mga tao.

Ilang mura ang pinakawalan nito bago dali-daling naglakad habang hawak-hawak siya. Nakaigting na ang panga nito lalo na nang harangan na naman sila ng panibagong mga reporters.

"I will answer all your questions but not now. We're in a hurry."

Pinalibutan sila ng mga security guard hanggang payapa na silang makasakay sa naghihintay na van. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang komportable na siyang makaupo sa sasakyan.

"Are you hurt, Love?" Puno ng pag-aalala ang buong mukha nito habang nakatitig sa kanya. Masuyong hinahaplos pa nito ang kanyang tiyan na nagpangiti sa kanya.

She touched his hand.

"I'm okay, Love. Ikaw? Nasaktan ka?" Mas nag-aalala siya para dito. Kakalabas lang nito ng ospital tapos yun pa ang sasalubong sa kanila.

Umiling ito bago binalingan ang mga magulang nito sa likurang bahagi ng sasakyan at kinausap. Napatitig siya sa unahang bahagi para lamang masalubong ang nanunudyong tingin ni Sadie.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now