Innocence 30

71.6K 1.6K 37
                                    

The moment he saw the face of that dickhead, he wanted to plant a bullet on his head. Nakangisi pa ito habang nakatitig sa kanya na lalong nagpakulo ng dugo niya.

"What do you want, Tsiu?"

"Nice to meet you Tristan Salvatierra!" Imbes ay sagot nito sa kanya. Inilahad pa nito ang kamay na parang iniinis siya.

"I'm asking you. What do you want?" He hissed as he stared at him. May kasama itong ilang kalalakihan na alam niyang armado.

Tumawa ito at umiling.

"Si Katarina lang naman ang gusto ko, Tristan. She's my fiancee so dapat lang na kunin ko siya."

"Well, not anymore Brandon! I think you're just dreaming. Umalis kana at huwag ng guluhin ang pamilya nito."

"Ikaw ang dapat umalis, Tristan!" Igting ang panga na sagot nito. "She's mine! Katarina is mine! Ako ang nakauna sa kanya! Pinagsawaan ko na siya! Bakit? Nagsawa kana rin ba sa step-sister ko?"

Kuyom ang kamaong humakbang siya palapit dito ngunit agad siyang napatigil nang may tumutok ng baril sa kanyang sentido. Napangisi siya. Really? Tinatakot ba siya ng mga ito? Tinabig niya ang baril at pinagpatuloy ang paghakbang palapit kay Brandon.

"Ikaw ang nakauna sa kanya? Pinagsawaan mo na siya? Talaga? Baka nananaginip ka lang, Brandon? Are you high?"

Dumura ito sa lupa at madilim ang mukhang ngumisi sa kanya. He inched closer and whispered to him.

"Kukunin ko siya at pagsasawaan, Tristan. Bubuntisin. Dahil akin lang si Katarina! Akin!"

Bago pa niya ito masuntok ay nakatalikod na ito kasama ang mga tauhan nito. Naiwan siyang nagngingitngit sa galit. That guy is so obsessed over Katarina! But he won't let him touch even a strand of her hair. Magkamatayan na pero hindi niya ibibigay dito si Katarina.

He alerted his men to secure the perimeter. Alam niyang hindi nagbibiro si Brandon sa mga banta nito. He has his own men but it's not enough. Hindi naman kasi siya nangangailangan ng maraming tauhan. He can protect himself. But Corpuz' 's has more than enough. And his men are well-trained. Some of them are even ex-army's. He really needed his help.







Napatayo siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng kanyang Papa at iniluwa nun si Tristan. Agad siyang naglakad palapit dito at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang mukha nito sa kung anumang sugat. She breathe a sigh of relief when she saw nothing.

"A-anong nangyari?"

"Nothing, Love. Nag-usap lang kami." Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya paupo. "Are you hungry? I'll buy you food."

Umiling siya at pinakatitigan ito. Nasasalamin niya ang galit at pag-aalala sa mga mata nito kaya alam niyang hindi naging mabuti ang pag-uusap nilang dalawa ni Brandon.

"Mamaya na. Hindi pa ako nagugutom. Anong pinag-usapan niyo?" Pag-uusisa niya na iniwasan lang nito ng tingin. Hinapit siya nito ngunit tinampal niya lang ang kamay nito. Tumayo siya sa harapan nito at humalukipkip. Nagsisimula na siyang mainis dahil sa hindi nito pagsasalita. Hindi naman kasi ito pipe.

"Bakit ayaw mong sabihin sa akin?!" Tumaas na bigla ang kanyang boses dahil sa sobrang inis.

"Tone down your voice, Katarina. Baka magising ang Papa mo." Salubong ang kilay na saad nito at hinila siya paupo sa kandungan nito.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit siyang kumawala sa pagkakandong nito ngunit sadyang malakas ito sa kanya. Tinitigan niya ito ng masakit ngunit tinawanan lang nito iyon.

"Why are you so grumpy, Love? Red days, huh?" Anito bago ibinaon ang mukha sa leeg niya.

She stiffened after hearing what he said. Yes, she's being grumpy nowadays. It must be because of her pregnancy. Tumikhim siya at kinalma ang kanyang sarili. Dapat hindi siya maistress. Bawal. Napapitlag siya mula sa pagkakandong dito nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Tita Precy.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now