Innocence 24

63.5K 1.5K 116
                                    

Nagising siyang nanlalalim at namamaga ang mga mata. Dahan-dahan siyang bumangon nang makaramdam ng sobrang pagkahilo. Napahilot siya sa kanyang sentido para man lang maibsan ang pananakit ng kanyang ulo. Inabot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Mapait na napangiti siya nang makitang wala man lang maski isang text galing kay Tristan. Sobra siguro itong nag-enjoy sa party nito at hindi man lang siya pinadalhan ng mensahe.



Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pumasok parin siya sa trabaho kinagabihan. She wants to talk to him. She wants to clear things out. Kung ano nga ba talaga siya sa buhay nito. Hindi iyong para siyang bulag na nangangapa sa dilim.

Kiming-nginitian niya ang nakasalubong niyang katrabaho. May awang nakasalamin sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. May alam na ba ang mga ito sa nangyari kagabi?

"Sana kasi nakinig ka sa amin, Kat." Anito habang napapailing at agad din siyang iniwan.

Ilang hakbang ang ginawa niya ngunit dagling napatda siya nang matanawan si Tristan habang may kaakbay na isang maputing babae. Sobrang magkalapit ang mukha ng mga ito na halos maghalikan na. Awang ang labi at kuyom ang kamao na naglakad siya patungo doon. Natigil ang tawanan ng mga ito nang mapansin siya ng kaibigan nitong si Corpuz.

"Hi, Katarina!"

Hindi niya pinansin ang pagbati nito. Nakatitig lang siya kay Tristan na nakangisi lang habang nakatitig sa kanya pabalik.

"C-can we talk?" Pilit pinipigilan ang pag-iyak na saad niya. The sight of him with another girl is just so heartbreaking.

"Okay. Start talking." Anito habang nakatuon na ang pansin sa katabi nito. Napatitig siya sa mga daliri nitong naglakbay paitaas sa hita ng babae. Napakurap siya nang marinig ang hagikgik ng babae. Kasabay nun ay ang pagkabasag ng kanyang puso.

"Tayong dalawa lang sana." Pinatigas niya ang mukha at tinitigan ito ng masakit. His browse arched as he stared back at her. Ni hindi siya nagbaba ng tingin nang titigan din siya nito ng masakit.

Tumayo ito bago dinampian ng halik ang labi ng babae. She gasped at the sudden pain she felt deep within her heart. Napatalikod siya at agad na pinunasan ang luhang dagling kumawala sa mga mata niya. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang uniporme. Sinundan niya ito nang lumabas ito ng Tris Club. Tumigil ito ilang metro ang layo sa resto-club. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito habang nakatitig sa kanyang kabuuan. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo at tinitigan ito ng seryoso. She cleared her throat as she tried to calm the anger that has been building inside of her. Nasasaktan siya ngunit mas lamang ang galit na nararamdaman niya para dito.

"You said we'll talk. Why are you not talking? Sinasayang mo lang ang oras ko." He said bluntly that almost made her shed another tears.

"Bakit?" Aniya.

His brows creased.

"Anong bakit?"

"Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinabing waitress ako?"

Napangisi ito.

"Waitress ka naman talaga. What's wrong with that?"

"There's nothing wrong with that! But I'm your girlfriend too, Tristan!" Singhal niya pabalik. "O girlfriend mo nga ba talaga ako?"

Hindi ito nagsalita at pinakatitigan lang siya. His silence is slowly killing her. Bakit hindi nalang siya nito patayin ng deretsahan? Naaawa pa ba ito sa kanya? He doesn't looked that he pity her anyway. Parang walang pakialam lang kasi itong nakatingin sa kanya habang siya ay parang tangang lumuluha sa harapan nito.

"It was fun. But I got bored, Katarina. I had enough of you already." His answer that shattered her dying heart.

"F-fun?" Nanginginig ang boses na saad niya. "Talaga fun? Gaano ka fun? Super fun? Ano?! Ginawa mo lang bang laruan ang nararamdaman ko para sayo?" Natatawa at naiiyak na saad niya. Alam niyang nagmumukha na siyang tanga sa harapan nito. But she has to do this once and for all. Ayaw niyang maging baliw dahil sa nararamdaman niyang sakit at galit.

Napahilamos ito ng mukha at igting ang panga na hinawakan ang braso niya. Pumiksi siya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Can't you just drop it, Katarina? Nag-enjoy ka naman sa piling ko. You like me fvcking you, right?Just-just forget about me and find another man." He hissed at her.

"Ang sama mo, Tristan! Tama ang mommy mo. Ginawa mo lang ako na isa sa mga babae mo! Hindi mo na sana ako hinayaang mahulog sayo kung wala karin namang planong saluhin ako." Ilang beses niyang hinampas ito sa dibdib ngunit nananatiling nakatitig lang ito sa kanya. His innocent eyes held no emotion. She cried harder as she hit him hard.

"Ma-Mahal kita." Mahinang anas niya habang dahan-dahang napaupo sa malamig na semento. Napaangat ang tingin niya nang marinig niya ang mga yabag nito. Ang mga yabag nitong papalayo sa kanya. Tinalikuran siya nito. Tinalikuran nito ang pagmamahal na inialay niya dito.









Tanging mahihinang hikbi niya ang maririnig sa loob ng kanyang kwarto. Hindi nga niya alam kung paano siya nakauwi sa estado ng pag-iisip at nararamdaman niya. She was too heartbroken that she felt like dying. She curled up like a baby and hugged herself tighter. Bakit ba kasi hindi maubos-ubos ang luha niya? Pagod na siyang punasan ang bawat likidong tumutulo sa pisngi niya. Inabot niya ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng Papa niya.

"Papa." She choked a sob when she heard her father's voice.

Katarina? Napatawag ka? Umiiyak kaba?

Napailing siya habang kagat-kagat ang kanyang pang-ibabang labi. Ayaw na niyang dagdagan ang problema nito. It's just a broken heart anyway. It's just another phase of her life. She'll eventually get by just like the others.

"Namiss lang po kita, Papa." Aniya sa mahina at nahihiyang boses.

Isang tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. A ghost of a smile curved on her lips. Masaya siyang marinig ang tawa nito. It's been a while since she heard him laughed. Was it years? Yeah. Taon na nga ang nakalipas. Ni hindi na niya ito narinig na tumawa o ngumiti man lang magmula ng mamatay ang mama niya. Alam niyang mas nasaktan ito sa pagkawala ng mama niya dahil ang sarili mismo nito ang sinisi nito.

"Namiss din kita, anak. Namiss kana ni Papa."

Hindi na niya napigilang mapahikbi dahil sa sinabi nito. He's long been gone as a father. Alam niya at nararamdaman niyang bumalik na nga ang Papa niya. They talked for about an hour. They talked alot. Kung hindi niya lang narinig ang paghikab nito mula sa kabilang linya ay hindi pa siya titigil sa pagkukuwento dito. Napangiti nalang siya sa sarili. They really need a lot of catching up to do.

"Good night, Papa. Mahal kita." Aniya habang may nakaguhit na malaking ngiti sa labi.

Goodnight, anak! Mahal kadin ng Papa.

Mahal kita. Dalawang salita na binitawan niya. Dalawang magkaibang tao ang sinabihan niya. But she just realized one thing, a family's love is so unconditional. Yun naman ang importante diba? Na mahal siya ng pamilya niya. Everything else in this world is secondary. The love of a family should always come first. And of course, God's love is always and forever exceptional.





~~

Death is inevitable. Live your life to the fullest.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now