Innocence 34

64.3K 1.4K 19
                                    

Dali-daling tinakbo niya ang banyo nang makaramdam siya ng pagsusuka. Pawisan na siya at nagsimula naring makaramdam ng pagkahilo nang may kamay na masuyong lumapat at humagod sa likod niya. Naghilamos siya at nagmumog bago pagod na napasandal kay Tristan. She stared at him in the mirror. May pag-aalalang nakaguhit sa buong mukha nito habang nakatitig sa kanya. She gave him a small smile.

"Are you okay, Love? Are you always feeling like this?"

"I'm okay, Tristan. It's just part of the pregnancy." Aniya at nauna ng lumabas. Sumunod ito sa likod niya at masuyo siyang inalalayan. Napangiti siya. He really is the sweetest.

"Kada mabubuntis kaba ay ganyan, Love?" Kunot na kunot ang noong saad nito sa kanya. Her brows arched at his question. What does he mean? May plano pa ba itong buntisin na naman siya?

"I don't know. Depende siguro. Why?"

"I just wanna know."

"Bakit nga?" May halong pagkainis na saad niya.

"Siyempre, bubuntisin na naman kita eh! I'm just worried that you've got to experienced that sh*t always."

Her face suddenly heated up at his answer. Hindi pa nga lumalaki ang tiyan, nagpaplano na naman itong buntisin siya.

"Ewan ko sayo!" Aniya bago tinungo ang kusina. Nagugutom na siya. "Puro ka kalokohan." Dugtong niya at nagsimula ng maghanap ng pwedeng makain.

Ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang beywang at masuyong inilapat ang pisngi nito sa kanyang balikat.

"I'm not joking, Love. I want to have five more kids with you. Why? Don't you want a big happy family?" Iniharap siya nito at pinakatitigan. She felt herself blushed at the intensity of his stare. His eyes are just so lovely. Ito talaga ang pinakapaborito niyang parte ng katawan nito.

"Ahm -gusto. But maybe after two more years. Hindi ganoon kadaling mag-alaga ng bata, Tristan." Aniya na nagpasimangot dito. She touched his face. Ang gwapo-gwapo nito kahit pa nakasimangot.

"That's too long, Katarina. What about a year? Ako naman ang magbabantay sa kanila."

Hindi niya napigilang matawa dahil sa sinabi nito. He really is serious. Nakakatawa lang isipin na ito na hindi nakikipagrelasyon ay gusto ng maraming anak.

"What's funny, Love? I'm serious."

"Oo na. Ewan ko sayo." She said, eyes rolling as she continued eating. Buong umaga na wala itong ginawa kundi lambingin at landiin siya. At siya naman, siyempre nagpapalandi din.












Katatapos niya lang tawagan ang kanyang Tita Precy. Kinumusta niya ang kalagayan ng kanyang Papa. And she's happy because he's doing well. Namimiss na niya ito ngunit ayaw niya namang madaliin si Tristan na bumalik sa probinsya nila dahil alam niyang marami pa itong trabahong nakabinbin. Ni wala pa nga silang isang linggo dito sa Maynila.

"Love?"

"Bakit?" Aniya habang taas-kilay na pinasadahan ito ng tingin. He's wearing a plain white shirt and black jeans. His hair is kinda messy and he looked so utterly gorgeous.

"I'm gonna go to Tris Place. I need to work. Will you be okay here?"

"Sasama ako sayo."

"Gagabihin ako, Love. Nag-aya ng inuman si Corpuz. Broken-hearted ata." He said chuckling. Na parang hindi ito makapaniwalang brokenhearted nga ang kaibigan nito.

"Kaya nga dapat mas sumama ako."

"But you're pregnant. Bawal ka sa club, Katarina."

Tinitigan niya ito ng masakit na ikinangiwi nito. Taas-kamay na nagkibit-balikat ito.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon