Innocence 41

62.8K 1.3K 60
                                    

Bitbit ang isang tupperware na may lamang mixed wafer, nips and eggnog, naupo siya ng maayos at binuksan ang telebisyon. Tumambad agad sa kanya ang mukha ng mapapangasawa niya. She smiled as she stared at his handsome face. And her smile even widened when she got to hear the sweet words coming from his mouth.

"He's got a sweet mouth, Katarina. Yan siguro ang isa sa dahilan kung bakit nahulog ang loob mo sa kanya."

Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng kanyang Papa.
He stood in the doorway near the kitchen area while his eyes are still fixed on the television. Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan ito. She planted a soft kiss on his cheeks.

"Maybe. Maybe not, Papa. I just woke up one day realizing that I'm in love with him." Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na saad niya. Nahihiya siyang maging vocal sa kanyang Papa ukol sa nararamdaman niya para kay Tristan.

Ngumiti ito at masuyo siyang nginitian.

"I'm so happy for you, anak. Magiging mabuti kang asawa at ina."

A single tear fell on her cheek. She's bursting with happiness as she hugged her father. Sana nga wala ng maging problema. Wala na siyang gustong hilingin kundi isang tahimik at masayang buhay para sa kanilang dalawa ni Tristan.







Seryosong hinarap niya ang mga nakaharang na reporters. They have been bugging him for almost a week now. Wala naman sigurong masama kung pagbigyan na niya ang mga ito. Naririndi narin kasi siya at naiinis sa paulit-ulit na pangungulit ng mga ito sa kanya. Might as well settle this once and for all.

"To answer all of your questions, Yes, I'm already engaged. To the most gorgeous lady I've ever met in my entire life. She's the sweetest and the bravest woman. Her name's Katarina. And we're also having a baby." He spoke in a serious manner. But he couldn't stop the grin that started to form on his lips upon remembering her beautiful face. "Hi there, Love! I miss you already. I love you!" He added before he bid his goodbye to the still-shocked reporters.

Mabilis na tinungo niya ang kanyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Dederetso na sana siya sa condo na kasalukuyang tinitirhan ni Katarina at ng Papa nito nang maalala niyang may ipinabibili pala itong pagkain. Napatampal nalang siya sa kanyang noo bago iniliko ang sasakyan pabalik.

"Do you have truffles here, miss?"

"Yes, sir."

He heaved a deep sigh of relief upon hearing what she said. Mabuti naman at hindi na niya kailangang maglibot para maghanap nun. He's too tired to wander around. Maghapon siyang nasa opisina dahil tambak ang paperworks niya. Marami pa nga siyang meeting na nakapila. But he really can't ignore nor say NO to her fiancee. He loves her that much. He will do everything for her.





Bitbit ang isang box ng truffles at isang bouquet ng paborito nitong bulaklak, kumatok siya ng ilang beses bago bumukas ang pinto at inuluwa nun ang Papa ni Katarina. Wala itong kangiti-ngiti habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya bago ngumiti dito. Nakakatakot talaga ang Papa nito lalo na kapag ganitong seryoso ang hilatsa ng mukha nito.

"Anong ginagawa mo dito? Nanliligaw ka?"

"Po?"

"Ngayon ka pa ba manliligaw gayong nabuntis mo na ang anak ko? Sana noon mo pa yan ginawa. Inuna mo kasi ang pisikal mong pangangailangan kaysa sa pagbibigay halaga sa dalaga ko."

Napakamot nalang siya sa noo dahil sa naririnig na sinabi nito. Ang ayaw niya talaga sa lahat ay ang pinapangaralan siya. He's not a child anymore. He knows what he's been doing. But it's Katarina's father, he can't be mad at her. Magiging mabait siya, magiging pasensyoso magustuhan lamang siya nito para sa anak nito. He will be the most perfect son-in-law.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now