Innocence 14

66.9K 1.5K 28
                                    

Inayos niya ang pagkakatupi ng kanyang mga damit at maingat na isinilid sa kanyang hindi kalakihang bag. Ayaw niya sanang sumama kaya lang nakakahiya naman kay Sadie. It will be her birthday in three days time and she's invited. It will be held in an island somewhere in Iloilo. Medyo may kalayuan at hindi naman siya mahilig pumunta ng beach. Hindi rin nga siya marunong lumangoy. But for the sake of their so-called friendship, sasama nalang siya.

Inayos niya ang suot na mahabang bulaklaking bestida at mahigpit na hinawakan ang kanyang dalang bag. Isang puting van ang huminto sa tabi niya at iniluwa niyon si Sadie katabi ang walang kangiti-ngiting si Alessandro.

"Halika na, Katarina!"

Nakangiting tumango siya at pumwesto sa bandang likod kung saan may bakanteng pwesto at halos manlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang katabi niya. Kunot na kunot ang noo ng boss niya habang nakatitig sa kanya lalo na sa bandang dibdib niya. Namumula ang mukhang tinakpan niya ang parteng iyon at inayos ang pagkakaupo niya. She can almost feel his harsh breathing and it's making her uncomfortable. Lalong hindi siya mapakali dahil nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya. Tandang-tanda pa niya kung gaano ito kagalit noong isang araw. Akala nga niya matatanggal na siya sa trabaho ngunit wala naman siyang narinig galing dito.

"May dala ka bang bikini, Katarina?" Anang Sadie at binalingan siya ng tingin. Ang laki ng ngiti nito kabaliktaran ng lalaking katabi nito.

"Ha? Ah wala!" Nakangiwing sagot niya.

"Ay! Don't worry. Marami akong dala.Pahihiramin nalang kita." Anito at bumalik na sa maayos na pagkakaupo.

Tipid na ngumiti lang siya at hindi pinansin ang masakit na paninitig na ginawa ng boss niya sa kanya. The whole ride was quiet. Kahit na noong bumaba na sila ng eroplano. From Iloilo airport, they took a van going to the town where the island is located. Mga apat hanggang limang oras din ang ibinyahe nila. Sumasakit ang likod at katawan niya dahil sa sobrang layo ng kanilang binyahe. Sumakay sila ng isang bangka at hindi niya maiwasang mamangha nang makarating sila ng isla.

Islas de Gigantes

That's the name of the beautiful island.It looked serene and peaceful. With its pristine water and white sand, the island is like a paradise. Nakakahalina ang gandang taglay nito.

"Oh my God! This island is so beautiful!" Anang Sadie mula sa kalayuan. She smiled while looking at her. Masaya siya dahil masaya din ito. She deserved everything on her big day. She's just so pure and kind. Swerte ang lalaking minamahal nito. At sana lang ay hindi ito tanga at bulag para hindi makita iyon.

Napapitlag siya nang dumaan sa tabi niya ang kanyang boss at tinitigan siya ng masakit. Nakakapit pa sa kaliwang braso nito ang isang maganda at matangkad na babae. Malungkot na umiwas siya ng tingin at tahimik na tinungo ang kinatatayuan ni Sadie.

"I'm so excited, Kat! Gosh! Feeling ko ito talaga ang magiging best birthday ever ko!"

Hinayaan niyang kaladkarin siya nito patungo sa isang cottage sa di kalayuan at binuksan iyon. Namangha siya nang makita ang loob niyon. Simple lang ngunit sobrang maaliwalas.

"Magkasama nalang tayo sa room Kat, ha? Andito kasi si Kuya. Alam mo na.Hindi kami pwedeng magtabi ni Alessandro." Humahagikgik na saad pa nito habang hinahalungkat ang dalang bag. May kinuha itong ilang pares ng bikini at hindi maiwasang mamula ang buong mukha niya nang iladlad nito iyon sa harapan niya. Napakarevealing at sexy ng tabas ng mga bikini. Parang wala karin namang suot na damit kapag iyon ang isinuot mo.

"I brought many of these, Kat. Just pick whatever you like."

Napatikhim siya.

"Wala bang medyo simple lang, Sadie?" Lumapit siya at tumabi sa pag-upo nito sa kama.

"Okay na to noh! Mas sexy pa panigurado ang isusuot ng ibang bisita ko. Ayaw ko namang masapawan nila noh!" Natatawang inabot nito sa kanya ang isang pares ng black at red bikini. Nakangiwing tinanggap niya iyon at pinakatitigan. Feeling niya isang hila lang nito eh matatanggal na. Inayos niya nalang ang kanyang dalang gamit at nagdesisyong magpahinga muna. Mamaya pa naman sila magkikita-kita bago maglunch. Tapos didiretso na daw sila sa isa pang maliit na isla.




Pinatungan niya lang ang kanyang suot na bikini ng isang bestida na hanggang tuhod ang haba. Inayos niya ang bandang dibdib niya dahil lumalabas ang hindi dapat lumabas. Wala siyang dala maliban sa isang sunglasses na ipinatong niya lang sa kanyang ulo. Napangiti siya nang lumabas na sa banyo si Sadie. She's wearing a red bikini na bumagay sa maputing balat nito. Tinakpan lang nito iyon ng isang pagkaigsi-igsing bestida. Nahiya tuloy siya sa suot niya.

"Are you ready,Kat?"

Tumango siya at sumunod sa paglabas nito ng kwarto. Inilock nito iyon at magkahawak-kamay na tinungo nila ang isang kubo kung saan naghihintay na ang iba nilang kasama. All in all, they are twelve in their group. Mas gusto kasi ni Sadie na ayain lang ang close daw talaga nito. Napakurap siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin nang halos sabay pa ang lahat ng mga ito na nag-angat ng tingin sa kanilang pagdating.

"I'm sorry to keep you waiting, guys." Anang Sadie at tumabi sa nobyo nito. Napasunod nalang siya dito dahil hawak-hawak nito ang kamay niya.

"It's okay, Sadie. It's your birthday anyway." Natatawang komento ng isang petite ngunit maputing babae. Napangiti narin lang siya habang nakatitig sa tatlong lalaki na nag-aayos ng pananghalian nila. Napalunok siya sa mga pagkaing nasa harapan nila. The island is known for their seafoods kaya hindi na siya nagtaka kung bakit halos lahat ng nakahain ay ganun. Nakangiting nag-angat siya ng tingin ngunit dagling nawala din iyon nang aksidenteng magtama ang tingin nila ng boss niya. His eyes are dark as he stared at her.Kunot na kunot pa ang noo nito at nakaigting pa ang bagang na nakatitig sa kanya. Ni hindi nito pinansin ang paghilig sa balikat nito ng babaeng kasama nito kanina.

Is he that angry at her? Or maybe he doesn't want her to be part of this escapade?

Nginitian niya ang lalaking katabi niya na nag-abot ng kanin sa kanya.

"Salamat." Aniya at nagsimula ng kumain. She tried to maintain her composure despite knowing that he's still watching her every move.

"You're Katarina, right?"Tinanguan niya ito habang panaka-nakang kumakain. The guy is cute with his chinky eyes and dimples. Nakakahawa ang ngiti nito kaya hindi niya rin maiwasang ngumiti pabalik habang nakikipag-usap dito.

"I'm Chester. I'm friends with Sadie and our family is kinda close. How did you two met anyway?"

"She's the one who interviewed me. I worked at Tris Place.Isa akong waitress."

"Really?You don't look like a waitress to me. You're too gorgeous to be one." His chinky eyes got chinkier as he stared at her. Hindi niya tuloy maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito.

Napaangat ang kanyang tingin nang biglang kumalabog ang kanilang harapang bahagi. Nahulog pa nga ang ibang pinggan na may laman pang pagkain.Awang ang labi na napatitig siya kay Tristan na padabog na tumayo at biglang nagwalk-out pagkatapos siyang titigan ng masakit. Agad namang sumunod ang girlfriend nito.

"Anong nangyari dun?" Naguguluhang saad ni Sadie habang nakatitig sa papalayong likod ng kuya nito.

Tipid na nginitian niya si Chester na nakatitig parin sa kanya.

"Don't mind him. He's always like that. Madaling magalit. I don't know why though." Iginiya nito palapit sa kanya ang isang pinggan na may lamang calamares.

"You should eat more. You're too sexy."

"Hindi naman." Nahihiyang tinanggap niya ang pinggan at kumuha ng ilang piraso ng calamares. She gave him a shy smile as she continued eating. Pinilit niyang balewalain ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang dibdib nang hindi pa bumalik ang kanyang boss at girlfriend nito makalipas ang ilang minuto. Nagseselos na ata siya. And she knew it's not a good thing.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now