Innocence 28

71.2K 1.6K 60
                                    

The whole ride was quiet. Pahinamad ang pagkakaupo niya sa front seat ng sasakyan nito habang nakatingin lang sa tanawin na nadadaanan nila. She can feel his intense stare but she just shrugged it off. Tinatamad siyang kausapin ito at inaantok narin naman siya. Ilang araw siyang pagod at walang gaanong tulog. Gusto man niyang magpahinga na ay hindi niya magawa hangga't hindi niya nasisigurado na nasa mabuting kalagayan ang kanyang Papa. 

"You look tired, Love. Maaari ka namang matulog. Don't worry. I'll drive carefully."

Napaismid lang siya dahil sa sinabi nito.

Tumagilid siya ng pagkakaupo at ipinikit ang kanyang mga mata. Naririnig niya ang marahas na paghinga nito bago binilisan ang pagmamaneho.

Nagising siya nang maramdamang may nakamasid sa kanya. She met his gorgeous innocent eyes. Napakurap siya at napaayos sa kanyang pagkakaupo. He smiled at her.

"We're here already, Love. Saan dito ang bahay niyo?"

Tumingin siya sa labas ng bintana at nakitang nasa kabisera na sila. Matagal-tagal din pala siyang nakatulog.

"Iliko mo lang diyan sa kanto. Tapos ideretso mo. Yung may mataas na gate na kulay pula ang bahay namin."

Bumusina ito ng malakas nang nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Inulit nito iyon ng ilang beses nang wala pang bumukas ng malaking gate. Napatitig siya sa nakakunot-noo nitong mukha. He really has no patience at all. Wala pa ngang isang minuto silang nakatambay sa harap ng bahay nila.

"Are you sure there are people inside, Love?"  Anito nang balingan siya ng tingin. Inirapan niya lang ito bago pinagtuunan ng pansin ang kanyang cellphone.

Mga limang minuto din siguro itong nakatunganga at bumubusina nang bumukas ang maliit na gate na pwede lang daanan ng tao. Naunang lumabas ang kanilang mayordoma kasunod ang dalawang lalaki na mukhang mga bodyguards. Ibinaba niya ang bintana sa gawi niya at nginitian ang matandang babae.

"Nana!" Aniya sa malakas na boses.

Agad nanlaki ang mga mata nito at tinungo ang sasakyan.

"Diyos ko! Katarina, hija? Ikaw ba talaga yan?"

Tumango siya at nginitian ang butihing matanda. Hindi pa siya ipinapanganak ay nagtatrabaho na ito sa kanila. Sinenyasan nito ang dalawang lalaki na buksan ang malaking gate. Agad namang pinaandar ni Tristan ang sasakyan papasok. Maayos na ipinarada nito iyon sa harap ng kanilang bahay. Nauna siyang bumaba at hindi na ito hinintay pa. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Nana Sela. Halos maiyak siya nang maramdaman ang yakap nito. Namiss niya ito. Ito ang naging kakampi niya lalo na nung nagsimula ng maghigpit ang Papa niya sa kanya.

"Kamusta ka, hija? Lalo kang gumanda!" Nakangiting pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan. Nakamaikling bestida lang siya na abot hanggang tuhod at flat shoes. Nakalugay lang din ang kanyang mahabang buhok.

"Okay naman po, Nana."

Ngumiti ang matanda ngunit dagling kumunot ang noo nito habang nakatingin sa bandang likuran niya. Saglit lang iyon bago gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito.

"Siya ba ang kasama mo,Katarina? Aba'y napakagwapong bata!" Iniwan siya nito at naglakad patungo sa kinatatayuan ni Tristan. Napailing nalang siya habang nakatingin sa magiliw nitong pagkausap sa lalaki.

Nauna siyang pumasok sa kanilang bahay. Napakatahimik niyon. Malungkot na napatingin siya sa mataas na bahagi ng pader kung saan nakalagay ang larawan nilang magpamilya. Iniwan na siya ng mama niya. Huwag naman sana pati ang Papa niya.

Napalingon siya nang marinig ang magkasunod na yabag galing sa main door ng kanilang bahay. Magkasunod na pumasok si Nana Sela at Tristan. Walang kangiti-ngiti si Tristan habang nakikinig sa mga sinasabi ng mayordoma nila.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu