Innocence 6

71.7K 1.7K 38
                                    

Kanina pa niya hinihila pababa ang suot na maikling damit at kanina padin siya sinasaway ng mga kasama niya sa trabaho. Gusto na niya tuloy bumalik at magtago nalang sa loob ng dressing room nila at doon magmukmok. Her black dress uniform is just so sexy and revealing. Feeling niya kakabagan siya pagkatapos ng gabing iyon.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng club at hindi niya maiwasang kabahan nang biglang dumami na ang mga taong pumapasok doon. They all looked rich, famous and powerful. Sa tindig at sa klase ng paglalakad ng mga ito ay alam niyang hindi mga pipitsuging tao ang mga customers ng club. Sabagay, Tris Club screamed elegance and power.

"Okay kalang diyan, Katarina?" Anang Moira na kasamahan niya. Napansin ata nito na kinakabahan siya.

"Oo naman." Pilit ang ngiti na binalingan niya ito. Hindi niya maiwasang mapatingin sa suot nitong damit. Pareho lang naman sila ng klase at istilo ng damit. Ang kaibahan lang ay mukhang komportableng-komportable ito sa suot nito. Bagong pasok lang din kasi ito. Halos kasabayan na nga niya.

"Para kasing namumutla kana diyan, Katarina. Mamaya mapagalitan tayo kapag bigla ka nalang nahimatay diyan." Ismid nito at nagsimula ng pumunta sa mesang may umuukupa. Naiwan siyang napapaisip dahil sa sinabi nito. She tried to calm herself but she was too shocked to even lift a feet when her eyes met the guy's beautiful innocent eyes.

Oh my God! What is he doing here?

Tarantang napatalikod siya at agad na naglakad sa madilim na parte ng club at doon parang tangang tumayo at nagmasid. She can almost hear the fast beating of her heart. Dinaig pa nito ang tunog na nanggagaling sa loob mismo ng club. At halos mapasigaw siya nang biglang tumabi sa kanya si Arnold,ang bouncer na kasama niya nung nag-aaply palang siya.

"Anong ginagawa niyo,Miss Katarina? Bakit ka nagtatago dito sa dilim?"

"Ha? Ano-Ahm. Hindi! Hindi ako nagtatago!" Tarantang sagot niya habang umaatras palayo dito. She's quite tall but this guy is much taller and bigger. Madali lang ditong ipatapon siya sa labas kung sakali mang pumalpak siya ngayong gabi.

"Kung hindi ka nagtatago, doon ka pumwesto sa madali kang makikita ng mga customers." Anito kaya wala siyang nagawa kundi bumalik sa kung saan siya nakatayo kanina. She tried to smile at the persons she came in contact with. Pasimpleng inilibot niya ang paningin at hindi niya maiwasang makahinga ng maluwag ng hindi na niya ito makita sa grupo ng mga lalaking kasa-kasama nito ng pumasok.

Kasalukuyan siyang nanonood sa mga nagsasayawan nang tinawag siya ng isang grupo ng kalalakihan na nasa bandang gilid ng club nakapwesto. Hindi niya tuloy alam kung magbubulag-bulagan o magbibingi-bingihan nalang. Nakaramdam kasi siya ng takot lalo na at mukhang lasing na ang halos lahat ng nakapalibot sa mesang iyon.

"Miss! You!" Anang lalaki sa malakas na boses at itinuro pa talaga siya. Sa sobrang takot niya na mapagalitan ay dali-dali siyang naglakad patungo sa pwesto ng mga ito.

"Good-good evening, sir! Bakit po?" Aniya nang makalapit. Ngunit sinigurado niyang hindi siya maaabot ng mga ito kung sakali mang may gawin ang mga itong masama sa kanya.

"Umupo ka nga dito!"Anito at tinapik ang pwesto sa tabi nito. Napatayo siya ng matuwid lalo na ng mapansin niya ang malaswang tingin na ipinupukol nito sa nakahantad na binti at dibdib niya.

"Pasensya na po, sir. Waitress po ako at hindi escort." Aniya sa malumanay na boses kahit sa loob-loob niya ay parang hihimatayin na siya sa sobrang kaba. Ayaw niya namang mawalan ng trabaho sa unang araw palang niya.

"Babayaran naman kita, miss. Magkano ka ba?!" Singhal nito sa malakas na boses at hinawakan ng mahigpit ang braso niya. Her eyes widened in fear when he grabbed her hand towards his seat. Pilit siyang nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito ngunit masyadong malakas ito kaya wala siyang nagawa. Nang akmang hahawakan nito ang nakalabas niyang dibdib ay wala siyang ginawa kundi sumigaw ng pagkalakas-lakas na ikinagulat nito at ng mga kasama nito sa mesa. Nabulabog ang lahat ng tao sa loob ng club. But she doesn't care anymore if she loses her job. Mas importante na hindi siya mabastos ng lalaking ito.

"Aba't! Bwisit kang babae ka hah!"

Parang tangang napatakip siya sa kanyang pisngi sa takot na masampal nito ngunit wala naman siyang naramdamang palad na lumapat sa mukha niya. Bagkus isang malamig na boses na pamilyar sa kanya ang narinig niya. Napatitig siya sa lalaking nakatayo sa gilid niya. She gasped out loud.

Oh no! The guy in the comfort room!

"What are you doing with the waitress, bud?"

"I'm just talking to her but she screamed. Is she new here? Mukhang hindi naturuan ng maayos ang isang ito!" Galit na singhal ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Napatago tuloy siya sa likod ng lalaki sa takot na masampal na talaga siya. Narinig niya pa ang pagtugtog ng musika at ang pagbabalik ng mga tao sa pagsasayaw ng mga ito. She heaved a deep sigh. Akala niya masisira na niya ang gabing ito.

"Is that true,love?" Came his cold and menacing voice. Napaalis tuloy siya mula sa pagkakatago sa likod nito dahil sa narinig na sinabi nito. Her browse knotted as she stared at his now dark face.

Love? Siya ba ang kinakausap nito?

"Aren't you going to answer me, love?" Ulit nito habang nakatitig na sa kanya. So, he's really talking to her. But why is he calling her love? Akala siguro nito love ang pangalan niya.

Pilit na tinitigan niya ito kahit kinakabahan siya habang nakatitig sa inosente nitong mga mata. It kind of remind her about that freaking humiliating incident in the comfort room. And it's making her uneasy.

"Hindi naman totoo ang sinasabi niya." Panimula niya." Gusto niyang maupo ako sa tabi niya but I refused.I'm a waitress here, not an escort. Ngunit pinilit niya talaga ako so I screamed." Nakangiwing dagdag niya habang umiiwas na sa mga mata nitong nakakahalina. He may have an innocent eyes, but she knew he's more than being an innocent guy.

"You did that?" His voice now screamed danger as he signalled someone to come over. Namataan niya si Arnold kasama ang isa pang bouncer na lumapit sa pwesto nila. Nagsimula na siyang kabahan lalo na ng kaladkarin palabas ng bouncer ang lalaki habang nakasunod ang mga kasama nito sa likuran nito. Naiwan siyang natitigilan habang ito naman ay nakatitig lamang ng seryoso sa kanya. He's innocent eyes became pitch dark and she couldn't help but feel scared under his penetrating gaze.

"Do you know what you just do, love?"

"I'm not Love. I'm Katarina." Aniya imbes na sagutin ang tanong nito. Nakataas ang isang kilay na ngumisi ito sa kanya.

"So, you're Katarina, huh?"

"Opo. Sino po ba kayo?"Aniya sa naguguluhang boses.

"So, you're not informed about me, love?"
Iiling na sana siya nang biglang bumalik si Arnold at saglit na kinausap ang lalaking may inosenteng mga mata at ang lalaking salarin sa pagnanakaw ng first kiss niya.

"Napaalis na namin siya, boss." Anang Arnold.

Boss? No! He couldn't be the big boss,right? Boss is different from big boss anyway.

"Did you get his name?" Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nito kaya hindi niya maiwasang mapaisip kung ito ba talaga ang Big boss na sinasabi nila.

"Yes, boss."

"Good. Ako na ang bahala sa kanya." Anito at agad namang tumalikod si Arnold ngunit ibinuka nito ang bibig at may sinabi na ikinatanga niya.

No! He's not the big boss! Nagkamali lang siya sa pagbasa sa sinabi ni Arnold. He shouldn't be the Big boss! Paano nalang siya? Paano nalang kung tanggalin siya nito sa trabaho?

Napabaling ang tingin niya dito. Kinakabahang napatitig siya sa gwapong mukha nito. He still looked the same. Those innocent eyes,his tall frame and his sexy body.

"Nice to see you again, Love.So,you're now working for me, huh?"

Damn! He just confirmed it. He really is the Big Boss that they're talking about. Ang Big Boss na dapat niyang pakaiiwasan.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now