Innocence 7

71.6K 1.6K 36
                                    

Isang linggo na siyang nagtatrabaho bilang waitress sa Tris Place ngunit hindi na niya nakitang muli ang lalaking may inosenteng mga mata. Napag-alaman niyang Tristan pala ang pangalan nito at ito ang nagmamay-ari ng club na pinagtatrabahuhan niya. Ito pala ang tinatawag nilang Big Boss at nakababata nitong kapatid si Sadie na siyang naghire sa kanya para makapasok sa trabahong ito.

Kasalukuyan siyang nakatanaw sa entrance ng resto-club nang mamataan na niya itong papasok. Nakaakbay ito sa isang mestisang babae na halos kita na ang kaluluwa sa suot na damit. Their eyes met but he suddenly looked away as if he doesn't know her. Napakurap siya at itinuon nalang ang pansin sa mga tao na nagsasayawan sa gitna. Nakangiting nilapitan niya ang grupo ng magkakabarkada na kinawayan siya.

"Miss Beautiful, maaari bang malaman ang pangalan mo?" Nahihiyang saad ng isang lalaki na nasa bandang gilid nakaupo. He's chinito and he looked cute.Napakamot pa ito sa batok habang nakatitig sa kanya.

"I'm Katarina." Aniya bago narinig ang ilang sipol mula sa kasama nitong mga lalaki sa mesa. Lima silang lahat na nakapalibot sa mesa. Mukhang harmless naman ang mga ito. And besides, hindi naman bawal ang magbigay ng pangalan sa mga customers.

"You have a beautiful name too. You're new here,right?Madalas kasi kami dito at ngayon kalang namin nakita." Anang isang moreno na may masayang ngiti na nakaukit sa labi. She smiled back at him but she went rigid when she suddenly caught Tristan's dark stare from afar. Napatayo siya ng matuwid at nakangiwing nagpaalam na sa mga ito. Mahirap na at baka matanggal pa siya dahil sa pakikipaghuntahan sa mga customers. Pasimpleng hinilot niya ang nananakit na binti dahil sa pagtayo ng ilang oras. Alas nwebe kasi ng gabi ang pasok niya. And it's past eleven already. Kung pwede lang sanang maupo.

"Hi!"

Napaangat ang kanyang tingin sa lalaking nagsalita sa tabi niya. He's tall and blonde. He looked like one of those leading men in the movies that she's fond of watching.

"Hi!"Aniya at kiming ngumiti pabalik dito.

"So,you're a waitress?"Anito na tinanguan lang niya. Mamaya makita na naman siya ng boss niyang nakikipagkwentuhan.

"You know, you're too beautiful to be a waitress. I can offer you a much better job, Miss Beautiful." Anito at dumikit pa talaga sa kanya. She cringed at the sudden touch of his body. Napaatras siya at akmang sasagot na nang biglang matanaw niya ang papalapit na pigura ng big boss nila.

"What are you doing here in the dark, love?"

"Love? I-I'm sorry.I thought she's not taken." Anang lalaki at agad ding umatras. Naiwan silang dalawa sa dilim at hindi niya maiwasang kabahan lalo na nung lumapit pa ito sa kanya. Nakaigting ang panga nito at magkasalubong ang dalawang kilay habang nakatitig sa kanya.

"Why do I always caught you flirting inside my property, Katarina?"

"Flirting?"Aniya sa naguguluhang tinig. "Hindi po ako nakikipaglandian, boss." Dugtong niya sa mahinang boses. He's towering her and he's innocent eyes are a shade darker making her fear him more. Napaatras siya para lamang mapasandal sa pader.

"You're not flirting, really?" Nakangising saad nito habang lumalapit parin sa kanya. They're only an inch away and she can already smell him. He smelled of alcohol, smoke and mint and it's kind of intoxicating."But that's not what I saw, Love?"

"Hindi -

"Tristan? What are you doing?" A feminine voice interrupted. Agad namang nabaling ang tingin niya doon. She saw the lady Tristan's with awhile ago. She looked furious as she stared at them. Kagat ang pang-ibabang labi na umalis siya mula sa pagkakasandal sa pader.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now