Innocence 33

70.5K 1.6K 64
                                    

Pagkatapos niyang madischarge sa ospital ay agad din silang lumuwas ni Katarina sa Maynila. Bukas na kasi ang kasal ng kaibigan niyang si Nathaniel sa pinakabrat na babaeng nakilala niya sa tanang buhay niya. Poor Hernaez! Kay Elle parin talaga ang bagsak nito.

He made some calls. Ilang araw din kasi siyang nawala. Siguradong tambak na ang paperworks niya.

"Nagugutom kana, Love?" Baling niya sa katabi. Umiling lang ito at nginitian siya pabalik.

"Sigurado kang hindi na masakit ang sugat mo? Bakit ba kasi kailangan na nating bumalik ng Maynila, Tristan?" May pag-aalalang nakaguhit sa mukha nito. He squeezed her left hand to assure her that he's okay and he got everything under control. Alam niyang nag-aalala parin ito dahil hindi pa nahuhuli ang intsik na iyon.

"Dadalo tayo sa kasal ng kaibigan ko, Katarina. Remember Hernaez? Noong birthday ko? He's with Elle that time. Yung mapapangasawa niya."

Tumango lang ito at ibinaling ang tingin sa daanan nila. He heaved a deep sigh as he focused on driving. He needed to drive safely. Ayaw niyang mapahamak ang mag-iina niya. Parang hindi parin nga siya makapaniwala na magiging daddy na siya. It's too euphoric. Hindi na tuloy siya makapaghintay na mapasakanya na talaga ang babaeng mahal niya.




Pagkarating sa building ng condo unit niya ay agad silang sinalubong ng kanyang mga tauhan. He needed to be more careful this time. Tsiu won't just back down. Hindi ito ang tipo ng taong nagpapatalo. He did some research and he's really a dangerous man. Hindi siya natatakot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Katarina at para sa anak nila.

Naunang pumasok ang dalawa niyang tauhan at ininspeksyon ang buong unit. Hawak-hawak niya ang kamay ni Katarina habang nakikinita niya ang naguguluhan nitong mukha.

"Anong ginagawa nila? Hindi pa ba tayo papasok, Tristan?"

"Pagkatapos na, Love. We need to be careful. I don't wanna put your life in danger." Masuyong dinampian niya ito ng halik sa labi at hinintay ang paglabas ng mga tauhan niya. Ilang minuto din ang mga ito sa loob bago pa sila makapasok.

"I'll just make some calls, Love. Your dress is in the bedroom. Tingnan mo nalang kung magustuhan mo. Yun ang susuotin mo bukas." Aniya bago ito tinalikuran at tinungo ang nakabukas na terrace.

Kunot na kunot parin ang kanyang noo habang tinitingnan ang damit na susuotin niya bukas para sa kasal ng kaibigan ni Tristan. Napakaganda niyon.It's a flowing dress. Kulay asul at halos hanggang talampakan na niya ang haba. Kaya lang nag-aalala parin siya. Paano kung pumunta doon si Brandon at sirain ang kasal? Ayaw niyang may madamay na ibang tao. Hindi makakaya ng konsensya niya kung may masaktan ng dahil sa kanya. Bakit kasi hindi nalang siya nito tigilan? Wala naman siyang kasalanan dito. Hindi siya nagsumbong kahit muntikan na siya nitong pagsamantalahan noong nag-aaral palang siya sa kolehiyo at parati niya itong nahuhuling gumagamit ng droga. Walang rason para habulin pa siya nito. Is he still after her body? But God forbid, hindi siya makakapayag na magalaw nito. Her body and heart is for Tristan only.



Inayos niya ang pagkakakulot ng kanyang mahabang buhok bago pinasadahan ng tingin ang kanyang sarili sa harap ng salamin. She's glowing. Babae siguro ang anak nila ni Tristan. She smiled as she wore her favorite red lipstick. Bihira lang naman kasi siyang naglalagay nun. Kapag may mga okasyon lang o may mahalaga siyang pinupuntahan. Isang katok mula sa pinto at iniluwa niyon si Tristan. Agad kumunot ang noo nito nang pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.

"Your dress is too sexy for you, Love. Parang hindi ka buntis."

"Talaga?"

Tumango ito at hinapit siya palapit sa katawan nito. She stared at his innocent eyes who's now full of lust and need for her. Natatawang tinampal niya ang dibdib nito para makawala sa pagkakahawak nito.

"I know that stare,Tris. Baka nakakalimutan mong may kasal pa tayong pupuntahan."

Ngumisi ito at masuyo siyang dinampian ng halik sa labi.

"Damn! I just missed you, Love. I missed being inside of you."

She bit her lower lip as she felt the heat crept all over her body.

"Ah-ahm. Alis na tayo?"

Napailing lang ito at inalalayan siya palabas ng condo unit. Namiss niya rin ito. Ang tagal na magmula ng may mangyari sa kanila. Her body yearns for him. So much. Kaya lang may kasal silang dadaluhan. Ito pa naman ang bestman.





"You think she'll marry you, Bro? Wala naman kasing dahilan para pakasalan kapa niya. Nakuha na niya ang puri mo eh!" Natatawang saad niya at inilapit pa talaga ang mukha para asarin ito.

"Freaking jerk! Bakit ba ikaw pa ang naging bestman ko, Tris? Wala ka namang kakwenta-kwenta. I don't even know why you're still not burning. Ang sama pa naman ng ugali mong bwisit ka!" Nanggigigil na bulong nito sa kanya sa takot na baka marinig sila ng pari.

"Not my fault though, bro. Ako ata ang pinakagwapo sa ating lahat." Natatawang saad niya na ikinasimangot nito.

"Mukha mo, Tris!"

"Gwapo. I know, Nate. No need to tell it straight to my face." Taas-baba ang kilay na sagot naman niya. Hay! Ang sarap talagang asarin ng kaibigan niya. Tumahimik lang siya nang nagsimula ng maglakad si bratty Elle. Well, she's more beautiful now. Hindi na siya nagtaka na patay na patay parin si Hernaez dito. Kahit nga siya nagkagusto din dito noon.
He searched the crowd and his eyes met Katarina's. She smiled as she waved at him. Napakamot siya sa kanyang batok. Nararamdaman niya ang pagkalat ng pula sa kanyang pisngi. Ang tanda na niya para kiligin!

Buong seremonyas ay wala siyang ginawa kundi ang tumitig lang sa babaeng mahal niya. Katarina's now crying as she listened to the bride and groom's vows. Napakaganda parin nito kahit puno na ng luha ang pisngi nito. Iiyak din kaya ito kapag sila na ang ikakasal? Damn! He couldn't just wait for that moment to happen.








Nahihiyang tumayo siya at sumali sa mga kababaihan para sa bridal bouquet throw. Ayaw niya sana kaya lang nakakahiya namang tumanggi. Binalingan niya pa ng tingin si Tristan na walang kangiti-ngiti habang nakatitig sa kanya. Is he okay? Bakit sambakol ang mukha nito?

"Are you ready, girls?" The bride shouted while laughing. Natatawang sumagot naman siya ng oo lalo na ng tumalikod ito at akmang ihahagis na ang hawak-hawak na bouquet. Elle started counting with the crowd before she throw the bridal bouquet. Nakatayo lang siya sa bandang likod at bahagyang nakataas ang kamay niya nang makarinig siya ng malutong na mura bago iyon sinundan ng tawanan at ilang sipol mula sa kalalakihan. Her eyes widened when she saw the bouquet in her hand.

Oh my God!

Hawak-hawak niya ang bouquet at  nag-iinit ang pisnging tumitig kay Tristan na hindi maipinta ang pagmumukha. Nakangiting binalingan niya ng tingin ang bride na nakangisi lang sa tabi ng asawa nito. Tahimik na tinungo niya ang pwesto nila at tumabi kay Tristan na agad tumayo para sa paghahagis ng garter. Napanguso siya. Ang suplado nito.

Inihagis naman agad ng kaibigan nito ang garter na hawak nito. And all the gasps and ohs are heard in the crowd when Tristan pushed all the guys around him as he did everything to get the freaking garter. Tinitigan pa nito ng masakit ang mga lalaking nagtangkang agawin pa iyon sa kanya. Hindi na maipinta ang hilatsa ng pagmumukha nito nang matagumpay nitong makuha ang garter.

He walked towards her. Her heart beats wild and crazy as he inched closer. There's this triumphant smile in his face as he held out his hand to her. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na inabot niya ang kamay nito para tumayo. He then snaked his arms around her and dropped a sensual kiss on her lips. The crowd roared. She blushed profusely.

"You're damn mine, Love. No one can ever take you away from me. Fuck! I can even kill for you, Katarina. I love you so much!" He whispered huskily making her blushed some more.

Damn Tristan! Wala talagang pinipiling lugar para maglandi.









~~

Beast mode ako. Walang kwenta talaga ang MAMA! Nagsayang lang ako ng load. 😤😡

**

PS: Thank you for reminding me about the last scene, girl! 😊 You know who you are! 😘😘

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now