Innocence 37

57.6K 1.3K 36
                                    

Mabilis na bumaba siya ng hagdanan. Nagpalinga-linga siya sa takot na baka may makasalubong siya kahit isa man lang sa tauhan nito. Tinakbo niya ang distansya patungong backdoor nang marinig niya ang galit na galit na tinig ni Brandon.

"Katarina! Bumalik ka dito! Ginagalit mo talaga akong babae ka?!"

Pipihitin na sana niya ang pinto nang makarinig siya ng malakas na pagsabog at sunod-sunod na putukan. Napabalik siya bago dahan-dahang tinungo ang kusina. Namataan niya ang pababang si Brandon kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad. Dinampot niya ang nakalapag na T-shirt sa ibabaw ng isang upuan at agad na sinuot bago nagtago sa loob ng malaking cabinet. Hindi siya natatakot sa posibilidad na baka may ahas o kung anupaman sa loob niyon. Mas natatakot siyang mahuli ni Brandon o matamaan ng ligaw na bala. Sinuot narin niya ang kanyang sapatos at niyakap ang kanyang sarili. Nangangatog na ang kanyang tuhod sa sobrang takot at pag-aalala. Napapikit siya habang bumibilang sa kanyang isipan. Hindi naman siya maaaring magtagal sa loob ng cabinet. Sobrang dilim doon at mauubusan siya ng hangin. Naririnig parin niya ang mga palitan ng putok at mga nagmamadaling yabag. Nakakaramdam na siya ng antok. She tried to stay awake and sane but her eyes are now drooping. Pumikit-pikit siya bago tuluyang tinangay ng kadiliman.








Pinarada nila ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa isang bungalow-type na bahay. Naniningkit ang kanyang mga mata bago dinampot ang ilang baril at isinuksok ang dalawa sa pantalon niya. He's now holding two top caliber guns as he went out of his car. Corpuz stood beside him as they both studied the house not so far away from them.

"We need to hurry up, Drake! Katarina is in danger."

Tumango ito bago sinenyasan ang mga tauhan nito na maunang maglakad patungo doon. Akmang aalis narin siya nang pigilan siya nito.

"What?!" Kunot-noong saad niya. He's nervous and angry as fuck that all he wanted to do is plant a bullet straight to Brandon's head.

"Don't let yourself be killed, Tris. Okay?" Anito sa seryosong boses.

"Fine. You too. Hindi kapa dapat mamatay. You need to experienced another heartbreak first before that." Nakangising saad niya bago ito iniwan na nanlilisik ang mata sa kanya.

He carefully walked towards the house but his eyes bulged when he heard a series of gunshots. Nagpapalitan na ng putok ang mga tauhan nila at ni Brandon. Ikinasa narin niya ang baril bago mabilis na tinakbo ang distansya ng bahay. Malapit na siya nang madaplisan siya ng bala sa bandang balikat.

"Fuck! Bullshit!" Ilang mura pa ang pinakawalan niya bago binaril ang lalaking haharang-harang sa daanan niya.

"Go now, Tris! I'll cover you up!" Corpuz shouted behind him. He nodded as he made his way towards the backdoor of the house. Pinihit niya ang pinto pabukas ngunit isang bala ang sumalubong sa kanya. Mabuti nalang at mabilis siyang nakaiwas bago ito pinatamaan. Sapul tuloy ang ulo nito. Hinihingal at pawisan na tinahak niya ang kusina habang palinga-linga sa posibilidad na may makasalubong siyang kalaban. Napatago siya sa gilid nang washing machine nang mamataan niya ang nasa sampung kalalakihan na papasok ng kusina. Napamura siya sa isipan habang binibilang ang segundong lumilipas.

"Hanapin niyo yung babae at ibigay kay boss." Anang pinakalider. Nakatalikod ang mga ito sa pwesto niya habang nag-uusap.

Kumunot ang kanyang noo sa kanyang narinig.

Hanapin? Babae? Nakatakas ba si Katarina? Shit! Saan naman ito nagpunta? Paano kung mahagip ito ng bala?

Isa-isang nag-alisan ang mga ito at natira ang dalawa na agad niyang binaril sa ulo. Patagong naglakad siya at akmang papasok na sa mayor ng bahay nang mapansin niya ang dahan-dahang pagbukas ng malaking cabinet na nasa pinakagilid. His eyes bulged, his heart thumped faster as he saw Katarina went out of the cabinet. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito. She's wearing an oversized shirt. Gulo-gulo ang mahabang buhok nito at namumutla pa ito. Agad niyang tinakbo ang distansya nito at niyakap ito ng mahigpit na ikinabigla nito. Narinig niya ang mahinang paghikbi nito. And it pained him more imagining and not knowing what has happened to her.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now