Innocence 3

81.7K 1.6K 24
                                    

Ilang araw na ang nakalipas magmula nang nakawin ng isang estranghero ang kanyang unang halik ngunit nananatiling nakapagkit parin iyon sa kanyang balintataw at parang plakang paulit-ulit na lumilitaw.

She stared at the dark circles under her eyes. Pati kasi sa panaginip ay hindi rin siya pinatakas ng imahe ng estrangherong iyon. Napailing na inayos nalang niya ang kanyang damit at tiningnan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nakasimpleng blue tube dress siya na hanggang tuhod at pinaresan lang iyon ng isang flat shoes. May bisita kasing inaasahan ang kanyang Papa at ibinilin nito sa kanyang mag-ayos siya ng mabuti. She pouted in front of the mirror. Gusto na niya tuloy magsakit-sakitan. Noon naman ay hindi siya nito pinipilit kapag ayaw niyang magpakita kapag may bisita ito. May sasabihin daw kasi itong importante. And now, she's wondering what's that important thing is.

Isang katok ang pumukaw sa pag-iisip niya.

"Bakit?" Aniya mula sa loob ng kanyang kwarto.

"Pinapatawag na po kayo ng Papa niyo, Katarina." Anang kasambahay nila.

"Pakisabi kay Papa na bababa na ako. Salamat!" Aniya bago binalingan ang sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at naglakad patungong kabisera kung saan naghihintay ang kanyang Papa at bisita nito. Nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi siya napansin ng mga ito. Tumikhim siya ng malakas at sabay na napalingon ang tatlong lalaki sa kanya. Nginitian niya ang kanyang Papa at hinalikan sa pisngi bago hinarap ang dalawang lalaki. Binati niya ang katabi ng kanyang ama na si Governor pala ngunit dagling nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang katabi nito. Her face paled. Fear and shocked almost eat her when he smirked at her. Pailalim pa siya nitong tinitigan bago malisyoso siyang nginitian.

No!

Oh God No!

What is he doing here?

"This is my only daughter, Katarina. Katarina, you know Governor, right?" Anito na tinanguan niya lang. She tried to maintain her composure but his wicked stare made her feel nervous. "And this is his step-son, Brandon."

"Hi there beautiful Katarina! It's been a long time, huh?"

"You know my daughter, Brandon?" Kunot-noong sabat naman ng Papa niya habang palipat-palipat ang tingin sa kanila.

"Of course, Mayor. Who wouldn't know such a beautiful lady?" Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon. She cringed at the touch of his tongue on her hand. Agad niyang binawi iyon at inilagay sa likod niya.

Perv! Maniac! Her mind shouted as she stared at him who has a sinister smile on his face.

"Isn't that a good thing, mayor? Hindi kana mahihirapang kumbinsihin ang anak mo kung saka-sakali." Sansala ni Gobernador sa usapan nila. Kunot-noong binalingan niya ng tingin ang ama nang marinig ang sinabi ni Governor.

Kumbinsihin? Para saan naman?

Tumango lang ang kanyang Papa at agad na silang inaya sa hapag para sa hapunan. Nauna na siyang maglakad at hindi niya hinayaang magdikit ang katawan nila ng lalaking iyon.

Nasa kalagitnaan na sila ng hapunan nang biglang binalingan siya ng tingin ng kanyang Papa. Seryoso ang mukha nito kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"Katarina?"

"Po?"

"Nasa tamang edad kana naman. And I am planning to wed you off to Brandon here. Magkakilala narin naman kayo so hindi kana mahihirapan kung saka-sakali." Anito na nagpaawang ng labi niya. Agad niyang nabitawan ang kanyang kutsara at tinidor na nagbigay ng ingay sa tahimik na gabi.

"Pa-pakiulit nga po,Papa?Hindi ko po ata narinig ang sinabi niyo." May panginginig sa boses na sabi niya.

"Ipakakasal kita kay Brandon, Katarina. At napagdesisyonan naming sa susunod na buwan na iyon gaganapin." He answered with a finality on his voice. A lump formed on her throat. Naiiyak siya ngunit hindi niya hahayaang ipakita sa demonyong nasa harapan niya ang pagiging mahina niya.

"Bakit naman po, Papa? Bakit niyo po ako ipakakasal? Bata pa naman po ako at wala pang nararating sa buhay. Gusto ko pa pong magtrabaho." Paliwanag pa
niya at baka sakaling magbago ang isip ng Papa niya. At kung magpapakasal man siya ay hindi sa demonyo at manyak na lalaking ito! Hinding-hindi siya makakapayag na makanti na naman nito maski dulo ng kanyang daliri.

"You don't have to worry about a thing, Katarina. I will provide for you." Sabat naman ni Brandon na may tinatagong ngisi sa labi. Tinitigan niya ito ng masakit.

"Ayaw ko!" May igting sa boses na saad niya.

"Bakit ayaw mo, hija? Brandon is rich, handsome and nice. And I'm sure you will like him." Anang butihing gobernador. Kiming nginitian niya ito bago ibinalik ang tingin sa kanyang Papa na madilim na ang mukha. Halatang hindi nito nagustuhan ang naging asal niya.

"I'm sorry, Papa but I won't marry yet. Now now,not tomorrow and not even next month. Pasensya na po." Aniya bago nagpaalam sa mga tao sa hapag.

Dali-daling naglakad siya at agad na umakyat sa kanyang kwarto at doon hinayaang tumulo ang kanina pa pinipigilan na luha. She loves her Papa but what he's been doing is hurting her already. Pinabayaan niya ito at sinunod ang lahat ng gusto nito para sa kanya magmula ng iwan sila ng mommy niya. Nanatili siya sa kanilang bahay kahit ang gusto niya ay makapagtrabaho sa malaking kompanya dahil iyon ang gusto nito. Inintindi niya ito ngunit ang ipakasal sa isang lalaking hindi nga niya gaanong kakilala? That's freaking unacceptable! And what's worst is to a guy who doesn't have a single decency on his body. He's a certified manwhore and a pervert. Hinding-hindi siya makakapayag na makasal dito.

Galit na pinunasan niya ang luha na walang tigil sa pagtulo sa kanyang pisngi nang marinig ang boses ng kanyang Papa sa labas ng kanyang kwarto.

"Open the door,Katarina!" Anito sa malakas at galit na boses. Kagat-labing binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang madilim nitong mukha.

"Hindi ko nagustuhan ang naging asal mo kanina, Katarina. Hindi kita tinuruan na maging bastos!"

"Pasensya na po, Papa ngunit ibinilin din po ni Mama na kapag hindi ako sang-ayon o hindi ko gusto ang isang bagay ay nararapat lamang na umayaw ako." Aniya sa mahinang boses ngunit hindi niya mapigilang mapaluha nang biglang lumagapak ang kaliwang pisngi niya. She stared at his father's face horrified. Napailing siya at napaatras habang umiiyak. Ito ang unang beses na pinagbuhatan siya nito ng kamay at hindi siya makapaniwala.

"I'm serious this time, Katarina. You will marry Brandon and you have no say on that. Huwag mo akong subukan at hindi lang iyan ang aabutin mo." Anito at agad din siyang iniwan. Napahawak siya sa kanyang masakit na pisngi. She now hates his father. Hindi na ito ang Papa niya.

Magmula ng gabing iyon ay naging mas mahigpit pa ito sa kanya. Ni hindi nga siya nito pinalalabas kahit gusto lang niyang magliwaliw sa kalapit na lugar. Nakaplano na rin ang kasal niya at wala siyang ginawa kundi umiyak gabi-gabi. Ilang beses pa niya itong pinakiusapan ngunit matigas na iling lang ang palaging isinasagot nito sa kanya. Kaya isang gabi ay walang pagdadalawang-isip na isinilid niya ang mga importanteng gamit sa kanyang backpack at patagong umalis ng bahay na kinalakihan niya.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now