Innocence 26

65.3K 1.5K 72
                                    

Pagkababa ng tawag ay agad niyang pinara ang dumaang taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel. She checked in for two days just enough for her to think things carefully. Kailangan niyang pagplanuhan ang dapat niyang gawin. It's not all about her anymore. Or about her father. Mas kailangan niyang isipin ang batang nasa sinapupunan niya.

Nanghihinang inilapag niya ang dalang bag at agad na nahiga sa kama. Napatingin siya sa puting kisame. Napangiti siya ng mapait. Bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng ito? Naging mabait naman siyang tao. Naging masunurin din. Does she deserved all of these? Napabuntong-hininga siya ng malalim nang marinig niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Napangiwi siya at agad dinampot ang telepono na nasa bedside table. Magpaparoom service nalang siya para sa kanyang tanghalian. Though it's too late, she really needed to eat. Kailangan niya ng tamang nutrisyon para sa sarili at sa anak niya.

Dahan-dahang tinungo niya ang pintuan nang may marinig siyang mahihinang katok at sinundan ng boses ng nagpakilalang roomboy. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang isang lalaking nakauniporme habang tulak-tulak ang trolley na may lamang mga pagkaing nakatakip. Maingat na inilapag nito iyon sa mesa.

"Salamat." Aniya at kiming nginitian ang lalaki. Ngumiti ito pabalik at agad na umalis. Inisa-isa niyang buksan ang nakatakip na pagkain. Her mouth watered at the sight of the foods in front of her. Agad na nilantakan niya iyon. Feeling niya ilang araw siyang hindi nakakain dahil sa laki ng subo niya. No wonder almost all pregnant women tend to become fat. Naiimagine niya tuloy ang sarili niyang may matabang pisngi, braso at binti.





Ilang beses niyang pinadaanan ng kanyang daliri ang kanyang buhok. He was all frustrated and angry the whole day. Dalawang empleyado pa ang napatalsik niya dahil sa inis na nararamdaman niya. Galit na pinakatitigan niya ang inabot na sulat ng manager ng Tris Place. Resignation letter? Fvcking shit! Agad na nilamukos niya iyon at itinapon sa pader. Nakaigting-bagang na itinipa niya ang numero ni Katarina ngunit hindi na niya iyon makontak.

Putang-ina! Malutong na mura niya sa kanyang isip. Gigil na pinagpipindot niya ang kanyang cellphone bago niya tinawagan ang kaibigang si Corpuz ngunit hindi rin ito sumasagot. He hissed out loud as he made his way out of his office.

Bullshit! He really need to see her! Pronto!



Dali-daling bumaba siya sa kanyang sasakyan at mabilis na tinalunton ang eskinita papasok sa boarding house ni Katarina. Kunot-noong napatingin siya sa dalawang pulis na agad humarang sa daanan niya.

What the fvck is happening? Bakit may mga pulis dito?

"Pwede po bang malaman ang pangalan niyo, sir?" Magalang na saad ng isang matangkad na pulis.

"What for?" Inis na saad niya. "At bakit nandito kayo? May nangyari ba?" Sunod-sunod na tanong ang pinakawalan niya habang pilit binabalewala ang kabang biglang sumibol sa dibdib niya. He just needed to see Katarina. Wala siyang pakialam sa mga pulis na nasa harapan niya.

Akmang sasagot pa ang pulis nang may tumawag sa pangalan niya. Magkasunod na tumakbo ang dalawang dalagitang pamilyar sa kanya. Ang mga ito ang palaging kasama ni Katarina. Puno ng takot ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanya. Naguguluhang napatitig naman siya sa mga ito.

"Kuya Tristan!" Magkapanabay na saad ng mga ito bago humagulgol na ikinagulat niya.

"What happened in here? And why are you crying? What's with the police?" Hinawakan niya ang balikat ng mas matangkad na dalagita. Napatitig ito sa kanya habang humihikbi parin. Fear started to crept on his veins.

"Si Ate Kat. Si Ate Kat, Kuya!" May pagkataranta sa boses na saad nito.

Parang nabingi siya nang marinig ang pangalang nabanggit nito. No! No! Wala naman sigurong nangyaring masama dito diba?

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now