Innocence 12

65.6K 1.4K 27
                                    

Mahigit isang linggo na ang nakalipas magmula nang magwalk out ito sa apartment niya at ilang beses narin niya itong makita sa loob ng Tris Place na iba-iba ang kasamang babae. Hindi niya tuloy alam kung sino talaga ang totoong nobya ng boss niya. Napangiti nalang siya ng mapait. Maybe,all of them are just his flings. Totoo nga talaga ang sabi-sabi that he's a chic magnet.

Napaiwas nalang siya ng tingin nang aksidenteng magtama ang kanilang mga mata. May konting kirot siyang nararamdaman sa kanyang dibdib ngunit pinilit niya nalang iyon na balewalain. Hindi iyon makakatulong sa kinasusuungan nilang sitwasyon ng kanyang Papa. The less person she associated herself with, the better.

Nilapitan niya ang grupo ng mga kabataan na kararating lang. Her brows creased upon seeing them up close. They looked too young to be in this place. Akala ba niya bawal ang menor de edad? But why are they here inside? Connections? Money, perhaps. Mukha namang mayayaman ang mga ito.

"Hi miss pretty!"Bati ng isang lalaki habang kaakbay ang isang dalagitang masakit ang pagkakatitig sa kanya. Nginitian niya lang ito at agad na kinuha ang order ng mga ito. Tumalilis din siya agad at hindi na pinansin ang pagtawag pa ng mga ito. Ayaw niyang magkaroon na naman ng kaaway. Ibinigay niya ang lista ng order ng mga ito at umalis din siya agad. Dumiretso siya sa isang tagong sulok at hinayaan ang mga matang magliwaliw. Napangiti siya habang pinapanood ang isang pares ng couple na sumasayaw sa romantikong saliw ng musika.They really looked in love with each other. Nakakainggit. She never had someone special on her life aside from her Papa. Sana makatagpo din siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng buong puso.

Napapitlag lang siya nang biglang may kumulbit sa kanya. Binalingan niya iyon ng tingin. One of her co-workers is standing beside her with a pale face. Mukhang kinakabahan pa ito habang nakatitig sa kanya.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni boss."

"Ako?"Aniya sabay turo sa kanyang sarili. "Bakit daw?"Naguguluhang saad niya habang kinakabahan.

"Hindi ko din alam, Katarina. Dumiretso kalang daw sa opisina nito sa second floor." Anito at agad din siyang iniwan. She heaved a deep sigh to calm herself. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Pasimpleng inayos niya ang mahabang buhok at naglakad na patungong opisina ng Big boss. She took a deep breath when she's already in front of his office. Kagat ang pang-ibabang labi na kumatok siya ng malakas at agad din iyong pinihit pabukas nang marinig ang boses nito mula sa loob.

"Get inside,Katarina. Huwag mo akong paghintayin."

Dali-daling naglakad siya ng nakayuko nang marinig ang galit nitong tinig. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib nang maamoy ang pabango nito na humahalo sa amoy ng ininom at sigarilyo nito.

"I want you to look at me when I'm talking to you,Katarina."

Agad naman siyang nag-angat ng tingin at napatitig sa mga mata nitong sobrang dilim. His ever so innocent eyes are now blazing with fire as he stared at her. Nakakatakot ang apoy na ibinubuga niyon. Napaatras siya na lalong nagpaigting ng bagang nito.

"Are you scared with me,Love?" Nakangising saad nito at ipinatong ang mga paa sa ibabaw ng mesa.

"A-Ano po ang dahilan at ipinatawag niyo ako, boss?" Kahit nanginginig sa sobrang takot na nararamdaman niya para rito ay pinilit niyang labanan ang nararamdaman niyang iyon. She needed to do this once and for all. Para naman makaalis na siya at mawala na ang kaba at takot na namamahay sa puso niya.

His expression hardened upon hearing what she just said. His knuckles closed, his breathing ragged.

"What do you think are you doing in the dark, Katarina?Are you waiting for someone to go after you, huh?"Mabalasik na saad nito na nagpalaki ng mga mata niya.

How can he say something like that? She's not that kind of girl.

"You're here to work not to flirt, Katarina. Remember that."

"I'm not flirting, boss." Pinipigilang maiyak na sagot niya. He's the first person to say that to her. At hindi maipagkakailang nasaktan siya dahil sa sinabi nito.

"You're not?Tss.Make sure you won't,Katarina. Dahil hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin ka sa trabaho kapag nakita pa kitang nakipaglandian sa mga lalaki sa loob ng club. You're a waitress here. Magtrabaho ka ng tama."

Nakayukong tumango siya habang pigil-pigil ang sariling mapaiyak dahil sa mga binitiwan nitong mga salita. What he said was so harsh. Hindi naman kasi siya nakipaglandian.

"Makakaalis kana, Katarina. And make sure you work hard. Ayaw ko ng tatamad-tamad na empleyado."

Pagkarinig sa sinabi nito ay agad siyang nagpaalam at lumabas ng opisina nito. Napahawak siya sa kanyang pisngi nang maramdaman niyang basa na iyon. She's crying really hard. She felt alone and sad right at the moment. She suddenly missed her Papa. And all she ever wanted his warm embrace. Ngunit lalo lamang siyang napahagulgol nang maalalang hindi pa siya pwedeng umuwi sa kanila. At ni hindi siya nakakasiguro kung kailan pa niya mayayakap ang kanyang nag-iisang pamilya.




Nagising siyang masakit at kanyang ulo. Napaupo siya habang yakap-yakap ang kanyang magkabilang binti. Naalala niyang halos nakatulugan na niya ang pag-iyak. Tristan's hurtful words still lingered on her mind. Ang sama pala talaga ng ugali nito. Mas masama pa sa ugali ng Papa niya.

Napangiwi siya nang marinig ang pagkalam ng sikmura niya. Napatingin siya sa orasan na nasa tabi ng kama niya. Pasado alas-nuwebe na pala ng umaga. Kaya pala nagrereklamo na ang tiyan niya. Saglit na inayos niya ang sarili bago napagpasyahang lumabas ng kanyang kwarto. Nadatnan pa niya ang dalawang dalagita na kakalabas lang ng kwarto ng mga ito at mukhang handa na para pumasok. She smiled as she walked towards them.

"Hi, Ate! Good morning!" Magkasabay na bati ng mga ito na ikinatawa niya. Sumabay na siya sa mga ito palabas dahil bibili siya ng pagkain sa labasan. Madadaanan naman kasi ng mga ito ang tindahan na kalimitang binibilhan nila ng pagkain. Nakangiting nagpaalam ang mga ito sa kanya at humalik pa talaga sa pisngi niya na ikinangiti niya. They are just too sweet. Parang nakababatang kapatid narin kasi ang turing niya sa mga ito.

"Magandang umaga po!" Nakangiting bati niya sa butihing matandang ginoo na nagmamay-ari ng kainan. Nag-angat ito ng tingin at agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito nang makita siya.

"Magandang umaga, hija!Tinanghali ka ata."

"Oo nga po. Nahirapan po akong makatulog eh." Aniya at itinuro ang pinakbet at pansit sa mga nakahilerang pagkain. "Tag-iisang serve po,manong."

"Nagdadalaga kana siguro, hija." Natatawang komento nito na ikinatawa niya.

"Dalaga na naman po talaga ako,manong."Aniya at inabot na ang kanyang bayad.

"Boyfriend mo ba iyong matangkad at gwapong lalaki na dumaan dito noong nakaraan?" Anito at inabot na ang pagkaing inorder niya.

"Ay,hindi po, manong!" Aniya habang napapailing. "Salamat po."Inabot niya ang kanyang sukli at nagpasalamat dito.
"Akala ko pa naman nobyo mo yun,hija.Ikaw lang naman kasi ang pinakamagandang babae na nanunuluyan diyan."

"Boss ko po iyon, manong. May ibinilin lang." Nahihiyang ngumiti siya at nagpaalam na dito. Nakakahiya naman kasi kapag tumagal pa siya. Nakakaistorbo na siya sa ibang kustomer.

She smiled as she walked back to her apartment. This is what she'll surely miss if she'll be going back at her home. Ang mga taong naging malapit na sa puso niya. Ang mga taong naging mabait sa kanya kahit isa lamang siyang simpleng babae na nagtatrabaho bilang waitress sa gabi. Ang mga taong tumanggap sa kanya bilang siya. Ang mga taong hindi magpapaiyak sa kanya.













~~
A/N:

You want the best. I'm sorry that's clearly not me. 😭🎵🎤

Good Enough
-Little Mix

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن