Innocence 4

70K 1.4K 43
                                    

Suot ang backpack at kipkip ang maliit na bag ay palinga-linga siya sa kanyang paligid. Puno ng takot ang kanyang puso habang nakatayo sa dagat ng mga tao. She doesn't know where to go.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang isang matandang babae na nagtitinda sa bangketa. Kiming nginitian niya ito nang mapaangat ang tingin nito sa kanya.

"Magandang umaga po, ale! Maaari po bang magtanong?"

"Aba! Magandang umaga din, hija? Ano bang maipaglilingkod ko sayo?"Anito na may ngiti rin sa labi. Katabi nito ang isang binatilyo na nagtatanong ang hilatsa ng mukha.

"May alam po ba kayong pwedeng upahan po? Bahay o apartment po?" Pagbabakasakali niya. She has enough cash for her to live for a month or two. Nakafreeze na kasi ang ibang accounts niya na galing sa kanyang Papa. And she badly needed a job after she find a place to stay.

"Medyo mahal ang apartment dito, hija." Pailing-iling na saad ng matanda. "Lakarin mo lang hanggang sa kanto." Sabay turo sa pupuntahan niya. "May mga paupahang apartment doon. Medyo safe din kaya hindi ka gaanong mag-aalala sa kaligtasan mo."

"Ganun po ba?" Aniya at tumango sa ale. "Maraming salamat po!" Aniya at agad ring naglakad patungo sa itinuro nitong apartment. Dire-diretso lang siya at hindi alintana ang tingin ng mga nakakasalubong niyang mga tao. She has no time for sightseeing. Mas importanteng makakita siya ng matutulugan bago pa dumilim.

Kunot -noong nakatayo lang siya habang tinitingnan ang lugar na itinuro ng ale kanina. The place seemed so crowded. Natatakot tuloy siyang kumatok. She's fidgeting on her toes while biting her lower lip when the door suddenly opened. Agad siyang napaatras nang iniluwa noon ang isang matabang babae na ngumunguya at nagpapalobo ng bubble gum.

Oh God! Ano ba itong napuntahan niya?

"Anong kailangan mo, magandang miss?"

"Ahm-I -I need a place to stay." Aniya sa sobrang pagkataranta nang bigla itong magsalita sa harap niya.

"Ano yun, Miss? Pakiulit nga?"

"Kailangan ko po kasi ng matutuluyan. Pwede po ba dito? Sabi kasi ng isang ale doon ay may apartment daw dito." Aniya at halos magningning ang mga mata nito pagkarinig sa sinabi niya.

"Ay oo, miss! May bakanteng kwarto dito. Pasok ka muna." Ngiting-ngiti na nauna itong pumasok bago siya sumunod sa likod nito. Dumiretso ito sa isang kwarto na nasa pinakahuling hilera. Agad naman niyang inilibot ang paningin nang makapasok sila.Semi-concrete ang lugar at hindi kalakihan. Mayroong dalawang higaan, isang kabinet, isang maliit na mesa at upuan. Well, not bad.

"Limang libo kada buwan, miss. Tatanggapin mo?" Parang naghahamon ng away ang hitsura ng mukha nito kaya hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa kaba. "May cr din dito kaya hindi mo na kailangang makipagsiksikan sa labas katulad ng ibang boarders."

"Boarders? Marami po kami?" Aniya habang nakakunot ang noo.

"Oo. Bedspace kasi ang kalimitan sa mga kwarto dito, miss." Anito.

Napatango-tango nalang siya at nagbigay ng paunang bayad sa ale. Tuwang-tuwa naman nitong tinanggap iyon pagkatapos maibigay sa kanya ang susi ng kanyang kwarto. Naiwan siyang natitigilan bago ngumiti ng mapait. Kung hindi lang sana naging makasarili at mahigpit ang Papa niya ay hindi ito mangyayari sa kanya. Masakit mang mawalay dito ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang naging desisyon.



Nagising siya sa sobrang ingay na naririnig niya sa labas ng kanyang kwarto.Pupungas-pungas na bumangon siya at nagpalinga-linga sa kanyang paligid. Napabuntong-hininga siya nang mapagtantong hindi  na siya nasa kwarto niya sa bahay nila.Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone. Alas-sais palang ng umaga.It's too early for her to wake up. Saglit niyang pinasadahan ng tingin at inayos ang sarili bago napagpasyahang lumabas. Bumungad sa kanya ang dalawang babaeng estudyante na kasalukuyang nag-aagahan. Agad napaangat ang mga ito ng tingin nang mapansin siyang nakatayo hindi kalayuan sa mga ito.

"Hello! Magandang umaga!" Nakangiting bati niya sa mga ito.

"Oh my God! Nagsalita siya!" Anang isang dalagita na nabitawan pa ang hawak-hawak na pandesal. Awang ang mga labi ng mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Hala ate! Pasensya na po. Akala namin manika po kayo. Ang ganda niyo po!" Sabat naman ng isang dalagita na nakaeyeglasses. They must be friends or classmates. Pareho naman ang uniform na suot ng mga ito.

"Oh! I'm sorry." Nakangiwing saad niya. "Magtatanong lang sana ako kung saan ang mall dito."

"Medyo malayo po dito, ate. Kailangan niyo pong sumakay. Isang sakayan lang naman po. Bago po ba kayo?"

"Ganun ba?"Aniya at nahihiyang tumingin sa mga ito. Naaabala na niya kasi ang agahan ng mga ito. Mamaya siya pa ang maging dahilan kung bakit nalate ang mga ito."Oo, kahapon lang ako dumating dito kaya hindi ko kabisado ang lugar. Pasensya na talaga sa abala."

"Ay naku! Walang problema, ate. Samahan ka namin mamayang uwian. Bumili nalang po muna kayo ng pagkain diyan sa labasan. Masarap naman ang luto nila." Anang isa na mukhang matabil ang dila. "Ako nga po pala si Annie. Tapos ang kaibigan ko po ay si Rose." Sabay turo sa naka eyeglasses na katabi na katabi na nito.

"Okay, salamat sa inyo!"Malapad ang ngiti na saad niya. " I'm Katarina." Sabay lahad ng kamay na tinanggap naman ng mga ito.

"Pati pangalan ang ganda!"Natatawang saad ni Annie. "Pwedeng Kat nalang? Ang haba kasi ng Katarina, ate."

"Oo naman!" Nakangiting sabi niya.

"Kakatukin po namin kayo mamayang hapon, ate. Mga four ang uwian namin. Hindi naman kasi kalayuan ang school namin." Anang Rose na tinanguan lang niya. Nagpasalamat ulit siya sa mga ito bago tumalikod at bumalik sa kwarto niya. Napangiti siya sa sarili. Maswerte parin siya dahil nakakilala siya ng mga mabubuting tao. Hindi naman pala totoo ang sinabi ng Papa niya na lahat ng tao sa Maynila ay masama at mapagsamantala.

Napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog iyon. Tumatawag na naman ang kanyang Papa. Napapabuntong-hiningang dinampot niya iyon at sinagot. Galit na galit na boses ang sumalubong sa kanya.

"Nasaan ka, Katarina?!Huwag mong sabihing lumayas ka nga?"

"Pasensya na po, Papa. Kailangan ko lang talagang umalis. Pagod na po akong maging sunud-sunuran sa gusto niyo." Naiiyak na saad niya. Isang malutong na mura ang pinakawalan nito na ikinapikit niya.

"Kapag hindi ka pa bumalik ora mismo, Katarina. Kalimutan mo nang may pamilya ka. Dahil wala ka ng babalikan pa!" Anito at pabagsak na ibinaba ang tawag.

Humahagulgol na niyakap niya ang sarili dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. She felt brokenhearted with the thought that her Papa just disowned her.

Paano nito nagawang saktan siya ng ganito?

Hindi ba siya nito mahal?

Napahiga siya. She hugged the pillow closed to her chest and curled like a baby. Kung buhay lang sana ang mama niya ay hindi siya masasaktan ng ganito. Napakasupportive at napakabait nitong ina sa kanya. Ni hindi siya nito pinagbubuhatan ng kamay kahit nagkasala pa siya. She just missed her mama so much.







~~

A/N: Naalala ko tuloy nung una palang akong nagboard sa city. Iyak din ako ng iyak noong una. 😂 Thrice a week pa akong umuuwi ng bahay. Ang ending, ang laki ng gastos ko. 😅

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now