Innocence 11

67.3K 1.4K 12
                                    

Napabalikwas siya ng bangon at inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Umiiyak na hinagilap niya ang kanyang cellphone at agad tinawagan ang kanyang Papa.Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na hinintay niya ang boses nito mula sa kabilang linya. Ilang ulit pa niyang idinial ang numero nito ngunit wala talagang sumasagot. Napatingin siya sa maliit na relo sa tabi ng kanyang kama. Pasado alas-dos na pala ng madaling araw. Maaaring mahimbing ang pagkakatulog nito. Nagpadala nalang siya ng mensahe dito at pinilit ang sariling bumalik sa pagkakatulog.




Nagising siya dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa siwang ng bintana ng kanyang kuwarto. Pupungas-pungas na bumangon siya at binalingan ng tingin ang kanyang cellphone na bahagyang umiilaw at dagli ring namatay. Nanlalaki ang matang tinawagan niya ang numero ng kanyang Papa nang makitang ito ang tumawag.

"Katarina? Napatawag ka kanina,anak? May problema ba?" Anito mula sa kabilang linya. Hindi niya maiwasang makahinga ng maluwag nang marinig ang tinig nito.

"Pa.Pasensya na po.Namiss ko lang kayo." Aniya habang pigil-pigil ang sariling mapahikbi. Namimiss na kasi niya ang kanyang Papa.Isang buwan narin naman ang nakalipas magmula ng umalis siya.She wanted to go back home but she's too afraid that their life would be in danger. Natatakot siya sa maaaring kahihinatnan niya kapag bumalik siya at magkita sila ni Brandon. Paano kung humingi nalang sila ng tulong sa mga awtoridad?

"Pa?" Aniya nang hindi na niya marinig ang tinig nito mula sa kabilang linya.

"Bakit,anak?"

"Bakit hindi nalang tayo humingi ng tulong sa mga awtoridad?"

"We can't do that yet, Katarina." Anito sa mahinang boses. "Hindi ko pa alam kung sino ang mga kaalyado nito. Wala tayong pwedeng pagkatiwalaan,anak."

"Pero paano kana,Papa? Paano kung saktan ka niya?"

"Hindi niya yun magagawa,Katarina. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko.Mas kailangan mong mag-ingat diyan."

Tahimik na napahikbi siya nang ibaba na ng kanyang Papa ang tawag. Napatingin siya sa larawan nilang dalawa na nakapatong sa mesita. Nakangiti siya ng malaki habang nakasimangot naman ang Papa niya. She smiled bitterly. Natigil lamang ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng kanyang pinto. Pinahid niya ang kanyang luha at dahan-dahang tinungo ang pinto.

"Sino yan?" Aniya habang nakadikit ang tenga sa pinto. Nakaramdam siya ng kaba nang hindi siya makarinig ng sagot mula sa labas. Ilang yabag ang narinig niya na nagpaatras sa kanya.

"Ate?Ate Kat?Gising kana po ba?"

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang tinig ni Annie na sinundan naman ng tawa ni Rose. Nakangiting binuksan niya ang pinto para magulantang lamang pagkakita sa lalaking nakatayo sa likod ng dalawang dalagita.

"Boss?"Gulat na gulat na saad niya. His lips curved a little as he stared at her. Nagtagal ang tingin nito sa bandang dibdib niya kaya napatingin nadin siya dun. She paled upon realizing that she's just on her nighties and her tits are showing. Pabagsak na isinara niya ang pinto at tulalang napaupo sa kanyang kama. Sinabunutan niya ang kanyang sarili bago tinungo ang banyo at dali-daling naligo. Pinili niyang isuot ang isang malaking t-shirt at isang cotton short. Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin. Mukhang disente na naman ang hitsura niya. Agad na tinungo niya ang pinto at lumabas. Dumiretso siya sa tambayan ng dalawang dalagita at doon niya nadatnan ang mga ito na kausap ang boss niya na ngiting-ngiti habang nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga ito. Napatikhim siya para kuhanin ang atensiyon ng mga ito. Sabay na nag-angat ng tingin ang mga ito sa kanya. She smiled a little and took the seat near Annie.

"Hi Ate Kat! Pasensya na po at mukhang nagising ka namin kanina. Ang kulit kasi ni kuyang pogi. Gusto kana daw niyang makita."

Tinanguan niya lang si Annie at hindi maiwasang mag-init ng pisngi niya lalo na nang magtagal ang titig ng boss niya sa bandang dibdib niya. Feeling niya tuloy wala parin siyang suot na bra dahil sa klase ng tingin na iginagawad nito sa kanya.

"Boss mo ba talaga siya, Ate? Baka naman boyfriend niyo po." Anang Rose kaya agad nabaling ang tingin niya dito. May panununudyo sa mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng boss niya.

"Boss ko talaga siya. Siya ang may-ari ng resto-club na pinagtatrabahuhan ko."

"Katarina is lying,girls." Natatawang sabat ng manyak niyang boss. "Yes, she's working for me but she's also my girl." Anito sabay tayo at umupo sa tabi niya. Inakbayan pa siya nito at hinapit palapit sa katawan nito na ikinalaki ng mga mata niya. Patagong siniko niya ito sa tagiliran ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa kanyang katawan. Kinikilig naman ang dalawang dalagita habang nakatitig sa kanilang dalawa.

"Bagay na bagay po kayo ni Ate Kat, Kuya Tristan." Malaki ang ngiti na saad ni Annie habang kurot-kurot sa tagiliran ang katabi nitong si Rose.

"Talaga?" Anang boss niya na nakangising binalingan pa siya ng tingin.

"Opo,Kuya.Grabe! Siguradong magiging magaganda at gwapo ang magiging anak niyo kapag naging mag-asawa na kayo." Patuloy na pagdadaldal ni Annie na sinang-ayunan ng kaibigan nito. Kaya hindi na siguro napansin ng mga ito ang pagdilim ng mukha ng boss niya nang marinig ang sinabi nito. Inalis nito ang mga brasong mahigpit na nakahawak sa beywang niya at agad itong napatayo na ikinagulat nilang tatlo.

"I'm sorry,girls but I need to go already." Anito sa dalawa na halatang naguguluhan bago siya binalingan.

"I'll just see you later, Katarina."

Tumalikod na ito at mabilis na naglakad paalis ngunit napansin pa niya ang pag-igting ng bagang nito at pagkunot ng noo.

"A-anong nangyari dun, Ate Kat?"

"May nakalimutan atang meeting, Annie." Nakangiwing sagot niya.

"Bakit mukhang galit yun, Ate? Nag-away ba kayo?"

"Ha?"Napailing-iling siya sabay ngiti. "Baka may problema lang siya sa trabaho."

"Ganun ba? Sayang naman. Akala namin makakausap namin siya ng matagal. Alam mu yun, Ate? Yung feeling na nakikipag-usap ka sa isang importanteng tao? Yun kanina ang pakiramdam namin ni Rose habang kausap si Kuya Tristan. Tapos ang ganda pa ng mga mata niya."

Kinikilig na sumang-ayon naman si Rose habang siya ay hindi na mapakali sa kinauupuan niya. Mukhang may plano pa ang dalawang makipagtsismisan sa kanya.

"Wala ba kayong pasok?"Aniya maya-maya.

"Ano kaba naman, Ate? Sabado na kaya!"Natatawang saad ni Annie. Napangiwi siya. Pati araw nakakalimutan na niya.

"Mauuna na ako, girls. May kailangan pa kasi akong ayusin at kailangan ko pang tawagan ang Papa ko." Pagsisinungaling nalang niya para makatakas sa pag-uusisa ng dalawa.Alam mo na, basta teenager talaga kapag usaping lovelife ang aatat.

Agad na sumimangot ang mga ito nang marinig ang sinabi niya ngunit wala na namang nagawa ang mga ito nang tumayo siya at nagpaalam na sa mga ito. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at naupo sa kanyang kama nang biglang umilaw ang kanyang cellphone dahil sa pumasok na isang mensahe.

I'll find you in due time my beautiful Katarina. And you can't escape from me again.

Naibagsak niya ang kanyang cellphone dahil sa nabasang mensahe.Agad na tumulo ang luha sa kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang takot na kanyang nararamdaman.

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now