Innocence 2

89.5K 1.8K 65
                                    

"Huwag na huwag kang lalayo kapag nasa loob na tayo, Katarina. Ayusin mo ang pakikipag-usap sa mga tao. Naiintindihan mo?" Mahigpit na bilin ng kanyang Papa bago sila lumabas ng sasakyan. Tumango lang siya at agad na sumunod dito nang bumaba na ito. Ikinawit nito ang isang kamay niya sa braso nito at magkasabay silang naglakad patungong entrance ng bahay ng Gobernador.

Hindi niya maiwasang mapasinghap nang mapagmasdan ang malaking bahay na nakatambad sa kanyang harapan. Malaki din naman ang bahay nila ngunit hindi kasinglaki ng bahay ng mga ito. It's a freaking mansion! Wow!

"Mayor!Magandang gabi sayo" Masayang bati ng isang matandang lalaking Intsik na napapanot na habang nakakapit sa braso nito ang isang matanda ring babae na siguradong asawa nito.

"Magandang gabi din sayo,Mr. Cheng." Anang Papa niya at tinanguan lang ang babae na mukhang istrikta at maldita.

"Sino naman itong kasama mong magandang babae?" Anito bago malisyosong hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan. Napahigpit ang kapit niya sa kanyang Papa dahil sa sobrang kaba.

"Nag-iisa kong anak, Mr. Cheng. Kaya kung ako sayo ang asawa mo nalang ang pagnasaan mo." Walang kangiti-ngiti na saad ng Papa niya at agad ding nagpaalam sa mga ito. Nakita niya pa ang mabalasik na tingin ng mag-asawa kaya mas lalo lang siyang kinabahan.

Inilibot niya ang tingin at pinagkasya nalang ang sarili sa pagtanaw sa magandang pagkakaayos ng lawn. Wala naman siyang maintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Hindi din naman siya interesado kaya tahimik lamang siyang nagmasid sa mga tao at bagay sa paligid niya.

"Pa?" Aniya nang hindi na talaga niya mapigilan ang sakit ng kanyang pantog. Naiihi na talaga siya.

"Bakit?"Saglit na binalingan naman siya nito ng tingin.

"Punta muna akong comfort room."

"Okay. Bilisan mo at bumalik ka agad dito, Katarina." Anito at agad ding nakisali sa pinag-uusapan ng mga kasama nitong pulitiko. Maingat na tumayo siya at tinahak ang daan patungong comfort room. Kiming nginitian niya lang ang mga nakakasalubong niyang bumabati sa kanya. Nakahinga din siya ng maluwag nang makalabas siya sa dagat ng mga tao. Nakakasufocate talaga kapag nasa party. Parang hihimatayin siya sa ingay na kanyang naririnig.

Agad niyang binuksan ang pinto ng comfort room at agad ding umihi. Akmang lalabas na siya nang may marinig siyang ungol na ikinalaki ng mga mata niya.

Oh gosh! May multo ba dito? Huwag naman sana. Takot pa naman siya sa multo.

Sunod-sunod na ungol ang narinig niya at ilang boses na nag-uusap ang nagpapula ng pisngi niya.

No! Nabibingi lang siya diba? It's a comfort room. They couldn't do it here. Paano nalang siya? Siguradong pagagalitan siya ng kanyang Papa kapag nagtagal pa siya.

"Oh,Tris! Faster, baby! Shit!" At sinundan ng ilang ungol na halos ikabingi niya. She can almost hear the slapping of their bodies and it's making her uncomfortable. Hindi pa siya nakapanood ng isang porn at ang marinig ito sa personal ay halos magpawala ng ulirat niya.

"Fvck you, baby! Damn it! You're so wet." Ilang mura ang narinig niya at halos panginigan siya ng laman nang marinig ang buo at baritonong boses nito. Namumula ang pisnging napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilan ang singhap na gustong kumawala sa labi niya nang lalong lumakas ang ungol ng dalawang taong nagtatalik.

Paano nalang kung mahuli silang dalawa? Eh di mahuhuli din siya? Natatakot din siyang magtagal doon dahil siguradong hahanapin na siya ng kanyang Papa.

Kagat ang pang-ibabang labi, buong lakas niyang itinulak ang pinto at hindi niya mapigilang mapasinghap at mamutla sa tagpong kanyang naabutan. Nakapalibot ang mahabang binti ng maputing babae habang pawisan ang lalaking gumagalaw na nakatabon dito. Nakababa na ang gown ng babae at nakikita na ang maputing dibdib nito ngunit walang kahit anong hiya siyang nakita sa mga mata. Napalunok siya nang biglang magtama ang mata nila ng lalaking kasama nito. She stood there dumbfounded as she stared at the most good-looking guy she has ever seen. His eyes screamed innocence but his actions told her otherwise.

Sinong taong inosente ang gagawa ng kalaswaan sa isang comfort room kung saan may party at malaki ang posibilidad na mahuli ang mga ito? Not this guy, she's a hundred percent sure.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin at yumuko sa harapan ng mga ito. "Pasensya na po." Aniya at dali-daling tumalilis hawak-hawak ang mahabang gown. Mahirap na ang madapa at baka mas lalong maging katawa-tawa pa siya.

Madilim na ang mukha ng kanyang Papa ng bumalik siya.

"Bakit ang tagal mo, Katarina?"

"Pasensya na po, Papa. May nakausap po kasi akong kakilala. Nagkamustahan lang po kami." Pilit na itinago niya ang pagngiwi dahil sa pagsisinungaling niya. Alangan namang sabihin niya na nakawitness lang naman siya ng live action ng porn sa comfort room. Baka magwala pa ang Papa niya.




Nakangiting nakatitig siya sa mga nagsasayaw sa gitna nang maramdaman niyang may mga matang nagmamasid sa kanya. At hindi nga siya nagkamali nang biglang magtama ang mga titig nila ng lalaking nakita niya kanina sa loob ng comfort room. Nakangising kinawayan siya nito na nagpasimangot sa kanya. Dagling nag-iwas siya ng tingin at binalik nalang ang kanyang pansin sa panonood ng mga nagsasayaw sa gitna. Hindi niya naman ito kilala kaya bakit niya ito papansinin? At saka kahit ubod ito ng gwapo ay manyak parin ito. She doesn't want to associate herself with the likes of him.

"Will you be okay here,Katarina? Kailangan ko lang kausapin si Gobernador.Pipilitin ko namang makabalik agad dito." Anang Papa niya.

"Okay po, Papa. Dito ko nalang po kayo hihintayin." Nakangiting saad niya pabalik at inayos ang pagkakaupo niya. Sumasakit na ang pwet niya sa kakaupo ngunit hindi din naman siya pwedeng umalis dahil siguradong magagalit ang Papa niya. Naiingayan na siya dahil humaharot na ang tunog ng musika at lumalakas na ang tawanan ng mga bisita.

"Why is the pretty lady still sitting here,huh?"Anang boses na nagpakaba sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at galit na binalingan ng tingin ang taong umistorbo sa katahimikan niya.

Her eyes widened upon seeing the guy from the comfort room.

"A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid upang makita lamang na busy ang lahat sa pakikipaghuntahan at pagsasayaw. Wala siyang mahihingan ng tulong kung sakali mang may gawin itong masama sa kanya. "Tinatanong kita,mister. Anong ginagawa mo dito?" Ulit niya nang hindi man lang ito umimik sa tinanong niya. Nakangisi lamang ito habang walang hiyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. She suddenly felt naked under his scrutinizing stare.

"I just wanna see your pretty face up close, love." He inched closer while she stepped back. Kinakabahan siya sa pagkakalapit ng katawan nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because she's not that used to be this close to a man.

"I-I don't know you,mister. Kaya pwede bang lumayo ka sa akin?" Aniya sa mahinang boses. Natatawang nagtaas ito ng kamay habang napapailing at parang hindi makapaniwalang nakatitig lang sa kanya.

"Don't worry,love.I won't eat you. Well, not today. Maybe, the next time we meet." Puno ng pagkaaaliw ang inosenteng mga mata nito kaya hindi niya maiwasang maalala ang nakita niya kanina na ginawa nito at ng babaeng kasama nito.

"Umalis ka sabi sa harapan ko." Matapang na saad niya habang pilit na binalewala ang kakaibang nararamdaman. She's sweating bullets and her heart is beating like crazy as she stared at his hypnotizing innocent eyes.

"Oh, I will love. After this." And he claimed her lips in a not so gentle manner. Wide-eyed and feeling shocked,hindi siya agad nakahuma nang halikan siya nito ng malalim.

Why oh why?

A stranger is kissing her. Ang first kiss niya ay nawala nalang na parang bula. Kahit na nakaalis na ito at wala na sa harapan niya ay nanatili parin siyang tulala. Gusto niyang umiyak at maglupasay sa berdeng damuhan.

Bakit nito ninakaw ang sana ay para sa first love niya?






~~

A/N: Naalala niyo pa ang first kiss niyo? Anong pakiramdam? 😂

Sweetest Innocence (Billionaire Bachelor Series 4)Where stories live. Discover now